2

16 0 0
                                    

You're Invited

Together with the Chua Family
We request your presence for the
Inauguration of
Mr. Xian Chua
As the new Chairman of
xxx incorporated

"Bakit naman ako invited dito?" Hindi ko nga kilala 'to.

I imediately grabed my phone and called lolo. Mukhang inaabangan niya ang tawag ko dahil isang ring pa lang sinagot na niya.

"Pumunta ka sa party." Bungad niya

"Lo, hindi ko naman kilala 'to."

"Pumunta ka in my stead. Hindi ako makakapunta dahil may business trip ako sa Taiwan ng araw na yan."

"Si Dad nalang. Ayoko pumunta dun, puro matatanda lang nandoon"

"Paano mo nalaman? Nakita mo ba guest list nila? At hindi pwede ang Dad mo, may important meeting sya sa client"

"May important editing din akong gagawin lolo." Nagmamakaawa na ang tono ko. Ayoko pumunta sa madaming tao.

"Pupunta ka o ica-cancel ko ang credit card mo?"

"Sabi ko nga pupunta ako eh. I'm so excited!" Hay! Maliit lang ang sinasahod ko. Hindi pwedeng ma-cut ang credit card ko.

◽◽◽

As I was editing in my cubicle, naririnig ko yung mga secretary ng ibang department na naghahalinghingan.

"Hihi ang galing mo talaga sir Jiho. Pano mo ginawa yun?" mga malalanding palaka.

"Kailangan mo lang mag-install ng anti-virus. Palagi kang magscan para hindi na maulit 'to"

"Thank you sir Jiho" sabay haplos ng isa pa sa braso ni Jiho mi amore.

Wala akong magawa kun'di patayin lang sila sa tingin. Gusto ko silang ihagis sa veranda.

Habang nakangiti naman yung isa "may girlfriend ka ba sir Jiho? May magagalit ba kung yayayain kitang kumain mamaya?"

What the fa..

Tumilapon nalang yung upuan nung bigla akong napatayo. Napatingin tuloy sa akin si Jiho at yung mga malalanding tuod. Gusto kong magsalita pero.. ngumiti nalang ako.

"Lunch break na" Ito nalang ang nasabi ko kahit na hindi ko nakita kung anong oras na.

Kalmado akong lumabas ng office pero sa totoo lang, gusto ko nalang lamunin ako ng lupa.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon