CHAPTER 11
IVAN'S POV
Nandito na kami sa bilihan ng sim card. Nung tapos na mamili si Dani, hiniram niya cellphone ko para isave ang bago niyang number. Kinuha ko ito sa bulsa at binigay sa kanya. Tinype niya ang number niya at sinave. At nung ibabalik ko na ulit siya sa bulsa ko, may nagtext. Isang text na galing kay Bea. Binasa ko.
"Hi Ivan. May gagawin ka ba tonight? Tara. Hang-out tayo nina Macmac at Bodji. Nabobore ako dito sa tinutuluyan ko." - Bea
Napaisip muna ako if I will join them. Nireplayan ko siya regardless.
"Sige. Text kita pag pauwi na ko."
Tapos na ang last class ko para sa araw na 'to. Nasa jeep na ko ng maalala ko yung sinabi ni Bea kanina. Tinext ko sya...
"Bea, saan tayo magkikita-kita?"
"Dito nalang sa tapat ng Padis. Sa may 7 Eleven.", nagreply siya agad after 1 minute lang ata.
"Ok"
Tutal, yung jeep na sinakyan ko eh papunta din kung saan ako pupunta, hindi na ko sasakay pa ng ibang jeep. Hinintay ko nalang makarating ng 7 Eleven. Tinext ko na din sina Macmac.
"Hoy tol. Asan na kayo? Hang-out daw tayo ngayon sabi ni Bea. Treat niya yata! Haha. Papunta na nga ako. Kayo ni Bodji?"
Nagreply naman si Macmac.
"Anong hang-out? Wala namang sinasabi samin si Bea ahh. Tsaka hindi din kami pwede ni Bodji. May pupuntahan kami.". Nagulat ako.
"Anong hindi sinabi sa inyo? Adik ka ba? Tsaka bakit kayo magkasama ni Bodji kung di niyo alam?", pagtataka ko.
"Basta. Mag-ingat ka nalang jan."
Hindi ko na nireplyan si Macmac. Nagtataka pa din ako kung bakit nagyayaya si Bea na maghang-out daw kaming apat pero ako lang sinabihan niya. Ang weird. Nevertheless, pababa na ko kaya wala ng time magtaka.
Pagkababa ko, pumasok na ko ng 7 Eleven. Natanaw ko na agad si Bea. Nakaviolet na dress siya ngayon. Ang ganda niya. Lumapit na ko sa kanya at nagtanong.
"Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. Ok lang. Upo ka.", pag-aalok ni Bea ng upuan.
Nagpanggap akong kunyaring walang alam.
"Nasan na sina Bodji at Macmac?"
"Huh? Ahh.. Eh.. Papunta na yata yun.", si Bea na parang di alam ang isasagot. Hmm.
Tahimik kaming dalawa. Tumagal siguro ng mga 10 minutes na walang nagsasalita samin. Bigla siya umimik.
"Nako! Baka di na yata dadating yung dalawa. Tara na. Tayo nalang dalawa.". Tumayo na sya sa kinauupuan niya at sumunod naman ako.
Pagdating namin sa isang Resto Bar, dumiretso kami sa isang table. Tinawag niya ang waiter. Lumapit ang waiter at nag-abot ng menu.
"Nako, nakakahiya naman Bea. Sure ka bang libre mo?", paninigurado ko.
"Oo naman. Wag ka na mag-alala jan. Pili ka lang. Ako bahala.", si Bea habang nakatingin pa din sa Menu.
After few minutes, nakapili na kami kaya tinawag na niya ulit ang waiter.
"Uhm, isa pong Vegetable Salad. Thousand Island yung dressing ah. Tsaka padagdagan ng isang Mango Shake at Tuna Sandwich.", order ni Bea. Gutom ba siya? Haha.
YOU ARE READING
My Gay Guy
Teen FictionIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!