4

5 0 0
                                    

I took a month leave sa office. Si secretary Sonh na ang gumawa ng dahilan para sakin. Di ako sure pero sa pagkakaalam ko, appendicitis ang dinahilan niya. Kailangan kong i-confirm sa kaniya lahat bago ako bumalik sa work.

Two weeks akong nasa bahay ni lolo at puro sermon ang inabot ko. Naiintindihan ko naman sila, they were really worried nung marinig nila kay secretary Sonh na nabaril ako 'coz it's very common to have a gun shot.

After a few days of suffering; being confined sa chastel for a couple of weeks, I finally went home.

Pa-akyat na sana ako nang bumukas yung elevator. Si Jiho agad ang bumungad sakin.

"Hanna" He was looking at me with worry. Tiningnan pa niya yung arm sling ko bago sya nagsalita ulit. "Kamusta?"

Ayoko naman iannounce sa lahat yung nangyari 'kuno' sa'kin, kaya inaya ko nalang sya umakyat sa condo.

I don't dare to look pero nararamdaman kong nakatingin sya sakin the whole time; sa reflection ko sa elevator. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o hindi. Feeling ko tuloy crush niya din ako. #Ambisyosa.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ahh. Oo. Mejo masakit lang ng konti pero tolerable naman" napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung saan ko ituturo yung kamay ko.

"Mabuti naman. Mukhang hindi ka naman din namumutla." Nakatingin padin sya sa balikat ko. Bakit feeling ko may alam sya?

Then there was an awkward silence. Nakaka ilang palang papasukin si crush sa bahay lalo na ngayong kaming dalawa lang ang nandito.

"Uhmm.. gusto mo ng coffee? Tea? Softdrinks?"

"Ah.. hindi na. Aalis na din ako. Nakita na kita kaya ayos na ako" kinilabutan ako sa sinabi niya pero mas malakas ang tama ng kindat at ngiti niya.

Para akong tinamaan ulit ng bala but this time, sa puso ko tumama.

"Aalis ka na?" Wag ka munang umalis..

"Oo. Hindi mo pa yata alam." He's smiling. Looks like a good news. "Nasa Aonima Super Malls na ako"

Then I watched him leave.

So, ibig sabihin ba hindi ko na sya makikita sa office? Bakit sya naka smile? Good news ba yun? Hindi yun good news!!

I threw my self on the sofa. Nakakainis!! Sino bang nagtransfer sa kaniya dun?

"Ouch!" Nahigaan ko yata yung remote ng T.V

"Muling na-hack ang ilang government websites ilang araw lang matapos rin ma-hack ang..." I just turned the T.V off again dahil malakas makabeast mode ang balita.

◽◽◽

I was about to step out of the car when I noticed a dark green sedan parked near me. May dalawang men in black sa loob. A bit weird.

Saglit kong pinagdebatehan ang kawirdohan nila pero naisip kong hindi lang naman ako ang nagpa-park dito and this company is huge to know every personnel na meron dito, baka emplryado din sila; or baka they are just clients of Aonima carpooling.

So I finally went out of the car and proceed to my daily routine in the office.

I was gone for a month but nothing has changed except for Jiho's absence. Ano na ang motivation ko ngayon para pumasok?

Nararamdaman kong buong araw akong wala sa mood. Mabuti nalang masarap yung pagkain sa cafeteria.

Pagka-upo ko sa vacant seat kasama ang mga workmates ko, nakita ko nanaman yung dalawang men in black na di kalayuan sa akin. Hindi parin ba sila tapos sa kung ano man ang kailangan nila dito sa building?

Natapos ang buong araw ko sa office na feeling ko ay may nakatingin sa likod ko. Napaparanoid lang siguro ako, epekto ng trauma ng muntik nang mamatay..

I went straight to the dojo. Usually mag-isa lang ako with my sensei pero dahil Wednesday ngayon, may mga classmate ako at may bagong mukha akong nakita.

I approached him "Hi! Black belt ka na din? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" Tanong ko

"Bagong lipat lang ako dito. Baka magkapit bahay pa tayo" He handed his right hand to me "I'm Alex"

"I'm Hanna. Nice to meet you" I accepted his hand.

"Let's start!" Everyone gathered in the center as sensei ordered.

The sparring started at kaming dalawa ni new comer 'Alex' ang magka-partner

Habang hawak namin ang isa't isa, trying to out balance each other "So, kailan ka pa nalipat dito?"

"3 weeks ago." He's concentrating.

Wala nang nagsalita sa amin. We'e both trying to trip each other pero in the end, ako yung na-out balanced. I took the chance na isama sya sa sahig at ihagis sa kabilang side ko pero sonething went wrong and I'm not sure what it was. I ended up lying on the floor while he was above me.

I thought, napaka cliché nito sa mga drama and it was too unrealistic kaya hindi ko inexpect na mangyayari 'to sakin. We were too close, I can now clearly see how handsome he was.

His eyes are as dark as the sky, pero mas maganda padin yung mga mata ni Jiho. I can feel his biceps, aaminin kong mas toned 'to kesa kay Jiho.

Ayoko mang aminin pero mas gwapo sya kesa kay Jiho.

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon