CHAPTER 14
DANI'S POV
Grabe. Hindi ko inaasahan lahat ng nakita ko. Sobrang nagulat ako. Napangiti. Napahanga. At higit sa lahat, napakilig! Ewan ko ba? May nararamdaman akong kakaiba kay Ivan. Hayyy.
"Hey! So, kumusta yung kanta ko?", tanong ni Ivan sakin.
Nakatulala pa din ako.
"Huy!", si Ivan sabay hawak sa tagiliran ko.
Nagising ako sa katotohanan.
"Uy, Gir... este Ivan, ano nga ulit yung tanong mo?"
"Sabi ko kung kumusta yung boses ko? Ayos ba?"
"Ahhh. Oo naman! Ayos na ayos! Ang ganda pala ng boses mo. Hehe"
"Asus. Hehe. Nambola ka pa! So ano, tatayo nalang ba tayo dito?"
Oo nga no. Napansin ko ding kanina pa kami nakatayo at nakatingin na samin yung waiters. Haha. Kaya umupo na kami.
"Salamat nga pala sa lahat-lahat ng ito ahh! Hehe. Akala ko naman ordinaryong date lang."
"Sus, pwede bang ordinaryo lang 'to para sayo? Ikaw pa, eh espesyal ka sakin!", banat ulit ni Ivan na nakapagpapula na naman sakin.
"Haha. Ikaw talaga! Napakabolero mo!"
"Hindi. Totoo lang 'tong sinasabi ko. Hehe. Sabi pala ni Eddie, ang ganda mo daw..."
Nagulat ako sa sinabi ni Ivan.
"Huh? Sinong Eddie?", pagtataka ko.
Biglang ngumiti si Ivan.
"Eddie ako!", usisa ni Ivan na parang ngumingiti ng payuko.
Grabe! Bumabanat si Ivan! Kinikilig tuloy ako lalo! Haha.
"Wow! Pumipick-up Line ahhh. Hindi ako prepared dun.", ako sabay ngiti sa kanya. Hindi ko na matago ang kilig ko.
"Haha. Minsan lang kaya 'to. Wala kasing pumapasok sa isip ko, ikaw lang.", si Ivan at ngumiti ulit ito ng payuko! Haha. Grabe na 'to!
Napangiti din ako sa nasabi niya pero syempre hindi muna ko nagpapahalata at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
Katahimikan ang bumalot samin. Grabeng katahimikan. Walang masyadong nagsasalita. Siguro baka nailang sa mga nangyari at nangyayari. Maya-maya pa'y, nagsalita na din sya...
"Uhm Dani!", tawag sakin ni Ivan. Lumingon ako.
"Ano yon?", tanong ko.
"Uhm itatanong ko lang sana kung pwedeng... ahhh...", si Ivan na tila hindi matuloy ang sasabihin.
"Ano?", tanong ko na medyo nasasabik.
"Kung pwedeng man... ahhhh...". Pabitin ahh.
"Ano nga yun?"
"Uhmmm... Kung pwede sanang manligaw ulit?"
IVAN'S POV
Matagal bago nakasagot si Dani sa tanong ko. Ewan ko pero parang natulala siya at hindi niya alam ang isasagot. Maya-maya pa'y unti-unti siyang ngumiti at tumitig sakin. Masaya ang mga mata niya...
"Uhm, Ivan, sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko. Ewan ko pero kinikilig din ako sa mga sinasabi at ginagawa mo ngayon. Nakakainis nga eh. Parang may something. Parang may spark sa mga ngiti ko pag kasama kita. Basta iba talaga. Para akong nakalutang sa mga ulap at parang ang sarap sarap sa pakiramdam. Nung time nga na umamin ka sakin na hindi ka talaga gay at ginawa mo lang yun para mapagtakpan ang nararamdaman mo sakin, hindi ako nakaramdam ng kahit konting galit. Ewan ko ba. Parang gusto ko pa ngang niloko mo lang ako. Ang weird 'no? Basta, etong mga pangyayari ngayon, isa 'to sa pinakamasayang araw ko in my entire life at di ko 'to makakalimutan."
YOU ARE READING
My Gay Guy
Novela JuvenilIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!