CHAPTER 9
IVAN'S POV
(Continuation...)
At yung pinakahuli, kay Bea. Syempre, hindi lang card binigay ko sa kanya, may kasama yong chocolate at sinama ko din number ko para if ever man na magustuhan niya kong itext at di nga ko nagkamali.
FLASHBACK
Nakahiga na ko sa kama ko. Ansaya ko kasi eto yung araw na umamin ako kay Bea ng pagtingin. Para akong nabunutan ng tinik. Hayyy.
DING! DONG! (ringtone ko yan.)
1 message received
Binuksan ko ang message at natuwa ako ng nabasa ko 'to...
"Hello Ivan. This is Bea. yung binigyan mo ng chocolates kanina. You're so sweet. Thank You. Alam mo ba, matagal na din kitang crush. Hehe. Nakakahiya, but it's true!" - +63915*******0
At that point of time, natahimik ako. Magkahalong tuwa, kilig, pangarap, saya ang nararamdaman ko.
"Wow! Thanks for the appreciation Bea! I'M SO HAPPY RIGHT NOW! I can't explain it. Mutual pala tayo ng nararamdaman. Hindi ako makapaniwala!" - reply ko after ko isave ang no. niya.
"Hehe. Kumusta? Anong ginagawa mo?" - Bea
"Wala naman. Iniisip ka! Hehe" - ako
"Wow. Hehe. You got me there. :)" - Bea
"Sya nga pala, asan ka kagabi?" - ako
"Huh? Andito lang sa bahay. Bakit?" - Bea
"Ahh kaya pala wala ka sa panaginip ko! Hehe." - ako
"Nice! Bumabanat ahh. Hehe." – Bea
Tumagal ang pagtetext namin ni Bea for like 3 weeks at syempre, niligawan ko sya. After 1 week, naging kami pero lahat ng nangyayari sa relasyon namin, sikreto lang. Ambilis no. Kaya lang lahat talaga ng mabilis, mabilis din mawala. Gabi noon at nakahiga ulit ako sa kwarto when I received a text message from Bea...
"Baby. Good Evening. Pasensya ka na. I made my decision and I want to break up with you. I'll be taking my college at Singapore kasi. Ayoko namang magwork tayo as Long Distance. Para narin sayo kaya nakikipagbreak ako. Mahirap na. I can't refuse kasi buong family ko ang aalis. Pasensya ka na talaga. Hope you understand. Salamat sa lahat.
PS. No texts or calls na. Paalis na kami bukas. Thank you and I love you. Good bye for now." - Bea
After reading that, tumulo luha ko. Bakit parang andali sa kanyang magdesisyon? I don't know what to do. I called her but unattended na yung no. niya. I was so broken that time and wala naman akong magagawa. 3 months din siguro ang lumipas bago ako makapagmove-on. Kahit mabilis, ang hirap padin.
END OF FLASHBACK
Bago pa ko makapasok sa pinto nila Bodji, nakakarinig na ko ng mga tawanan. And pagkapasok ko sa pinto, I'm right! Si Bea nga kasama si Macmac. The same old girl I loved before. Ang ganda pa rin niya pero di na ko nabitag, may Dani na ko eh.
Nginitian ko si Bea at biglang nagsalita si Macmac...
"Nandito na pala si Best Actor eh! Tara upo ka dito!", pag-aalok ni Macmac. Umupo naman ako pero binatukan siya.
"Napakarami naman yata ng alak niyo? Panlimang tao!", pagpuna ko sa lamesa para ibalewala na din muna si Bea kasi naiilang padin ako. Pero biglang nagsalita si Bea.
"Panlima nga. Isa ako, isa si Bodji, isa si Macmac at dalawa ka! Malakas ka kaya uminom. Di mo alam? Hahaha."
"Syanga pala. Anong Best Actor sinasabi ni Macmac? Nagpepelikula ka na ba Ivan?", dagdag ni Bea.
"Huh? Hindi ahh. Bayaan mo na nga yan si Macmac. Lasing na siguro yan kaya kung anu-ano sinasabi.", pagdedefend ko.
"Sus! Di ako lasing no! Ganto kasi yan...", pero bago pa sya makapagkwento, sumabat na ko!
"Nako! Parang mauubos na yung pulutan natin ahh. Bili naman kayo.", singit ko. Napansin din pala eto ni Bodji kaya siya na ang nanguna.
"Oo nga 'no. Sige bibili muna ko. Magmomotor nalang ako para mabilis."
Hindi pa man nakakalabas si Bodji, nagsalita si Bea.
"Ah sige. Sama na ko. Ako na magbabayad!"
"Yun oh! Sige! Ikaw bahala.", at lumabas na nga sila.
Katahimikan ang bumalot samin ni Macmac. Hindi ako sanay na tahimik 'tong mokong na 'to kaya Ako na ang bumasag. Ako na ang unang nagsalita.
"Hoy! Wag na wag mong sasabihin kay Bea yung tungkol sa ginagawa ko ngayon ahh. Humanda ka sakin!"
"Opo kamahalan. Pero bakit?", tanong ni Macmac.
"Basta, wag lang. Makinig ka nalang sakin!", at di na nga kumibo si Macmac.
Makalipas ang kalahating oras, dumating na sina Bodji. Meron silang dalang dalawang supot. Tinulungan ko na si Bea at nagpatuloy na ang inuman hanggang sa abutin kami ng madaling araw.
"Uy, boys, uuwi na ko ahh. Medyo inaantok na kasi ako eh. May taxi naman jan Bodji diba?", tanong ni Bea habang tumuturo sa labas.
"Ahh oo. Meron jan. Sumabay ka nalang kay Ivan palabas. Eto kasing si Macmac eh baka bukas na gumising. Lasing na lasing. Dito nalang siya matulog.". Lumabas na kami ni Bea.
Mula pagkalabas namin ng gate ni Bea at habang naglalakad, walang nagsasalita. Nagkakailangan siguro. Tahimik lang kami. Ewan ko ba pero ang awkward na niya. Napagpasyahan ko na na magsalita at basagin ang katahimikan.
"So, kumusta ka naman sa Singapore?"
"Ok lang. Ayun, medyo nag-aadjust pa din. Eh ikaw?"
"Eto ok lang din."
Isang matagal na katahimikan ulit hanggang sa makasalubong namin ang isang taxi.
"So paano, una na ko. See you when I see you.", pagpapa-alam ni Bea.
"Sige. Mag-iingat ka huh."
"Teka, ano nga pala number mo? Text text nalang muna tayo total nandito pa naman ako until next month.", si Bea habang inaabot ang cellphone niya.
Tinype ko ang number ko at binalik ko na sa kanya.
"O sige. Pakilala kanalang huh. Ingat. Good Night.", habang pinagmamasdan ko si Bea na sumasakay saTaxi. Sinarado niya ang pinto at nagsimulang magwave ng kamay as a sign ofgoodbye. Pinagmasdan ko siyang papalayo at sumakay na din ako ng jeep.
YOU ARE READING
My Gay Guy
Teen FictionIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!