12

11 0 0
                                    

Kahit na binilin niya sa akin na huwag akong uuwi, sa condo padin ako dumiretso. I was hoping na sana mali ang intuition niya but it turned out to be right. Parang dinaanan ng buhawi ang bahay ko. Nasa sahig lahat ng gamit at nagkalat ang basag na salamin.

Naglakas loob akong pumasok, umaasa na sana tama ang calculations ko. Tingin ko kasi ilang araw na nung niransack nila ang bahay ko dahil sa bakat ng natuyong tubig sa sahig. Dahan dahan kong tinignan ang bawat sulok ng bahay habang hawak ko yung golf club na nakita ko sa tapat ng pinto. Kinakabahan ako sa kada hakbang na ginagawa ko. Thank goodness at wala akong nakitang kahit sino.

Agad kong tinignan yung lowest level ng bookshelf ko. Mukhang hindi naman nila nakita dahil maayos parin ang mga libro na nakatakip doon.

Hinawi ko ang lahat ng libro at kinapa ang lock sa kanto ng bookshelf. Hindi ko inexpect na smooth na gagana ang engineering nito dahil matagal ko 'tong hindi ginalaw kaya tinulak ko nalang ng konti. Maliit na sliding door ito, kasya lang ang dalawang envelope sa loob. Doon nakalagay ang ilang bank book, atm at ang susi sa safe house ko.

Dad and lolo taught me to have my own safe house. Yung hindi alam ng kahit sino at hindi naka-announce sa listahan ng pagmamay-ari ko. I worked hard para makapag-ipon pero ang tanging nabili ko lang ay lupa malapit sa bundok. May maliit at simpleng bahay lang ang nakatayo. Medyo may kalayuan sa Maynila pero pwedeng pagtyagaan ang byahe gamit ang motor.

I arrived there safely. I looked around just to make sure no one followed, kahit na nung una palang sinigurado ko nang walang nakapansin sa akin.

Sa itsura ng bahay na to, walang mag-aakalang may nakatira dito. Makalat ang garahe at madumi ang kisame. Madilim sa loob at inaalikabok na ang mga gamit kaya kahit na konting liwanag lang mula sa labas ang nakakapasok, sinubukan ko padin maglinis kahit kaunti. Ayoko din namang may makapansin sa secret passage papuntang basement.

Ito talaga ang safe house ko. Isang malaking space sa ilalim ng maliit na bahay. Bukod sa alikabok at agiw, wala nang ibang nagbago mula nang iwan ko ang lugar na ito. Walang bintana, walang wallpaper. Just a plain wall na gawa sa semento. Unlike sa taas na magulo at old fashioned ang paligid, maayos at gumagana ang lahat ng gamit dito. Let's just say na minimalist ang theme dito.

Pagkatapos kong maglinis, nilabas ko sa bag ang binili kong bagong cellphone at sim card. Advanced ang technology dito, ang tanging problema lang ay ang signal. Kailangan kong gawan ng paraan to. So I decided to go out. Kailangan ko din kasing bumili ng pagkain.

"Dad?" Mahina parin ang signal pero at least pumasok yung tawag ko. "Dad!"

"Hanna? Nasaan ka? Ilang araw ka na naming hinahanap!" Sa boses lang ni Dad, alam kong nagaalala na sila.

"Sorry Dad. I have to hide. Nakaakyat sila sa veranda ng office ko so I thought I'm not going to be safe anywhere."

"Bumalik ka na Hanna. Dito ka nalang sa chastel tumira. You'll be safe here."

"Naisip ko na din yan dad pero tingin ko it's too risky. Pati kayo madadamay."

"It's okay anak. We're on it together. Nag-aalala kami sa'yo"

"I'm fine dad. 3 times a day padin akong kumain, nageexcersice padin ako everyday, I'm not hurt anywhere either so you better relax now and trust me."

"Pero ang lo--"

"Dad! Sayo na din nanggaling, matalino ako. I'll be back safe so you better be safe too. Kayo ni lolo." I talked to him for a few minutes more and promised to call often. I wish I could keep that.

I went grocery shopping and suddenly thought about that man. Kilala kaya niya ako personally? Pangalawang beses na niya akong nililigtas, posible kayang pinapanuod niya ako? Kung hindi, anong klaseng coincidence ang meron sa amin at nandoon sya sa 2 consecutive incidences na yun? Or myembro kaya sya ng sindikatong obsessed sa paghabol sa akin? Madami akong gustong itanong sa kaniya. I wonder how can I get through him?

Agad din akong umuwi dahil hindi ako pwedeng makilala ng mga tao. I had a plan before going back here pero nagdadalawang isip ako. Namatay ang mga suspects nila Alex kahit na hawak na sila ng mga police.

I was careless maybe because I know I don't have a choice. If I move, I die; if I stay, I might still die.

I went to Manila and called Alex. I don't know much pero sa ngayon, parang sya lang ang mapagkakatiwalaan ko.

Napagkasunduan naming magkita sa lugar na madaming tao kaya nagsuot ako ng cap para walang masyadong makapansin sa akin.

I told him where I was and what was I wearing. Malayo palang nakita ko na sya agad.

"Saan ka ba nagpunta. Nagfile ang lolo at tatay mo na missing ka." He approached me carefully. Making sure no one noticed us.

"I was kidnapped. Anyway, tinawagan kita para sabihin na tutulong ako sa inyo. Tutulong akong mahuli sila"

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon