Chapter 5

225 10 1
                                    

CHAPTER 5


IVAN'S POV


Naglalakad ako sa sidewalk papuntang school. Sumusubok ako gumawa ng kung anu-ano pero sumasagi parin talaga sa isip ko yung pag-amin ko kagabi. Nakakahiya! Ano nalang iisipin niya? Baka akala niya sinasadya ko mabunggo siya nung isang gabi? Baka magbigay na sya ng malisya! Nakakainis. Lalo tuloy ako napapalayo kay Dani. Nako eto na naman. Pumasok na naman sa isip ko yung pangalang "Dani". Puro nalang Dani, Dani, Dani, Dani, Dani! Teka... si Dani ba tong nakikita ko imahinasyon ko na naman yon. Hmm. Oo si Dani nga 'to! Nako, bakit nandito sa daanan yung ID niya?

Kinuha ko yung ID at sinimulan ko ng magbasa ng impormasyon tungkol sa kanya...

Danille Xyra Gomez

AB Communication

2015-37637

Hmm. Last year lang pala siya nag-enroll. Nagpatuloy na nga ko sa paglalakad. Grabe, di ako makapaniwala na hawak ko ngayon ang ID ng crush ko. Hindi pa naman yun makakapasok pag walang ID. TEKA... Sh*t... Oo nga! HINDI SYA MAKAKAPASOK! Kailangan ko siyang makita agad para maisoli ko na tong ID niya!

Habang naglalakad ako at malapit na sa school, may nakita akong babaeng pasakay na ng jeep. Si Dani 'to, di ako pwedeng magkamali. Halata din sa mukha niya na haggard siya. Siguro dahil sa ID niya.

Paparahin niya na sana yung jeep nang sumigaw ako...

"Dani!", sigaw ko. Lumingon naman siya at lumapit na ko sa kanya.

"Uhm Dani, i-isosoli k-ko sana t-'tong ID mo.", bungad ko at eto na naman yung pautal-utal kong pagsasalita. Tsk tsk.

"Nako, thank you! Buti nalang ikaw ang nakapulot ng ID ko! Kanina pa kasi ako nag-iisip kung saan ko ba naihulog tong ID ko. Thanks talaga at ikaw ang nakakuha. Wait, san mo nga pala nakita?", pag-aalala ni Dani.

"Jan l-lang sa may s-sidewalk!". Pautal-utal na naman.

"Ahh, salamat ulit huh."

"Hmm, ok lang. S-sige una na ko huh. Ingat ka.", ako habang sumesenyas na aalis na.

"Teka wait, papasok ka na ba? Sabay na tayo?", anyaya ni Dani na kinatuwa ko.

"Huh? Ah sige. Pero d-diba aalis ka? Nagpapara ka ng jeep eh"

"Huh? Ahh. Hindi. Sasakay sana ko pauwi. Titingnan ko sana kung nasa bahay ba yung ID ko. Buti na nga lang at dumating ka eh. Naibigay mo agad.", natatawa niyang paliwanag.

"Ahh o-ok. So, t-tara na?", at hanggang ngayon, pautal-utal parin pananalita ko. Bwisit!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta ng school. GRABENG KATAHIMIKAN kaming dalawa. Ang awkward! Kaya naman nagdecide na ko basagin ang katahimikan...

"Uhm, n-nakakahiya pero p-pasensya na d-dun sa pag-amin k-ko kagabi ahh!", bungad ko.

"Ahh yon? Ok lang yun.", nakangiti niyang sabi.

"Uhm, m-may gagawin k-ka ba mamayang gabi?", tanong ko.

"Wala naman, bakit?"

"Uhm, pwede ba k-kita mayaya m-mag-dinner mamaya?". Nako?! San ko ba nahuhugot 'tong tanong na to?

"Ahh, sige. Pagbawi na rin sa ID, sasama ako sayo later.", sagot ni bago kami maghiwalay. I mean, maghiwalay ng daan. Pero, did I heard it right? Pumayag siya! YES! May date ako mamaya kay Ms. Danielle Xyra Gomez!

KINAGABIHAN

7 ang usapan namin dito pero 6:30 palang, nandito na ko. So here I am, waiting for her.

6:45...

7:00...

Ayan. Baka padating na sya.

7:15...

7:30...

Nang umulan. Baka naman natraffic lang sya.

7:45...

Dadating pa kaya sya? Hayyy.

8:00...

Di na yata siya sisipot pero teka.

Pasadong 8 na ng may makita akong isang dalagang nakauniform. Tama, si Dani nga to! Naglakad siya palapit sakin...

"Nako, pasensya ka na. Kanina ka pa ba dito? Ang hirap makahanap ng sakayan eh.", pagpapaumahin ni Dani.

"Nako, ok lang, Dani."

"Tara na! Pasok na tayo sa loob. Doon na tayo magkwentuhan.", yaya ni Dani na sinundan ko naman.

Umupo na kami. Inabutan na ko ng waiter ng menu at sa di ko inaasahang pagkakataon, medyo OA ako dito, ang mamahal pala ng pagkain. Sana di umorder si Dani ng mahal. P1000 lang dala ko. Baka mashort ako. Mahirap na!

"Kuya, isang Chicken and Corn Soup, isang Cheeseburger at isang Pineapple Juice.", halagang P270 na agad tong order ko.

"Kuya, eto sakin. Isang Seafood Spaghetti.", si Dani. Yan lang inorder niya? Hmm. P115 naman agad yun eh. Kunsabagay pero nakakahiya namang andami kong inorder, isa lang sa kanya.

"Un lang sayo Dani?", tanong ko.

"Gusto ko din sana ng Graham Cake pero wala ata sila nun eh."

Biglang nagsalita yung Waiter...

"Mam, meron po kaming Brazo de Mercedes, Crema de Latte, Choco Mousse at ang specialty naming Mango Bravo for dessert. Wala po kaming Grahams Cake eh.", yung waiter. Kinabahan ako kasi baka mamaya ang mamahal nun. Haha. Hindi naman sa kuripot ako pero, baka mashort kasi ako at di ako makauwi.

"O sige. I wanna try your Mango Bravo!", si Dani. I looked at it sa menung hawak ko and nashocked ako! P180 per slice!

Wooooh. Isang makalaglag bulsang dinner ito ah. Ok lang sana kung date eh pero, tingin ko, date narin siya.

Wala na kong sinayang na pagkakataon. I grabbed the opportunity to know her more habang kumakain kami. I am so happy that time. Andami kong nalaman sa kanya at ganun din naman siya sakin. Hindi nadin ako pautal-utal magsalita. Hanggang isang tanong na galing sakin ang nagpatigil sa kanyang kumain...

"Uhm, Dani, pwede ka bang ligawan?", matapang kong tanong.

"What?!", si Dani. Feeling ko, nabigla sya.

"Pwede ka bang ligawan? Matagal na kasi kitang hinahangaan. I think, di na nga paghanga to eh. Feeling ko love na kita. It was so....", di ko natuloy ang sinasabi ko nang magring ang phone ni Dani.

Before she answer it, she ate a piece of cake...

"Hello??? Huh??? Bakit??? Ah oh sige. Pupunta ako jan.", her respond sa kinakausap niya sa phone. She looks worried.

"So, ano nga ulit yung tanong mo?", si Dani while fixing her things.

"Ahh. Oo. Kung pwede ka bang ligawan?", tanong ko sa pangatlong pagkakataon. She looks at me in the eye.

"Pasensya ka na Ivan pero No. Now, will you excuse me? Emergency lang.", ang nasabi ni Dani sabay alis sa table namin.

Everything happened so fast. Before I know it, Nakalabas na agad sya. Natulala ako sa pangyayari. Her answer is stuck in my head...

"Pasensya ka na Ivan pero No!"...

"Pasensya ka na Ivan pero No!"...

"Pasensya ka na Ivan pero No!"...

Hayyyy. Nabusted ako ng taong pinakahahangaan ko? I still can't stop thinking about it. Ang sakit. SOBRANG SAKIT!

My Gay GuyWhere stories live. Discover now