Kanina padin pala nakita ni Alex si Jiho na pumasok. Binitawan niya yung kamay ko at tumayo.
"Pasensya na sa pagbukas ng pinto mo. Tingin ko hindi ko na kailangan mag-alala sa seguridad mo." He smiled again without showing his teeth then he left. He didn't say anything to Jiho, he just walked his way out.
Bakit pakiramdam ko nahuli akong nagchi-cheat ng asawa ko?
At first akala ko galit si Jiho pero ang kalmado ng tono niya. Agad din nawala yung masamang tingin niya, yun eh kung masama nga ba ang tingin niya?
"Sino yun? Ngayon ko lang sya nakita" Naglakad sya papalapit sa sofa. Nag-umpisa na din akong iligpit yung first aid kit na naka-kalat.
"Bagong lipat lang sya sa katapat na unit." I smiled
"Binenta na ba yun? Parang wala naman akong narinig na binebenta yun"
"Hiniram niya lang daw yung unit sa tita niya."
"Bakit ang dami mong alam tungkol sa kaniya? Mukhang matagal na kayong nagkakilala ah. Sabi mo kalilipat lang niya." Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras. Mukhang ang seryoso niya and he's just trying to look like he's curious.
Is he jealous? Iieee! Enebe? #AmbisyosaAgain
Hindi ko mapigilang mapangiti "Nagkataon lang po na naitanong ko din po yang mga yan sa kaniya" Para akong nageexplain sa boyfriend ko nung nahuli niya akong may kasamang iba. Hihihi
"Eh bakit ang laki ng ngiti mo?"
"Ako naka ngiti? Hindi ako nakangiti no!" Hindi ko mapigilan yung muscles ko. Kinikilig ako haha
"Eh ano yan?" Tinusok niya yung pisngi ko ng hintuturo niya.
Hindi ko na kayang pigilan "Haha hindi nga ako nakangiti!"
Natawa na din sya nung natawa ako "eh ano nga yan?" Tinusok niya ulit yung pisngi ko kasabay ng pagtusok niya sa tagiliran ko.
"Hahaha Bakit ba? Hindi ba ako pwedeng tumawa?"
Our night just ended up with laughter. Iba talaga yung feeling kapag kasama ko si Jiho. Parang nasa ibang dimension kami na kaming dalawa lang. Hindi ko ma-explain but whatever it is, I like it.
◽◽◽
Kapapark ko lang nung mapansin kong may mga sumusunod nanaman sakin. Katulad ng nakita ko kahapon, they are wearing black. Hindi naman sila nagtago sakin, they approached me telling me na wag nalang silang pansinin.
"Ang laki niyong mga bulas, paano ko kayo hindi mapapansin?" Sana magets nila ako. I want them to stay out of my sight.
Pero dahil nga hindi naman sila pocket size, nag-uumpisa na silang mapansin ng mga coworkers ko. Naiimbyerna na din ako sa kanila dahil hindi ako sanay ng may mga matang nanunuod sa akin.
I was working on something, sinusubukan kong wag silang pansinin pero lahat ng pumapasok sa office, tinitignan na sila. Nakaka wala sila ng concentration.
Nakakaloka talaga si lolo. Tumayo ako at lantarang lumabas ng office.
"Saan ka pupunta Hanna?" Sigaw ng panot kong superior.
"Sa 36th floor!" Sinubukan akong pigilan ni panot pero pumiglas lang ako
"Hindi ka pwede doon! Mapapagalitan tayo! Baka sisantehin pa tayo!!!"
"He can't fire me!"
I walked out and went to the elevator.
"Di niyo ba ako narinig? I believe hindi ko kayo kailangan doon" This is me on b*tch mode.
Agad namang lumabas yung mga nasa elevator na masama yung tingin sakin noong nakita nilang pinindot ko yung 36 button. Anong tinitingin tingin nila?
"Excuse me po. Hindi po kayo pwedeng pumasok" hinaram ako ng isa sa mga secretary ni lolo
"Di mo ba ako kilala? I'm his granddaughter" I even said it with British accent pero hinarang padin ako.
"Sorry po miss. Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa
Oo nga pala, mukha akong yagit. Mabuti nalang at matitigas ang ulo ng mga nagbabantay sakin and they took care of that secretary na judgemental.
Hindi naman ako galit pero wala ako sa mood.
"Lolo.." I saw him sitting on the couch. "May kausap ka ba?" Naiinis ako pero hindi padin nawawala ang respeto ko.
"Wala." Nakatingin lang sya sakin.
Bakit may dalawang tasa sa mesa? Hay ewan. Ayokong mangialam sa kompanya. Trabaho yun ni dad.
"Lolo. Sinabi ko wag niyo akong padalhan ng security eh. Nakakadistruct sila sa trabaho namin."
"Pero apo, ayoko nang maulit yung nangyari sayo sa hotel."
"It's okay lolo. I can take care of my self. Lalo kasi akong napaparanoid sa presensya nila eh. Paano ko malalaman kung may sumusunod talaga saking disgrasya kung sila yung nararamdaman ng senses ko?"
"Pero malaking sindikato yun. Hindi mo sila kaya kung mag-isa ka lang. Sa totoo lang, gusto ko nga din sa akin ka muna tumira. Hindi ba pwede apo?"
I can't argue with that. Kahit din naman ako, nag-aalala din sa security ko lalo na't muntik na talaga ako noon. Pero hindi talaga ako komportable sa mga gwardya.
Pansamantala ko munang hinayaan na sumunod sila sa akin pero hindi ako pumayag na bumalik sa chastel. Pasalamat nalang talaga ako at hindi ko sila nakikita sa bahay.
◽◽◽
It was a boring day. Nothing new had happened except sa wasak na wasak ang pinakamamahal kong vroom vroom. Pinaulanan nila ng bala yung windshield ko 10 minutes ago at hanggang ngayon nangangatog padin ang tuhod ko.
"Gusto talaga nila akong patayin dad" mabuti nalang at kasama ko si dad nung mangyari lahat ng yun.
"Hindi Hanna. Hindi ka nila magagalaw hangga't nandito kami ng lolo mo" he embraced me "Kailangan mo nalang maghanap ng magiging son-in-law ko para maging kampante kaming iwan ka"
What? "Dad.. tingin ko this is not the right time para pag-usapan to." This conversation is so unexpected.
"Good evening po. Tumawag daw po kayo sa opisina ng pulisya?" A police came and approached us.
Magkahiwalay kami ni dad na kinausap ng mga police. Pinakuwenuwento din nila ang lahat ng nangyari. Pati na din kung sino yung mga hinihinala naming suspects.
Ang daming proceso, ang daming oras ang ginugol. In the end, ang sabi nila ipapasa daw nila sa sa NBI yung kaso dahil lead daw ito sa isa pang kaso na hawak nila.
The next day, after kong magmakaawa dahil pagod na pagod na ako, kumatok sa pinto ko si Alex at may kasamsa syang dalawang alagad.
"Hi. NBI, pwede ka ba naming makausap?"
❇❇❇
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Romance*THIS IS A PURE FICTION* Isang gabi ang muntik nang ikamatay ni Hannah Lim. Mabuti na lamang at may isang lalaki ang nagligtas sa kaniya. Sino ito? Anong kailangan niya kay Hanna? Bakit sya iniligtas nito?