Chapter 2

357 9 6
                                    

CHAPTER 2


DANI'S POV


I'm here at Starbucks trying to have some refreshments. Nastress kasi ako kanina kay Mam at sa mga requirements na sinabi niya na gagawin namin. Una, we need to conduct an interview sa isang senior citizen from a specific Barangay to improve our skills in interviewing at na-assign ko sa Brgy. San Pablo 2. Second, kailangan HINDI namin kakilala yun, no connection at all. Third, gagawa kami ng documentation at observation paper about that. Fourth, ieexplain namin to in front of the class. Lastly, 1 day nalang natitirang araw para gawin ko yun lahat! Hell work!

At heto nga ako't nakaupo sa isang table sa Starbucks when I decided to check my FB. I saw some friend requests. Mga di ko naman kilala kaya wala akong inaccept sa kanila. At bago ko umalis, pinag-isipan ko na kung ano yung mga gagawin ko for that freaking requirement. Bahala na bukas kung sinong iinterviewhin ko.

KINABUKASAN

I dressed myself up. Syempre, mag-iinterview ako ngayon kaya kailangan kagalang-galang, from what I know, kasama sa assessment ang grooming. So, nagpa-alam na nga ako kay Mom and I decided to leave my car sa bahay and ride a jeepney papunta sa place kung san ako mag-iinterview. Hindi din ako pamilyar sa pupuntahan ko because hindi ko naman madalas mapuntahan yun. Nagbayad na ko, pumara at heto na, nandito na ko sa Barangay San Pablo 2. Grabe, andaming tambay! Inuman dito, inuman doon. May mga sumisipol pa sakin! Kakainis! I really hate that! Nakakabastos!

But, wala na kong magagawa. Nandito na ko eh. I will continue this nalang. Naghahanap na nga ko ng bahay at Lola na pwedeng interviewhin when I saw this red gate na may christmas lights.

"Tao po... Tao po...", tawag ko pero wala namang sumasagot.

"Tao po... Tao po...", ulit ko at may lumabas na isang matandang babae. OMG! Thank you Lord, jackpot!

"Uhmmm... Nay, pwede po ba ko makahingi ng iilang information tungkol sa pamilya niyo?", umpisa ko.

"Ahh sige iha. Census ba yan? Tara dito sa loob...", ika ni Lola at mukha naman siyang mabait. Galing ko talaga pumili.

"Uhmmm... Nay, ano hong pangalan niyo?", tanong ko.

"Ruth Reyes.", si Lola.

"Ilang taon na ho?"

"Ahh, 79 na ko iha!"

"Wow! 79 na pala kayo. Hindi po halata. Mukha po kasing anlakas-lakas niyo pa eh. Ano hong sekreto niyo Nay?"

"Wala naman. Exercise lang every Friday at Zumba every Saturday tsaka hindi na ko masyadong nagkakarne. Isda o gulay kinakain ko, iha."

"Wow naman Nay. Healthy Living kayo. Matagal na po ba kayo dito?"

"Ahh oo! Di ko na din matandaan kung kelan ba kami lumipat dito."

"Ah talaga hoh? Bali ilan kayo dito sa bahay?"

"Uhmm. Tatlo lang kami. Ako, yung apo ko, tsaka yung anak ko, Mommy niya. Ung asawa ko kasi nasa langit na."

"Sorry to hear that po and sana po wag niyo pong mamasamain pero nasaan ho yung asawa ng anak niyo? Nasa trabaho po ba?"

"Wala na eh. May bago nang asawa."

"Aww. Sorry po ulit, Nay. Nasaan na ho yung mga kasama niyo sa bahay ngayon?"

"Ung Mommy niya, paalis na next week papuntang Abu Dhabi. yung apo ko naman, si Ivan, nandyan yata sa taas. Saglit lang ahh... IVAN!!!!", tawag ni Lola sa apo niya.

Walang anu-ano'y, may nakita akong isang lalaking patakbong bumababa sa hagdan. Tumingin siya kung nasan kami. Grabe, parang badtrip siyang papunta sa lugar namin...

"Ano yon La? May ginagawa ako eh.", the guy said and I believe, he's Ivan.

"Bumili ka nga ng Juice doon. May bisita tayo. Dalian mo huh. Tsaka may nag-iinterviewer oh kaya umayos ka!", bungad ni Lola sabay tingin sakin.

Napatingin din sakin yung Lalaki. Teka... saglit... parang nakita ko na sya somewhere. Hayyy. Di ko matandaan. Napapansin ko rin na parang natulala sakin yung lalaki. Bakit? May dumi ba ko sa mukha?


IVAN'S POV


Nakakainis naman to si Lola oh. Naglalaro ako eh. Mabi-beat ko na sana high score ko kaya lang tinawag pa ko. Wala naman akong magagawa kaya bumaba nalang ako.

"Ano yon La? May ginagawa ako eh.", sabi ko sa padabog na tono.

"Bumili ka nga ng Juice doon. May bisita tayo. Dalian mo huh. Tsaka may nag-iinterviewer oh kaya umayos ka!", sagot naman ni Lola.

Napatingin ako dun sa babae. Teka. HALA! Sya nga!

Napatulala muna ako ng saglit. Mali, hindi pala saglit dahil medyo matagal din. Si Dani nga to. Ano ginagawa niya dito? Oo nga pala, nag-iinterview! Pero bakit dito? I mean... BASTA! Ayyy, oo nga pala! Bibili pa ko ng Juice! Nakaw!

Dali-dali na kong tumakbo. Tarantang-taranta ako. Nako ano nga ulit yung bibilhin ko? JUICE! Tama. Bibili narin ako ng tinapay. Ayyy hindi, wag! Espesyal dapat para kay Dani. Uhmmm... DONUT! Tama!

Dumaan ako ng bakery sa may ikalawang kanto. Masarap kasi yung donut dito at eto na nga, nagmamadali na kong bumalik sa bahay pero...

"Ivan! Antagal mo! Umalis na tuloy yung interviewer!", bungad sakin ni Lola.

"ANO?!", medyo nadisappoint ako ahh.

"Wala na yung interviewer. Tagal mo kasi. Ano ba yang binili mo? Diba sabi ko juice lang?", tanong ni Lola.

"Ahhh, wala ito! Meryenda ko! Sige akyat na ko. Eto na yung juice La.", sabay abot sa kanya ng juice.

Nakakainis! Umalis na si Dani!

My Gay GuyWhere stories live. Discover now