1

42 1 0
                                    

"Kapapasok lamang po ng balita. Nahuli na ang umano'y nagpakalat ng virus na sumira sa milyon milyong computer hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.."

Nakataas ang mga paa ko sa malambot at malaking upuan sa sala habang kumakain ng chicken na tinake out ko sa fast food.

"Sa mga susunod na balita: Isang lalaki ang natagpuang patay sa isang ilog sa Bulacan. Ayon sa pagsusuri ng forensics, hindi pagkalunod ang ikinamatay ng lalaki."

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Si secretary Sonh, palagi nalang syang wala sa timing kung tumawag.

"Wala ka talagang palya. FYI, kumakain ako ngayon"

"Sorry miss Hanna." Nakakainis pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni chairman Alejandro sa chastel. Nalaman niya yung ginawa mo sa arranged date niyo ni sir Mello."

I knew it. Sooner or later, malalaman 'to ni lolo.

I immediately went to the chastel. When I say chastel, as in mansion talaga sya. Ang pinagkaiba lang, wala syang buttler. May mga maids at gardener pero simple skyblue scrub suit lang ang suot nila. Hindi katulad ng mga napapanuod sa anime na mala costume ang uniform. Minsan, makikita pa silang naka-casual clothes pero hindi nila pwedeng gawin yun kapag may expected visitors si lolo.

"Lo!" Sigaw ko nang makita ko syang nakaupo sa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

Tumakbo ako papunta sa harap niya sabay yakap ng mahigpit. "Lo! Namiss kita". Kailangan ko maglambing para hindi sya masyadong magalit. Anak kasi ng major stock holder ang binangga ko.

"Aahhh~!"

"Ano bang ginawa mo kay Mello?!" Galit na galit syang pinaghahampas ang balikat at puwet ko. "Bakit mo sya tinali at iniwan sa parking lot?!" Wala nalang akong magawa kun'di ang sumigaw.

"LOLO~! He kept on trying to hold my hand the whole day!"

"Eh ano naman! Eh ano naman!" Patuloy ang paghampas niya pero hindi na kasing lakas ng una "Kamay lang naman. Hindi naman legs, hindi naman boobs. Bakit kailangan mo syang tinali?! Di lang yun, may mga pasa pa sya! Yung ibang kabataan nga d'yan, 1 hour palang nagkakilala sa motel agad ang diretso tapos ikaw.." sabay hampas ulit. "Kamay mo lang ang hahawakan, nag-amok ka agad!"

"Grabe ka lo! Kailangan ba hawakan muna yung dibdib ko?"

"Hindi kasi yun eh! Magpaka babae ka naman kahit minsan. Tignan mo yang suot mo!" Duro niya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon