14

15 1 0
                                    

Ever since ng incident sa rooftop, hindi na sya nawala sa isip ko. Siguro dahil sa curiosity kong malaman kung sino sya. Pero noong iligtas niya ako ulit, hindi lang pangalan niya ang gusto kong malaman. I have this feeling, the feeling of being watched and protected by him and I want to know why.

Kanina ko pa sinusubukan putulin ang nakagapos sa akin. I was holding a shard of glass galing sa nabasag na bote kanina. Mahapdi na ang mga kamay ko dahil pati kamay ko nahihiwa ko na.

Gusto kong kausapin si Alex para tulungan akong gumawa ng paraan para makatakas pero natutulog lang sya sa isang sulok. Sinisipa ko sya pero tinitignan niya lang ako. Di naman ako makapagsalita dahil sa nasa bibig ko.

Sa wakas! Totoo ngang patience is a virtue. Nakawala na ako sa pagkakagapos kaya tinanggal ko na din yung nakalagay sa bibig ko.

"Alex! Ano ba?!" Bulong ko sa kaniya.

Nakita ko namang gulat na gulat sya habang tinatanggal ko ang nakasapal sa bibig niya.

"Bakit?"

"Anong 'Bakit?'?" Naiinis na ako sa kaniya, iwan ko na kaya sya dito? "Wala pa akong balak magpakamatay!"

"But we're supposed to wait!" Paliwanag niya habang tinatanggal ko yung tali ng mga kamay niya

"What d'you mean? Wala to sa plano!"

"Pumayag kang maging pain di ba?" Mukhang hindi pa sya tapos magsalita pero isisingit ko na ang idea ko

"Pero hindi ako pumayag na magpa-kidnap. Ano ba talagang ginagawa niyo? Bakit--" napahinto ako sa paglilitanya nang marinig kong papalapit sila sa amin.

Agad na tumayo si Alex at hinatak ako sa likod ng mga balik bayan boxes. He stood in front of me like he was protecting me. Pareho lang naming pinapanuod ang susunod na gagawin nila. Parang high na high sila sa kung ano man ang tinitira nila.

"NASAN NA SILA?!" Sigaw ng boss nila.

Walang sino man ang sumasagot. May mga nagsesession pa sa mesa, yung iba naman hindi ko na maintindihan yung ginagawa.

Maya maya lang narinig ko nang nagpapanic yung boss nila pero wala syang magawa dahil high sa droga ang mga kasama niya. May tumayong lalaki para sundin ang utos niyang hanapin kami kahit na gegewang gewang pa sya.

"He looks familiar" nasabi ko kay Alex.

"Sino? Yung tumayo?" Tumango lang ako sa tanong niya dahil papalapit na siya sa pinagtataguan namin.

Nagco-  concentrate lang kami sa taong napag-utusang hanapin kami. Hindi namin napansin na may tao na pala sa likod ko at bigla akong hinatak palayo. Tinakpan niya ang bibig ko para hindi ako makahingi ng tulong kay Alex.

Hinatak niya ako sa madilim na parte ng warehouse at doon ako sinubukang halayin. Mabuti nalang, hindi pa dumadampi ang mukha niya sa akin ay dumating si Alex.

He pulled the guy off me and punched him in the face. Lumalaban yung lalaking kanina pa ako pinagnanasahan kaya nakatawag ito ng atensyon sa iba.

I was freaking out kaya tinulak ko nalang yung mga balikbayan boxes sa kanila. Sa sobrang gulo, hindi ko na namalayang tumatakbo na kami ni Alex palabas.

"Paratin na sila! Kailangan lang natin magtago sandali" Hinihingal pa si Alex nang magbigay ng instructions sa akin.

Natatakot ako. May mga hawak silang baril. Tapos muntik pa akong ma-rape, hanggang ngayon kinikilabutan parin ako.

"Hannah." Tawag ni Alex sa atensyon ko "Hannah, tumingin ka sa akin."

I looked in his eyes. He looks so relaxed it made me feel na walang problema sa mga naganap. Sh** pero meron talaga!

"Nasaan na sila?" Nawala ang atensyon ko sa kaniya nung marinig ko yung mga lalaking humahabol sa amin sa labas ng pinagtataguan namin.

Malapit na sila sa amin. Kahit gusto ko mang magrelax, hindi ko magawa.

Alex held my cheeks to force my head to face him. "Tumingin ka lang sakin" he mouthed.

Luh.. Ano 'to? Nagpapalpitate yata ako sa sobrang kaba. Kanina nilalamig ako pero ngayon parang sumobra ang init. Parang lahat ng dugo ko, pumunta sa mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit o paano o kailan pero parang papalapit yung mukha niya sa akin.

I can't hear anything, I can't move either, I just can't do anything.

His lips are just a centimeter away. Magkadikit na din ang mga ilong namin. Sa sobrang tense, hindi na ako makahinga.

Emegheed!

❇❇❇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon