3

6 0 1
                                    

"Sh*t!" Yun nalang ang nasabi ko nung makita nila ako

"Sino ka?!" Sigaw nung isang lalaki na nakatayo sa hagdan

"Uhmm.. A-ano.." Shems anong isasagot ko? Bakit ba kasi ako nandito?

Tumayo yung dalawang lalaki na nagiinterrogate kay ate. Hawak padin niya yung kutsilyo kaya lalo akong kinabahan. Lahat sila ngayon nakaharap sa akin.

Tinitigan ko si ate. Wishing na sana gumana yung telepathy naming dalawa. Pagkakataon na niya. Nagets agad niya ako. Mabilis syang tumakbo pababa. Sana nga mabilis syang tumakbo dahil hinabol na sya nung dalawang lalaki na nagiinterrogate sa kaniya kanina.

I started running too. Hindi na ako pwedeng bumalik sa loob dahil malapit lang sila sakin kaya tumakbo ako paakyat. Alam kong hinahabol nila ako. Naririnig ko yung tunog ng sapatos nila.

Sh*t talaga! Ano ba 'tong pinasok ko?!

Hindi ko alam kung ilang floors na ang inakyat ko. Maya maya lang naabutan na nila ako. Siguro dahil naka high heels ako kaya medyo mabagal akong tumakbo?

"'Tan* in*!" Sigaw ng isang lalaki nang maabutan niya ako. Umamba sya sa akin na parang susuntukin ako.

Mabilis akong nakailag at tinulak sila sa hagdan. Mabuti nalang at sporty ako.

I continued running. Sinubukan kong lumabas pero sa kamalas malasan ko, nakalock yung pinto. Ano bang klaseng fire exit to?! Bakit nakalock?

Nakikita ko na sila, kaya hinubad ko na yung sapatos ko at hinagis sa kanila. Hoping na sana tamaan sila pero hindi.

Nakarating ako sa rooftop. Ito na siguro yung tinatawag nilang adrenaline. Di ko namalayan na ang taas na pala ng inakyat ko.

Sobrang pagod na ako pero sigurado akong mas pagod na sila. Akala ko hindi na sila humahabol pero isasara ko palang yung pinto, tinulak na agad nila ako.

"Buwisit ka! Pinagod mo kami" sabi ng isa.

"Pagod na din ako kuya" hinihingal pa akong sumagot.

"Bakit ba kasi nakisali ka pa?" Sabi ng lalaki habang papalapit sakin. "Kita mo? Mapapahamak ka tuloy"

Oo nga. Bakit ba kasi ako umepal?!

Wala na akong energy. Wala na akong magawa kun'di ang umatras. But as the guy tried to grab me, I still managed to fight pero agad din nila akong nasikmuraan. Gosh it hurts!

They tried to grab me pero pumipiglas ko. I'm trying to fight.

"Pagod na ako miss! Wag ka nang pumiglas!" Sigaw ni kuya. Nainis na talaga sya sakin kaya tinutukan na niya ako ng baril sa ulo.

I was in shock. Hindi ko inexpect na may baril sila. I rralized na hindi joke yung pinasok ko. Mukhang malakihang sindikato sila. Bukod sa magandang klase ng baril, may silencer pa. Hindi yan kayang bilhin ng pipitsuging gangsters.

"Pasensya na kailangan ka namin iligpit. Ayaw ni boss ang kahit anong ebidensya na pwedeng magturo sa kaniya. Pinasok mo yung sarili mo sa listahan namin"

"Uhm.. Wala naman akong naintindihan sa usapan niyo eh." I pleaded

"Pasensya na talaga. Trabaho lang." I was ready to die. I saved someone else's life pero kapalit naman nun ang akin. I'm so scared, masakit kaya ang mamatay?

*BANG!*

◽◽◽

Ang sakit ng katawan ko. Pinaka masakit yung balikat ko.

The first thing I saw is the ceiling of my room sa chastel. Tapos nakita ko yung IV pole sa tabi ng kama. Doon ko lang narealize na buhay pa ako.

"Miss Hanna." Nakita ko sa pinto si secretary Sonh.

"Anong nangyari?" I'm so confused. Paano ako nabuhay?

"May nakakita sayo sa rooftop, unconscious."

"Sino? Ah! Hindi!" Naalala ko na. "May nakita akong lalaki. He saved me. Sino yun?"

"We have no idea miss Hanna. May tumawag daw sa lobby then pagdating ng mga mga guwardya doon, ikaw at dalawang lalaki nalang ang nakita nila."

"Nasaan yung dalawang lalaki? Alam niyo bang muntik na akong patayin ng mga yun?! Wag niyo silang hayaan na makalabas ng kulungan. Baka habulin nila ako ulit dahil hindi nila ako napatay" natakot ako to the nth power. Akala ko talaga hindi na ako sisikatan ulit ng araw.

"Nasa presinto na sila. Nakita silang nakatali sa isang poste sa rooftop. Malakas yung ebidensya na sila ang suspect kaya wag ka nang mag-alala." I was relieved when I heard the news.

Ang gusto ko nalang malaman ay kung sino yung lalaking yun?

"Ah!" Napahawak ako sa balikat ko nung subukan kong bumangon.

"Dahan dahan lang miss Hanna. You got shot on your shoulder." Then assisted me to stand.

Sa sobrang curiosity ko, parang hindi ko na nararamdam yung sugat ko.

Sigurado akong nakita sya. Lumapit pa sya at tinawag ang pangalan ko. He called me as if he's really worried. Naka black syang long sleeves, naka jeans, pati yung suot niyang sapatos naaalala ko. It was a sneakers.

Sino siya? Bakit niya ako kilala? Paano niya nalaman na nasa rooftop ako?

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon