Pagod at stress ang sumira ng araw ko. Dumagdag pa ang seryosong problema ng puso ko.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Bumalik ako sa desk para tapusin yung ginagawa ko.
"Ako ang secretary mo." Napatingin ako sa kaniya and he's smiling. Wag kang ngumiti sabi eh..
"Kanina pa ako nandito, ngayon ka lang dumating. Tapos sasabihin mo secretary kita?" Nagtataray na ang boses ko
Nakita ko kay Jiho na parang nagulat sya sa inaasal ko. Parang gusto niyang itanong kung bakit ako nagagalit?
"Sorry. Hindi yata nasabi sayo ni secretary Sonh. Ako kasi ang nagprepare ng press con. Dahil kailangan mong umalis agad, ako na din ang sumagot ng mga follow up questions ng press. Ako na din ang nagpack up.." He's trying to explain kung bakit late sya but I cut him off.
"Enough.." Alam kong hindi na maganda ang inaasal ko.. "Thank you. You can leave"
Pero sa ngayon, gusto ko munang magpaka lango sa mga papel na ito. I'm receiving too much today, parang ayaw nang tanggapin ng isip at katawan ko.
He left the room quietly. Ni-hindi ko narinig yung foot steps niya, siguro dahil yung tibok ng puso ko nalang ang tanging naririnig ko. Sobrang lakas ng tibok parang gusto niyang lumabas sa ribcage ko.
Ano bang problema ko?
◽◽◽
I stayed in the office late pero hindi ganun ka-late 'coz dad insisted for me to go home dahil hindi daw safe ang umuwi ng sobrang late.
Ilang araw pa lang since noong maappoint ako as president, nararamdaman ko nang unti unti na akong nasasakal.
I don't mind the paper works and the resposibilities pero napepressure ako lalo na't alam kong marami ang nakatingin sa akin. There's the board members, lolo and dad, and everyone in the Philippines.
And there's the life threat na nagdala sa akin dito. Sa dami ba naman ng tao, why does it have to be me?
Kailangan ko pang magbigay ng sagot sa NBI regarding sa tulong na hinihingi nila.
Ang dami dami kong kailangang isipin na hanggang ngayon, wala padin akong mahanap na sagot. Kung pwede lang ishut down ko yung sarili ko, ginawa ko na.
"Umuwi na tayo. Ilang araw ka nang walang pahinga." Jiho handed me a glass milk
"Nasan yung coffee?" I asked him to bring me a cup of coffee.
"Nakaka ilang baso ka na ng kape ngayong araw. Hindi ka nanaman makakatulog niyan mamaya." He looked at me like he's trying to suck my heart out again.
"You know what I hate the most? Yung pinakikialaman ako. Kung gusto mong umuwi, mauna ka na. Madami pa akong kailangang tapusin" I said it with in a calm tone; without looking at him. I did it dahil baka hindi ko kayaning sabihin ito sa kaniya.
I just heard him walk out of the door.
Parang ngayon palang pinagsisisihan ko nang tinatarayan ko sya but I decided to stop these feelings hangga't maaga pa and I'll stick to that.
It's been 4 hours since matapos ang office hours. I'm sure wala nang tao sa labas, except for the guards.
I stood up from my chair and did a bit of a stretching. Nakakangawit din ang maupo so I decided to have a little break.
Dinala ko yung baso ng gatas sa maliit na garden sa veranda ng office ko. Malamig ang hangin, medyo polluted pero pwede na para makapagpa-relax.
This silence made me think again. Habang buhay na bang magiging ganito ang buhay ko? Nagtatago? Hanggang dito nalang ba ako sa office na 'to? I can't even go out of that door to take a breath. I can't even go grocery shopping in peace dahil lahat ng tao doon nakatingin sa akin. They probably saw me in news.
I took my last deep breath para sana bumalik na sa loob but someone grabbed me from behind bago ko pa mabuksan ang pinto. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero tinakpan nila ang bibig ko.
Hindi ko sigurado kung ilan sila but I know they are more than 3 or 4. I managed to loose his grip, tatakbo na sana ako sa loob pero sabay sabay silang lumapit sa akin. May isang naginject sa akin ng kung ano. Ilang segundo lang nahilo na ako. I can't even lift my arms.
They held my hands and covered my face. Sinubukan kong sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa akin. Bakit parang nangyari na 'to? De'javu?
Hindi ako sigurado sa mga nangyari, parang tinali nila ako at binaba ako mula sa veranda pababa ng ibang floor. Mula doon, may bumuhat na sa akin. Masyado na akong groggy, hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari.
Narealize ko nalang na nakaupo na ako sa back seat ng sasakyan. Nakatakip padin ang mukha ko. Naririnig kong may mga nagsisigawan sa labas, nakabukas yata yung mga pinto. Kahit na nanghihina yung mga binti ko, sinubukan kong gumapang hanggang sa nalaglag ako sa labas ng sasakyan.
Madami akong naririnig na nagsisigawan. Parang may nagaaway. Napasandal nalang ako ulit sa sasakyan noong may marinig akong putok ng baril. Gusto kong takpan ang tenga ko pero nakatali ang mga kamay ko. I was too scared, parang hindi ako makahinga. My mind is in panic. Epekto din ba 'to ng drogang tinusok nila sakin?
Maya maya lang may naramdaman akong lumapit sakin.
"Okay ka lang?" Bulong ng lalaki
Hindi ako makasagot dahil nawawalan na ako ng hangin. Mukhang napansin niyang nahihirapan na akong huminga kaya inangat niya yung nakatakip sa mukha ko hanggang mailabas lang ang ilong ko. It helped a bit.
Binuhat niya ako ulit papasok ng sasakyan. May narinig lang akong ilang putok ng baril saka tumakbo yung kotse.
Saan niya ako dadalhin? Sino sya? Bakit hindi pa niya tinanggal itong nakatakip sa mata ko?
❇❇❇

BINABASA MO ANG
Stay With Me
Romance*THIS IS A PURE FICTION* Isang gabi ang muntik nang ikamatay ni Hannah Lim. Mabuti na lamang at may isang lalaki ang nagligtas sa kaniya. Sino ito? Anong kailangan niya kay Hanna? Bakit sya iniligtas nito?