9

6 0 0
                                    

Dad and I talked in my office. Wow! May sarili akong office at maganda ang view sa labas.

"Dad? Baka pwede mo na akong sagutin? Paano nangyari 'to?"

"Okay! Okay! Maupo ka." We sat facing each other. "Hanna, I'm still the president of Aonima Mall."

"Then ano yung pina-announce niyo sa akin? Alam ba 'to ng board? Baka magalit sila"

"Kinausap namin yung mga major shareholders and fortunately pumayag sila. In a condition na huwag kang hayaan mag-isa sa decisions regarding sa company. They can't trust you enough dahil bata ka pa and you still lack of experience kaya naging vice ako. We also promised na hindi ka magtatagal ng isang taon dito."

"Teka! Paano niyo sila naconvince?"

"They've known you for so many years at alam nilang matalino ka. Ano pa bang mas convincing doon? Isa pa, marketing din ito. Siguradong pag-uusapan ka at ang Aonima sa mga business magazines. Ikaw ang pinaka batang president ng Aonima group sa history"

"But.. Can't you just make me the vice and you're the president?"

"This is the fastest way anak."

Ngayon ko lang narealize na nafufrustrate na din sila sa nangyayari sa akin. Talaga ngang no one will ever love you as much as your family.

"Now, may you excuse me. May trabaho pa ako. You can help me with those." Turo niya sa files sa mesa.

"Dad.. I'm sorry" Palagi nalang sila ang umaayos sa mga gulong pinapasok ko.

"It's okay anak. As long as you're safe"

◽◽◽

I was on my desk doing the paper works when someone knocked on the door.

"Miss Hanna, nasa labas po ang NBI." Sabi nung receptionist-slash-secretary ko.

"Please let them in" sandali kong iniwan yung ginagawa ko noong makita kong pumasok si Alex. Mag-isa lang sya this time.

"Okay ka na ba?" I'm still very sorry sa nagawa ko. Nasira ko ang napaka gandang gawa ni mother nature.

Feeling ko tuloy illegal logger ako, or smoke belcher. Ako ata ang dahilan kung bakit sinira ni Yolanda ang leyte.

"Ah. Oo. Actually, hindi ko na nga sya nararamdaman eh." Tinawanan lang niya ako.

Kahit na hindi na masakit, nakokonsensya padin ako lalo na't may bakas padin ng pagkaka-bugbog sa mukha niya. Hangga't hindi gumagaling yung mga sugat niya tingin ko dadalawin at dadalawin ako ng konsensya.

"Totoo. Hindi ko na talaga nararamdaman" oh his eyes are nice. "anyway, hindi ako nandito para konsensyahin ka"

His lips and his whole face is nice. Parang isa sa mga painting ni Michael Angelo.

"Bakit ka nakatingin ng ganiyan?" Nagtatakang tanong niya

"Bakit? Paano ba ako tumingin?" Ina-appreciate ko lang naman yung napakaganda mong mukha.

Napangiti sya ulit "Ang cute mo"

"Complement ba yan? Ang ibig sabihin kasi ng 'cute' para sa'kin, gusto mo akong saktan"

"Uhm.. Ano?" He seems confused.

"Di ba kapag cute, gusto mong panggigilan? Masakit yun"

Natawa nalang sya sa akin. Nakakatawa ba yun? I'm pointing my point here.

"Bakit ka nga pala napa dalaw?" Change topic nalang.

"Wala padin kaming lead sa sindikatong humahabol sa'yo. May nahuli kami noong isang araw pero nakatakas. Kahapon lang, nakita yung bangkay niya sa bukid sa Bataan. May mga ebidensya na tinorture muna sya bago patayin."

"And?" Bakit niya 'to sinasabi sakin?

"We come up with this plan at sana matulungan mo kami. Kailangan namin makahanap ng ebidensya sa kanila pero sa ngayon, wala kaming ibang pwedeng lapitan kung hindi ikaw lang"

Dahil ako lang hanggang ngayon ang buhay pa.

"Can you give me some time? Pag-iisipan ko muna" Mahirap mangako ngayon. Lalo na hindi lang ako ang involved dito, pati sila dad at lolo nagaalala na. And worst, baka madamayin sila dito.

It was out of the blue noong hawakan niya ang leeg ko. Feeling ko nakoryente yung kalahati ng katawan ko. When he moved his hands to my nape, saka ko lang na-gets yung ginawa niya. Kinabahan ako ng bongga doon dahil kaming dalawa lang ang nasa office ngayon.

"Mayroon kang hindi naisamang buhok sa tali mo." Sabi niya

Nailang tuloy ako. Ano ba kasing iniisip ko?

*tok tok tok*

Hindi ko alam kung ako lang ang napatalon sa kinauupuan ko dahil nakatingin ako sa pinto. Mabilis akong naglugay para ayusin yung buwisit kong buhok.

"Yes?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pumasok si Jiho.

Bakit sya nandito?

"Hihintayin namin ang pasya mo miss Hanna. Susubukan din naming kausapin ang tatay at lolo mo" Tumayo si Alex at nagpaalam. Kainis na Alex yan, making me feel like I'm cheating kahit wala akong love life!

For a moment nagkaroon ng aura yung dalawa na parang magka-away sila. Emeged, pinag-aawayan ba nila ako? Malapit nang magtrending ang #AmbisyosaSiHanna sa mga social media pag pinagpatuloy ko pa ito.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni Jiho habang papalapit sakin.

Sinusundan ko sya ng tingin dahil parang may tinitignan sya sa mukha ko. "Uhm.. It's confidential. Sorry"

Umikot na ang ulo ko sa pagsunod sa kaniya. Nagpunta sya sa likod ko at hinawakan ang balikat ko.

"Anong ginagawa mo?" Ito nalang ang naitanong ko noong naupo sya sa sofa, hinarap ang likod ko sa kaniya at tinanggal ang rubber ng buhok ko.

Wala syang imik habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Ang gaan ng kamay niya

"Sa susunod wag kang papayag na hawakan ka niya." Seryosong sabi niya.

Tama ba yung narinig ko? Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumingon sa kaniya. Does he really mean it?

Nakita ko sa mga mata niyang seryoso sya. Ayaw niya akong magkaroon ng skinship kay Alex. Sa sobrang seryoso muntik ko nanamang paasahin ang sarili ko. Konti nalang mahuhulog na talaga ako sa kaniya.

Gusto kong putulin ang eye contact namin pero hinihigop ako ng mga mata niya.

"2 days na akong hindi naliligo" ito nalang ang nasabi ko para sya na mismo ang lumayo sakin.

Napaliyad sya ng konti. Nakita ko ding marahan niyang pinagpag ang mga kamay niya. Sya na din ang pumutol ng eye contact namin.

Ganyan nga. Dumistansya ka ng konti. Kontento na ako sa crush lang. Kontento na akong kinikilig sa malayo. Kontento na akong magkaibigan tayo kaya wag mong hatakin ang puso ko.

While I was worried na ma-fall ako sa kaniya, sya naman natatawa sa ginawa niya. Wag kang ngumiti!!

❇❇❇

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon