13

6 0 0
                                    

Dinala ako ni Alex sa NBI. Ayoko sanang sumama dahil hindi din safe sa loob ng NBI pero..

"Wala ka bang tiwala sa akin? Akala ko tumawag ka dahil may tiwala ka sa akin.. Pangako, hindi ko hahayaang malayo ka sa tabi ko." Kung kaya ko lang sanang idescribe yung mukha ni Alex nung sinasabi niya yan. Gusto ko syang batuhin ng tissue.

Ngayon ko lang nalaman na sya pala ang leader ng grupo nila. Agad syang nagpatawag ng meeting kahit na alanganing oras na ng gabi. Ang like he promised, he stayed right beside me. Sinamahan niya ako kahit sa loob ng women's CR.

Paglabas namin ng banyo, nakita ko nanaman si ate. She was staring at me kahit noong pagpasok ko palang sa pinto ng NBI. If people's eyes were knives, kanina pa ako namatay with thousand stabs.

"So to cut the story short, I'm the bait?" I was a bit shocked. Paano kung magfail ang operation?

"Oo. Yun eh kung papayag ka." Tanong ni Alex.

Para namang may choice ako. I'd rather die fighting than to die silently. At least masasabi ko kay Lord na sinikap ko pong mabuhay but my fate is not with me.

◽◽◽

The plan is.. Alex and I are going on a date.

We were in the scene. Sabi ni Alex, may idea daw sila kung sino ang hinahabol namin, wala lang silang ebidensya dahil bigla nalang daw nawawala ang mga nakakalap nila.

We were walking on a busy street kung saan madalas doon yung ayaw niyang pangalanang sindikato, confidential daw kasi.

Sikat ang lugar na ito sa mga tabi tabing clubs, kainan, hotel at motel. Malapit lang din dito ang shopping district.

Magkatabi kaming naglalakad. Hindi ako komportable dahil alam kong may nanunuod sa amin. Lalo na si ate na masama ang tingin sakin. Iniiwasan ko ang mga mata niya pero hindi ko talaga mapigilang mapatinin sa kaniya. Damang dama ko kasi yung mga titig niya.

"Relax ka lang. Baka mahalata tayo" bulong ni Alex.

"Sorry. Ngayon ko lang kasi ginawa 'to sa tanang buhay ko eh." Palusot ko.

Ngumiti si Alex at hinawakan ang ulo ko "Nandito naman ako eh. Kaya relax ka lang. Sagot kita."

He put his arms around my shoulders then we started walking. Ilang oras kaming paikot ikot sa mga shop at kainan nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong sa kaniya.

"Alex. May girlfriend ka ba?" I was curious.

Narinig ko nalang syang natawa.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Ang cute mo kasi." He was smiling at me habang kumakain ng inorder naming desert.

Hindi ko sya ma-gets. Anong cute dun? Sinabi niya din yan sakin dati.

"Wala akong girlfriend."

Ah.. so hindi niya girlfriend si ate. Eh bakit ang sama ng tingin niya sa akin? Di kaya may gusto sya kay Alex?

Natawa tuloy ako. Mukha akong nakikipagflirt sa kaniya. Mukha tuloy kaming totoong nagdedate.

"Tara na." Sabi niya ng nakangiti sa akin.

"Nandyan na sila?" Kanina ko pa kasi napansin yung lalaking sumusunod samin.

Nakahawak ako sa braso ni Alex nung lumabas kami ng café. Tuloy lang ang cover up namin hanggang sa makarating kami sa isang eskinita.

"Alex?" Hindi ito kasama sa plano. I tried to pull him back to the way we were supposed to go as they planned but he resist. "Alex! Hindi-"

I was nervous to death nung lumabas yung mga sumusunod sa amin at sinuntok si Alex. Hinawakan ako nung isa at binusalan. May mga hawak silang baril kaya hindi na ako lumaban.

Again, for the second time around, tinakpan nila ang buong ulo ko. Hindi ko na alam kung nasaan si Alex. Hindi dapat ako nagtiwala sa kaniya.

Sinakay nila ako sa sasakyan. Mukhang malapit lang ang pinagdalhan nila sa akin dahil sandali lang ang byahe.

Maya maya lang, hinatak nila ako palabas ng sasakyan. Ang baho dito, amoy dalawampung patay na daga. As in sumusuntok at nanunuot ang amoy.

They weren't gentle. Halos kaladkarin nila ako sa pagdadalhan nila sa akin. Kung itulak nila ako parang aso lang ako na pinapapasok nila sa kulungan.

"Pwede ko ba syang galawin?" Tanong nung lalaking lumapit sa akin at hinawakan ng inner legs ko.

Nakakadiri pati yung spine ko nangilabot.

Hindi ko sya makita pero nararamdaman ko kung nasaan sya. Hindi ako makapagsalita at nakatali rin ang mga kamay ko sa likod kaya sinubukan ko nalang syang sipain. Unfortunately, hindi tumama sa kaniya.

"Mag-ingat ka lang. Mukhang matapang yan. Teka. Nasaan na ba yung isa?"

Nakikinig na lang ako. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko para makapagisip ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito.

"Malinis boss" Sabi ng isa pang lalaki pagkatapos na may itulak sa tabi ko.

"Brad, maiwan ka dito. Bantayan mo yang dalawa at parating na yung padala natin."

"Okay boss." Sa dami ng maiiwan bakit itong manyak pa yung pinagbantay sa amin.

Unti unting tumahimik ang paligid. Hindi pa tuluyang nawawala ang boses ng mga kasama niya, lumapit na si Brad sa akin at mukhang gustong haplosin ang leeg ko. Agad nalang akong lumayo sa kaniya.

"Wag ka ngang maarte!" Marahas niyang tinangal yung nakatakip sa ulo ko and I swear mas gusto ko nalang ibalik niya yun sa mukha ko. Mukha syang tambay na adik sa kanto.

"Mageenjoy ka din naman dito eh" unti unti syang lumapit sa akin kaya umatras lang ako hanggang sa matamaan ko na yung pile ng malalaking kahon.

Aktong hahalikan na niya ako kaya iniwas ko yung katawan ko. Nakakadiri yung amoy niya.

Mukhang nauubos na ang pasensya niya dahil mabilis kong nakita ang mga kamay niyang parating sa mukha ko kaya agad akong yumuko. Ginamit ko yung ulo ko para ilayo sya sakin, literal. Hineadbutt ko ang dibdib niya causing him pain. Na-out balance sya kaya natamaan niya yung mga bote ng alak sa tabi.

"ANO YUN!" Sigaw ng boss nila. He saw the mess I made and he looks really angry.

Kinaladkad niya ako. Noon ko lang napansin na si Alex pala yung katabi ko kanina. Dinampot din sya saka kami dinala sa tagong parte ng bodega.

"Ipasok niyo na!" Sigaw nung boss nila. Ito na yata yung sinasabi niyang padala.

Noong sigurado na akong wala nang tao, tinanggal ko yung tela na tumakip sa mukha ni Alex. He needs to see what is happening para naman marealize niya yung ginawa niya.

Maya maya lang parang nagiinuman session na sila sa labas. Ang iingay nila.

Mahapdi na ang mga daliri ko. Kanina ko pa sinusubukang putulin yun tali sa likod ko kahit na may mga sugat na rin ang mga kamay ko. Wala naman din akong ibang choice.

It would be nice if he comes.

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon