5

4 0 0
                                    

I just cant resist to look at him. Kahit ngayon na naglalakad sya palabas ng dojo looks very appealing.

"Saan kadadaan?" We're in the parking lot sa tapat ng dojo

"Doon" pointing to the right

"Doon din ako. Gusto mong sumabay?"

"Uhm.." Isasabay niya ako sa sasakyan niya? Napangiti tuloy ako "Uhm.. May dala din akong sasakyan eh. Maybe next time?"

"Ganun ba?" He smiled. Maganda din yung ngiti niya kahit hindi nakikita ang mga ngipin niya. "Sige, next time nalang. Nice meeting you Hanna"

"It's so nice to meet you din Alex" I'm still staring at him.

Ang galing talaga ng kalikasan. It made an excellent work of art.

While I'm mesmerizing Alex's back, pakiramdam ko may nagmemesmerize din sa likod ko. I made a sudden move to look back para mahuli kung sino yung kaninang umaga pa sumusunod sakin. And there I saw a silhouette of a man na biglang nagtago noong humarap ako sa kanila.

Ano bang kailangan nila sakin?

I slowly approached them. Watching them from every step I make then bigla nalang nila akong inatake. I was expecting it kaya mabilis akong nakalayo just enough to see who they were. Yung dalawang men in black.

Lalapit na sana ulit yung isa sakin, para siguro igapos ako or what, pero pinigilan sya ng kasama niya. They just stood there, dodging my eyes every time I look at them.

"Ano ba? Sino ba kayo?"

"Miss Hanna. Pinadala po kami ni Chairman para bantayan kayo." Paliwanag ng isa.

My goodness naman! Mas mukhang tinitiktikan nila ako kesa binabantayan.

"You know what? Just go home. Baka pag may nakapansin sa inyo kuyugin pa kayo. Mas mukha kayong mga hoodlum kesa guards eh."

"Ihahatid nalang po namin kayo. Ang bilin din po kasi sa amin ni president Albert, siguraduhing ligtas po kayo maghapon."

Si Dad talaga. Kaya mahal ko yung dalawang yun eh.

"Sige! Sige! Sa isang kundisyon." Napatitig sila sa akin "piliin niyo kung anong ikukwento niyo kay lolo at dad"

"Yes ma'am" Agad nila akong inassist sa back seat ng kotse at hinatid pa-uwi.

◽◽◽

"Bakit nalipat si Jiho Chen sa Mall? Sinong naglipat sa kaniya dun? Pwede ba syang bumalik ulit sa Marketing?" I miss him already.

"Sorry miss Hanna, hindi ko po alam. Hindi ko din pwedeng pakialaman yung kompanya without chairman's orders" For a moment, I forgot na secretary lang pala si secretary Sonh.

"Can't you pull some strings for me?"

"Kausapin niyo nalang po si chairman. Pagbibigyan naman siguro niya kayo kapag ikaw ang kumausap sa kaniya."

"NO! Please, don't ever mention this to lolo or dad. Please! Siguradong ipepressure nanaman nila ako. Either kay Mello o hahanap sila ng bago so please.."

"Noted miss Hanna"

"And one more thing. Pwede ba, wag niyo 'kong bigyan ng body guard. Lalo akong natatakot eh. I can take care of my self"

Silence once again. Sa mga ganitong panahon, masarap talagang magbabad sa tub with aroma therapy. Kailangan ko magrelax. Lately kasi pakiramdam ko na-oover use ko na yung mga senses ko. Feeling ko kahit dito sa bahay may nanunuod sakin and it's freaking me out.

May naalala ako bigla. Ni-lock ko ba yung pinto? Omg! Baka may mang-ambush sakin paglabas ko. #Paranoid

I covered my self with a towel. Okay lang naman siguro. Nandito naman ako sa teretoryo ko eh.

I ran out of the bathroom papunta sa pinto. Sabi ko na nga ba hindi ko na-lock yung pinto eh.

As I was about to lock the door knob, the door opened kahit hindi ko pa nahahawakan yung pinto. Sh*t! Is it them?

Umatras ako ng isang hakbang para hindi ako tamaan ng pabukas na pinto at sinubukang tadyakan yung gustong magtrespass sa bahay ko. Unfortunately nakaiwas sya, then my instinct told me to grab his arm and push the man against the wall. Wala na akong pakialam kung malaglag yung towel, I just did it anyway.

Tumama ang mukha niya sa pader pero dahil tingin ko hindi naman sya nasaktan, I punched him in the face. As I was about to give him another blow I heard him say something.

"Aw! Stop! Stop!" He shouted while covering his face.

"Alex?" I was shocked. Really really shocked!

◽◽◽

"Hindi ko alam na binenta na pala yung unit jan sa tapat." I said while tending his scratched, wounded, bleeding face.

Pinapasok ko sya. Nakakahiya naman kung palalayasin ko nalang sya pagkatapos ko syang bugbugin di ba? Iniwan ko sya sa sala at agad na nagbihis.

"Hindi. Tita ko may-ari ng unit. Sa US na sila naka-base kaya hiniram ko muna." Ah.. Kaya pala bigla nalang nagkaroon ng tao dun. They left that house empty 4 days after ko lumipat.

"Sorry." Hindi ko sinasadyang pasabugin yung mukha mo. I'm too embarrassed to say something this long.

"Okay lang, naiintindihan ko. Kung may bigla ding pumasok sa bahay ko, baka hindi lang ganito inabot nun" He laughed even though he's in a bit pain.

"Bakit ka nga pala.." Hay, paano ko ba itatanong without offending him?

"Nakita kasi kita kaninang nagmamadaling pumasok dito. May kasama kang dalawang lalaki. Nagtapon lang ako ng basura. Pagbalik ko nakita kong hinatid mo sa pinto yung dalawa tas may kausap ka sa phone. Napansin kong di mo sinara yung pinto.

Pumasok na ako sa loob ng condo nung maalala kong sabi mo mag-isa ka lang na nakatira dito kaya lumabas ako para icheck ka. Kanina pa ako kumakatok, sumara na nga yung pinto eh. Nag doorbells na din ako. Kaya naisip kong ako nalang maglolock ng pinto mo. Tapos ayun, sinipa mo na ako"

Ganun pala, lalo tuloy akong nakonsyensya. "Sorry talaga"

"Okay lang. Magaling yung ginawa mo. At least alert ka lalo na ikaw lang mag-isa dit- AH!" Nadiinan ko yata yung pumutok niyang labi.

"Sorry sorry!" Nataranta tuloy ako sa sigaw niya "mahapdi ba? Hindi ko naman napa-lala yung sugat mo di ba?" I held his both cheeks to see.

Bigla akong kinabahan nung hawakan nya yung kamay ko. "Sanay akong masaktan" he smiled. Telling me these with assurance in his tone. Medyo na-confuse ako dun at tingin ko nagets niya yung expression ko.

"I work in the government. Uhm.. Something involved with the security? Kaya pakiramdam ko may sense of duty ako sa seguridad ng mga tao sa paligid ko"

Ah..

Teka! Bakit parang nag-gglow sya? Nakakaattract kahit yung way ng pagsasalita niya.

Hindi ko alam kung kailan o paano nakapasok siya nakapasok. Napansin ko nalang na nakatingin si Jiho sa amin ni Alex na nakahawak padin sa kamay ko.

Pakiramdam ko biglan uminit at lahat yata ng dugo ko umakyat sa mukha ko.

Oh kaluluwa ng lupa, sumapi ka sa sahig at lamunin mo 'ko.

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon