Chapter 7

245 8 0
                                    

CHAPTER 7 - The 'Gay' Guy


IVAN'S POV


KINABUKASAN

Bumaba na ko ng jeep at naglalakad na ako papuntang school. Feeling cool parin ako ngayon kahit may masalimuot na pangyayari kagabi. Lord, bakit po ganto yung mga pangyayari? Why? May nagawa ba kong hindi niya nagustuhan Lord? May nasabi ba kong nakasakit kay Dani? May hindi ba sya gusto sakin? O mismong ako lang talaga ang di niya gusto? Hayyy! Napakahirap talaga. Sobrang hirap!

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ewan ko pero parang nalutang ako sa ere. Naglakad-lakad ako paikot-ikot sa school. Kahit saan ako mapunta, wala akong pakielam! Habang naglalakad ako, parang burado na yung salitang pagod. Hindi ko alam pero eto ang gusto kong gawin sa mga panahong ganto. Napakahirap. Hindi ko alam ang gagawin ko. At nasa ganito akong posisyon at pagde-daydream nang may sumira ng moment ko.

BOOOOOOGGGSSSSHHHHH!!!!!!

May nabunggo ata ako! Mali, may nakabunggo pala sakin! Tumapon ang libro niya sa harap ko kasabay ng pagtumba naming dalawa. Inayos ko at pinagsama-sama ang mga libro at ibinigay ko sa nabunggo ko...

"Miss, pasensya ka na ahh. Hindi kasi kita nakita. Dahan-dahan ka na... Dani?". Nagulat ako nang makitang si Dani nga ang nasa harapan ko.

Nako! Halatang-halata pa naman sa mata ko ang lungkot! Pano ko itatago 'to ngayon din? Paano ako makakagawa ng paraan na maipakita sa kanya na hindi ako apektado sa mga pangyayari kagabi? Paano ko gagawin yun kung nasa harap ko na mismo ang babaeng dahilan ng sakit ko ngayon? Paano? Paano? PAANO?! Isip... Isip... Isip... Is.... AHHH! Alam ko na!

"Nako Ivan. Pasensya ka na. Sobra lang akong nagmamadali kaya hindi ko na nakita yung dinadaanan ko. Pasensya talaga!", paumanhin ni Dani!

Inalalayan ko na syang patayo at sinimulan ang aking naisip. Pagkatayo namin.

"Nako, keribum lang yun gerlash! Minsan, kumarjack ka with careless whisper ahh para wit ka na maboom-boom-pow!". Oo, yan mismo ang sinabi ko.

Tila nagulat si Dani sa mga pinagsasasabi ko...

"HUH?!", si Dani.

"Sabi ko, ok lang yun. Minsan, maglakad ka ng may pag-iingat para di ka na mabunggo kako.", paglilinaw ko. Yup, that's right. Ang bright idea na pumasok sa isip ko ay ang pagiging o pagpapanggap na bading para hindi niya ako mahalatang nasasaktan pa sa kagabi. Hindi ko alam kung tatalab 'to dahil sobrang kontra 'to sa mga sinasabi ko sa kanya dati. Ewan ko kung bakit eto ang naisip. Pero bahala na si Batman. Napressure yata ako. Isa pa, san ko kinuha ang mga pinagsasabi ko ngayon? Medyo natututo din kasi ako ng mga salitang ganun sa mga classmate kong bading kaya eto ang ginamit kong pangbalat-kayo ngayon. GREAT IDEA!

"Ivan? Ano nangyayari sayo?", tanong ni Dani na tila, nagugulumihanan.

"Wa-i gerlash. Akira padin Itis. Ansha lang?", ako. Pinagpatuloy ko na 'to.

"A-are you gay?", deretsahang tanong ni Dani sakin. Nakakatawa yung itsura niya.

"What do you think girl? Well, tanggapin mo nalang si watashi the way I am at kung tinatanong mo kung sirena akis, Yeah! Keybot mo. But I am not like some homos na nagco-crossdress. I am also hiding sa closet. Paminta but I am obvious and open sa friends ko. Hehe.", sagot ko.

"HUH?! E ANO YUNG MGA NANGYARI KAGABI?! DIBA YOU WANTED TO COURT ME?!", tanong ni Dani. Grabe. Anong ipapalusot ko ngayon! Patay ako nito. Ano kayang pwede kong i-dahilan kung bakit ko siya kinakausap before at gustong ligawan? Hayyy. Ang hirap na! Isip... Isip... AHHH! Alam ko na!

My Gay GuyWhere stories live. Discover now