Entry #5: Let Me Be the One by HyuNeLove_16

565 8 9
                                    

Let Me Be the One by HyuNeLove_16

Download mo po ang 'Let me be the One by Jimmy Bondoc' para mas dama mo 'yung last part :)) read and enjoy.

 -------------------------------------------------------

Cher Bear, pansinin mo naman ako!

Uy! Galit ka ba? Kausapin mo naman ako.

Cher Bear! :(

Natatawa na lang ako sa pangungulit niya ng dahil lang sa hindi ko siya pinapansin. Hindi ko siya kilala sa personal pero natutuwa ako sa mga ginawa niya. Oo. Hindi ko siya talaga kilala, kahit ang totoong pangalan niya hindi ko alam pati kung saan siya nag-aaral.

Mag tu-two months na rin ng una kaming magchat sa Facebook at magpakilala bilang SECRET ADMIRER ko raw? Papa Bear pa ginagamit niyang screen name at Cher Bear naman ang tawag niya sakin, aba ewan ‘ko dun uso ba ang Bear ngayon? -_-

Noong una, naiinis ako sakaniya pero nang naglaon, gumaan din ang loob ko. Sino ba namang hindi gagaan ang loob sakaniya, halos araw-araw, pinapasaya ang araw mo at pinatatawa ka kung may problema. Diba?

Hindi ko alam kung trip niya lang 'tong pagsusuyo niya sa akin. Ewan ko kung anong nakain niya at nasasabi niya ang mga sweet na mga messages na'to sakin araw-araw.

Sa two months na 'yun, naging malapit kami sa isa'y isa, naging magkaibigan kami.

Madaming tumatakbo sa isipan ko gabi-gabi. Kung sincere at totoo talaga siya, ano naman kayang nagustuhan ng taong 'yun sakin? Pero hindi ko na rin ipagkakailala, naakit siguro sa kagandahan ko. *wooosh* Mahangin no?

~

Hi. Ako nga pala si Cherina Jasmine Neneria, but you can call me Cheri or CJ. 13 years of existence. Junior. Nag-aaral ako sa isang Private School dito sa amin. Simpleng lang ako sa mga bagay-bagay, hindi ako mapili't maarte. Mabait at Friendly daw ako sabi nila, kaya siguro marami na rin akong naging kaibigan dito sa School. Pero gaya rin naman ng iba, hindi ko rin naiwasan ang mga ayaw at 'di ako gusto.  Bago lang ako dito sa school na 'to, kalilipat ko lang ngayon taon dahil tumira kami sa America. Certified Scholar ako ng bayan in short Tamad.  Babad ako sa mga gatgets, nabibigay kasi lahat ng gusto ko, nag-iisa  kasi akong anak.

Hindi naman ako masyadong kagandahan, sakto lang kaya siguro NBSB ako. Pero siguro sadyang wala lang talaga sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Crush lang muna, hanggang tinginan na lang sa malayuan, at hanggang imagination lang.

*kriiiiiiiiiiinggggg*

"hmmmmmmmmm" Nag-unat ako mga kamay sabay palo sa alarm clock ko.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kagabi. Ay shet. Si ano, hindi ko nareplyan.

Tinignan ko ang orasan na nasa table na katabi ng kama ko. 5:15 AM. Maaga pa, 7:00 pa naman ang pasok ko. Kinuha ko ang Ipad ko sa mesa at inopen kaagad ang Facebook account ko.

Nang naopen ko na, tinignan ko kaagad ang mga messages ko.

Papa Bear(64)

Ang OA. Inisa-isa kong binasa ang mga messages niya. Para akong tanga na tumatawa mag-isa dito sa kwarto ko.

Uy Cheri, galit ka ba? Ayaw mo na 'tong ginagawa ko?

Cher Bear!

Cherina Jasmine Carreon Neneria!

CJ! Cheri!

Baka tinulugan mo na ko. Sige, good night Cher bear ko!

I LOVE YOU SO MUCH, SERYOSO AKO SA'YO CHERI. MAKIKILALA MO RIN AKO SA TAMANG PANAHON.

Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon