CHAPTER 6
DANI'S POV
What the?! Sabi ko na eh! I knew it. May balak manligaw sakin si Ivan. I said no. Ang akin lang kasi, feeling ko he's not ready pa for that kind of thing and so am I. I am not ready yet. And hindi pa kami masyadong magkakilala. He's not my type din.
Oh well, I'm here na sa labas ng resto. Si Cristy kasi, nasiraan ng kotse. Tapos naulan pa! Matext nga...
"Girl, asan ka ba?"
She called me...
"Hello... uhm Girl... Nandito ako sa may... uhmmm... San... P+/)& ba 'to?", iba boses ni Cristy at di ko rin siya naintindihan.
"Wait. San banda yan?", sagot ko.
"I was on my way home from my classmate kaya lang, my car stopped! I don't know what happened!", kwento ni Cristy.
"Gaga! Sabi ko saan yan?"
"Ahhh. Sa may 'San Pablo 1' ba to?", feeling ko, may binabasa siyang sign.
"Ahhh ok sige. Puntahan kita jan."
Feeling ko malapit lang yun sa may San Pablo 2, yung pinag-interviewhan ko dati. Bad timing namang masiraan to si Cristy! Andilim-dilim naman! Pero wala na kong magagawa. I need a friend to rescue.
I was on my way na sa may San Pablo 1 nang may masilayan akong isang red na kotse.
"Manong, para po sa side!", pagpapara ko.
Habang pababa ako sa jeep, I heard a murmur...
"Ang arte naman nun. Paenglish-english pa!", usisa ni Ateng di naman kagandahan na syang nagpa-init lalo ng ulo ko!
I looked at her.
"Deal with it. I am beautiful enough to say those.", pagtataray ko in a nice and sarcastic way. Nakakainis kasi. I know na maarte ako pero tama bang pag-usapan pa nila yon ng naririnig ko pa din?! Kakaasar.
Back to the situation, eto na si Cristy. Nakahiga siya sa driver's seat at amoy alak! Sabi ko na nga ba. Nag-inom na naman 'to!
"Hoy Cristy, why are you so drunk? San ka ba galing? Mabuti nalang at walang masamang loob na lumapit sayo dito. Bukas pa naman pinto mo tapos tulog ka pa!", panenermon ko pero natutulog pa din si Gaga.
"Hoy gumising ka nga! Malayo pa ung... OUCH... Ano ba kay...". Hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng biglang nagsalita ang lalaki...
"HOLDAP 'to! Ibigay niyo mga gamit mo!" usisa ng lalaki habang nakatapat ang kutsilyo niya sakin. OMG! It's a hold up!
IVAN'S POV
Grabe! Sobrang sakit! Sobrang sakit pala kapag nabusted ka ng taong gusto mong mapasayo. Wala naman na kong magagawa eh. Nangyari na at kailangang tanggapin.
Pauwi na ko sa bahay. Sobrang nage-echo pa din yung sinabi ni Dani kanina.
"Pasensya ka na Ivan pero No!"...
"Pasensya ka na Ivan pero No!"...
"Pasensya ka na Ivan pero No!"...
AHHH! Tama na! Kakalimutan na kita Da... Dani?! Teka, parang si Dani yun ahh! Oo, si Dani nga! Ano kayang ginagawa niya dun at nandun siya. May kasama pa syang lalaking may hawak na kutsilyo. ANO?! KUTSILYO?! Teka, bakit? Parang may di magandang nangyayari ahh.
Bumaba ako. Tumakbo agad ako sa kabilang side nung kotse ng di nila nakikita. Nakayuko ako at tahimik para di mapansin nung lalaki. Pinakinggan ko sila...
"Kuya, maawa na po kayo sakin! Please! Wag niyo po ako sasaktan!", pagmamakaawa ni Dani.
Teka, anong nangyayari?
"Wag ka ng magsalita. Ibigay mo lang yung wallet at cellphone mo at di kita sasaktan!", pamimilit ng lalaki.
NAKO! PATAY! Nahold-up yata si Dani ahh. Pero bakit kasi nandun siya sa lugar na 'to ng gantong oras? HAYYY. Tama na muna ang tanong-tanong! Kelangan ko maligtas si Dani kaya agad-agad akong kumuha ng mahabang kahoy. Buti nalang meron dun sa tabi. Dali-dali akong lumabas mula sa kabilang side ng kotse. Hinampas ko agad sa ulo ang lalaki na dahilan ng pagkatumba niya. Nakita kong nagulat si Dani.
"Dani, ok ka lang ba? Di kaba nasaktan?"
"Oo, ok lang ako. Teka, paano ka napunta dito?", tanong ni Dani na halata pa din ang nerbyos at pagtataka.
"Huh? Pauwi na kasi ako nang makita kita. Medyo malapit na bahay namin dito eh. Bumaba ako kasi parang may patalim yung lalaki. Kinabahan ako at tama nga yung hinala ko, nahold-up kayo! Bakit kasi nandito kayo ng gantong oras?"
"Eh kasi etong si Cristy, nasiraan daw, pero nalasing lang pala kaya hindi makaalis. Salamat talaga Ivan ahh. Buti nalang dumating ka. Natatakot na kasi ako kanina.", takot pa din ang boses Dani.
"Wala yon! Basta mag-ingat kayo sa susunod. Wag na kayo maggagala ng gantong oras. Paano kayo uuwi nyan?"
"Ahh ok na kami dito. Ako nalang magda-drive. Hindi naman talaga sira 'tong kotse ni Cristy. Nalasing lang talaga kaya di na nakaandar. Pasensya ka na ulit ahh. Tsaka tungkol dun sa sinabi ko kanina sa resto, pasensya na ulit ahh. Gusto mo ba ihatid na din kita sa inyo?", alok ni Dani.
"Nako, ano ka ba? Ok lang. Tsaka lalakarin ko na lang yung hanggang samin. Malapit na din naman eh. Osya, ingat kayo ahh. Una na ko.", sabay lakad palayo at dumating na din ang mga tanod para kunin ung holdaper na wala pa ding malay.
"Thank you ulit Ivan!", medyo pasigaw Dani dahil nagkalakad na ko palayo. Hindi na ko lumingon pa sa kanya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hindi ko na sya pinansin. Ewan ko kung bakit ako ganto. Siguro nabusted lang kaya ganto. Hayyy. Buhay bitter!
YOU ARE READING
My Gay Guy
Teen FictionIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!