Pinapasok ko sila sa condo. Offered them something to drink and eat pagkatapos ay pinakuwento ulit nila yung nangyari kahapon. Kinuwento ko lahat ng alam ko including that night na muntik ko nang ikamatay.
"Miss Hanna. Hawak namin yung kaso ng dalawang humabol sayo sa rooftop. Namatay sila pagkatapos ma-aresto noong araw din na iyon." Paliwanag nung kasama ni Alex. Sa pagkaka tanda ko, Jerome ang pangalan niya.
"W-what do you mean?" Paano sila namatay kung naaresto na sila?
"Actually, may tatlo na kaming kasong ganito. Every time na magkakaroon kami ng lead sa sindikatong ito, bigla nalang nawawala ang ebidensya. Naniniwala kaming hindi lang ito basta sindikato. Mayroon silang mahalagang taong pinoprotektahan" I'm so speechless. Hindi ko alam kung anong klaseng gulo yung pinasok ko.
"Kaya mas mabuting matututo ka nang maglock ng pinto. Lalo na't nahagip ka na ng mga mata nila" tinakot pa ako ni Alex.
◽◽◽
Nakasalubong ko si Jiho sa lobby nung sinundo ako ng mga alagad ni lolo. I call them the 'men in black' dahil palagi silang naka black.
"Jiho!" Bati ko sa kaniya.
Napatingin sya sa mga lalaki sa likod ko pero parang hindi naman sya nagulat o nagtaka. "Saan ka pupunta?"
"Sa lolo ko. Mukhang pumayat ka ah. Okay ka lang ba?"
"Oo. Nagwowork out ako eh. Mabuti naman at tumatalab pala." He joked.
His smile, his eyes, his cheeks, everything looks dashing.
"Miss. Kailangan na nating umalis" epal nung isang men in black.
"Sige, ingat ka. Kita nalang tayo mamaya" then I saw him leave again.
"Ang epal mo!" Naiinis kong bulong sa man in black.
We arrived safely in the chastel.
"Hanna! Apo! Ayos ka lang?" Mahigpit na yakap ni lolo ang sumalubong sakin pagbaba ko ng sasakyan.
"Ayos lang ako lolo."
"Sabi ni Robert takot na takot ka daw."
"Oo lolo. Sa harap ko nangyari lahat kaya natakot ako. Akala ko kami yung isusunod nila pagkatapos nilang pag-initan yung sasakyan ko."
"Nako kawawa naman ang apo ko. Mabuti nalang at sabay kayong lumabas ng dad mo. Pinakita niya sakin yung itsura ng sasakyan mo.." inabot ni lolo yung iPad niya
Hindi ko nilapitan yung kotse ko after that incident. Nakakabigla dahil kung nagkataon na nasa loob ako, siguradong hindi ako mabubuhay. Basag lahat ng salamin ng sasakyan, wasak na wasak din yung upuan. Para bang gumamit sila ng automatic rifle.
Pinaupo ako ni lolo sa sofa kasabay naman nun ang paglapit ni secretary Sonh na may hawak na envelope.
"Ano yan?" Nasesense kong para sa akin yan.
"Pumayag ka na. Para din sayo ito." Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni lolo "Alam kong ayaw mong hawakan ang kompanya, pero sa sitwasyon mo ngayon tingin ko ito na ang oras para ipakilala mo ang sarili mo"
Naiintindihan ko ang gustong sabihin ni lolo. Simula ng makatapos ako ng college, nabuhay ako na parang normal. Nakakakain akong mag-isa sa Jollibee o McDo, namimili sa divisoria, namamasyal sa intramuros, nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan na hindi ako pineperahan.
Alam ko ang advantages ng family background ko. Hindi nila ako basta basta lang masasaktan lalo na kapag kilala ako ng masa. Tried and tested ko na yun noong high school. Bagong transfer lang ako noon at quiz agad ang bumungad sa amin. I kept on having a perfect score kaya yung classmate kong top 1 pala sa buong school, galit na galit sa akin. Binully ako ng halos lahat ng mga classmates ko, not just physically but also emotionally. Noong naubusan na ako ng pasensya at ng idadahilan sa sarili ko, lumaban na ako.
Nagkaroon ng riot sa classroom kaya nadala kaming lahat sa principal's office. Dad hired an investigation team dahil nanganganib akong mapatalsik sa school. Because I smashed their faces while I only have a few scratches; ang sabi nila ako daw ang nag-wala sa classroom, pinipigilan lang daw nila ako.
Habang umaandar ang investigation, kumalat sa buong school na apo ako ng may-ari ng Aonima Group. Kilala noon ang kompanya sa highest chances ng successful projects kaya lumaki ang income ng kompanya dahil halos lahat gustong makipag-partner sa amin. Everyone started to be nice. Yung mga dating nanakit sa akin, sila na ngayon ang nagtatanggol sa akin. No one dared na saktan ako ulit dahil alam nila kung ano ang mawawala sa kanila.
While there's a pro, meron din cons. Hindi lahat ng lumalapit sa akin ay totoo, yung iba may mga hidden agenda dahil kaya ni lolo na i-angat sila. Someone even tried to kidnap me for a ransom money. Simula noon hindi na ako nawalan ng security guards, para na akong nakakulong. Wala nang lumalapit sa akin dahil natatakot sa mga matcho men na nagbabantay sa security ko. I lost my life.
Would I let that happen again?
❇❇❇
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Romance*THIS IS A PURE FICTION* Isang gabi ang muntik nang ikamatay ni Hannah Lim. Mabuti na lamang at may isang lalaki ang nagligtas sa kaniya. Sino ito? Anong kailangan niya kay Hanna? Bakit sya iniligtas nito?