Nakatakip ang mga mata ko, nararandaman ko padin ang epekto ng gamot na tinusok nila sa akin.
"Magpahinga ka muna." Hilong hilo na ako pero narinig ko pa yung sinabi niyang halos pabulong na.
"S-sino ka?" It was weird dahil pakiramdam ko hindi niya ako sasaktan pero natatakot padin ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Wala akong narinig na kahit anong sagot sa kaniya. He just kept on driving. Ayoko mang tulugan sya, hindi ko naman mapigilan yung antok ko. Naramdaman ko pang nauntog yung ulo ko sa salamin ng sasakyan bago ako mawalan ng malay.
Naririnig ko yung alon ng tubig na tumatama sa dalampasigan. Amoy alimuong at malamig ang hangin.
May naririnig akong lalaki na nagsasalita sa malayo. Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. It didn't took a minute, naramdaman ko nalang na nasa harap ko na sya. I think he's staring at me.
"Nung una, iniwan kitang duguan. Ngayon iiwan kitang tulog. Ano naman sa susunod?" It sounds like he's wining.
Siya yung nagligtas sakin sa rooftop? Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawang iangat ang mga braso at binti ko. Para bang naparalisa ako.
Naramdaman ko yung init ng katawan niya. Noong una akala ko nakayakap sya sa akin, pero naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko na parang may tinatanggal. Whatever he's doing, his chest feels warm.. safe.. parang gusto ko nalang magstay doon.
Mataas na ang sikat ng araw nung magising ako. Wala na ring gapos ang mga kamay ko. Tinanggal ko agad yung nakatakip sa mata ko. As I expected, nasa tabing dagat ako. It was beautiful, nasa Pilipinas parin ba ako?
I let my eyes wonder around pero walang tao. Nasaan na sya?
Lalabas na sana ako ng sasakyan nang may makita akong note sa harap ko.
"Wag ka munang uuwi.
Bahay mo ang una nilang pupuntahan"Is this an advice or a warning?
I think I'm thinking too much. Niligtas niya ako sa rooftop, niligtas niya ako ulit ngayon. Whatever it is, he's keeping me safe.
◽◽◽
Nasaang parte ba ako ng mundo? Hindi ko alam na may lugar pa pala sa Pilipinas na ganito ka-probinsya.
I walked like a couple of kilometers bago ako makakita ng tindahan.
"Excuse me po. Pwede pong magtanong?" May matandang babae sa loob ng tindahan. "Nasaan po ako?"
Mukhang nawirdohan sakin si manang but she attended my question anyway. "Nasa Masinloc ka anak. Naliligaw ka ba?"
"Uhm.. hehe medyo po."
Mabuti nalang at sa lahat ng tao, pinaka mababait yung mga nasa probisya. Wala akong pera o kahit anong maibibigay kay manang pero pumayag syang patuluyin ako sa bahay niya.
"Mag-isa lang ako ngayon dito. Nagmaneho kasi ang apo ko sa norte kaya bukas pa sya makakauwi." Inabutan niya ako ng unan at kumot. "Dito ka muna matulog. Wala naman ang apo ko kaya doon muna ako sa kuwarto niya."
Ang tahimik dito. Ang naririnig ko lang ay ang dagat. He brought me to a peaceful place. Mas outdated sa fashion ang suot ko ngayon pero komportable. Ito na yata yung right time na i-shut down muna ang utak ko.
Ilang linggo din akong naging palamunin nila lola Maria. Nakilala ko din yung apo niyang ilang taon lang ang tanda sa akin. He was as thankful as I am dahil mapapanatag daw syang may kasama ang lola niya.
Maghapon at magdamag kasi syang wala para magdeliver ng isda sa malalayong lugar. Minsan dalawang araw pa syang hindi nakakauwi. Dahil para hindi masayang ang byahe niya, naghihintay sya ng aning gulay para ibenta naman dito.
Si lola naman, para makatulong sa gastusin, minsan nagpupunta sya sa palengke para magbenta ng isda.
Ngayon lang ako naexpose sa ganitong buhay and we got one thing in common. We both struggle to live every single day.
Nahihirapan sila and yet they still managed to be happy. Dahil kuntento sila sa kung anong meron sila. Nakakakain sila tatlong beses sa isang araw at alam nilang may pamilyang nagmamahal at makakaalala sa kanila kahit mawala sila.
Mayroon din naman akong pamilya at mga kaibigan na makakaalala sakin pag kinuha na ako ni Lord pero ayoko pang mamatay. 23 palang ako and I believe may maiaambag pa ako sa mundo.
Sinamahan ko si lola Maria sa palengke para magbenta ng isda nang mapansin ko yung isang malabouncer na lalaki na parang may taong hinahanap. Naaalala ko sya, isa sya doon sa mga lalaking kumidnap sakin sa veranda.
Nagpaalam agad ako kay lola at nagmadaling umuwi. Sa totoo lang, may nakita akong cellphone sa loob ng sasakyan pero sa takot kong baka may tracker, pinatay ko muna at tinanggal ang battery. May konting pera din. P5300 to be exact. Kumuha lang ako ng isang libo saka iniwan ang natira sa lamesa kasama ng sulat ko kina lola Maria.
"I am so very grateful but I'm afraid I had to leave. Ayokong madamay kayo. Babalik ako pangako, kapag ayos na ulit ang lahat. Salamat po talaga ng madami."
❇❇❇
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Romance*THIS IS A PURE FICTION* Isang gabi ang muntik nang ikamatay ni Hannah Lim. Mabuti na lamang at may isang lalaki ang nagligtas sa kaniya. Sino ito? Anong kailangan niya kay Hanna? Bakit sya iniligtas nito?