Entry #9: Mcdonald's Sparks by AilaLOVE

360 21 21
                                    

MCDONALDS SPARKS

AilaLOVE

------

Lala: Ang istoryang ito ay hindi kapupulutan ng aral kaya mabuti pang huwag mo na itong basahin. Pero kung pinoy ka, ipupusta ko ang kuko ko sa paa na babasahin mo talaga ito. ^^

Tanghalin-tapat noon, maraming indibidwal, magkasintahan at grupo ang makikitang naglalakad sa kalsada upang maghanap ng makakainan, kung hindi man ay para makipagbuno lamang sa ilalim ng matinding parusa ng sikat ni Haring Araw. 

Loner ako. Kasama ako sa kategorya ng mag-isang binabagtas ang mala-disyertong kalsada. Pero hindi tulad nila, wala akong plano na magmukhang tanga sa pagsasun-bathing at magpakulay-tsokolate dahil una sa lahat, wala ako sa beach para umeksena ng ganoon. Naghahanap lamang ako ng makakainan upang matigil na sa pagmamarakulyo ang aking mga bituka na limang bese kung mag-demand ng pagkain sa isang araw.

Araw ng suweldo ngayon at nagsisimula na ang christmas shopping kaya hindi na ako nag-abala pa na pag-ugatin ang mga binti ko kakahintay ng masasakyan na hindi ako magmumukhang isda na isiniksik lang sa lata ng sardinas. Sayang yung pamasahe na ibabayad ko gayong wala pa kalahati ng pwet ko ang nakaupo sa upuan. Tipong pagbaba ko, mas nakakapagod pa ang itinagal ko sa loob ng jeep kesa sa paglalakad. Nalukot pa ang pinaghirapan kong plantsahin na damit.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang pagiging bagong ligo ko ngayon. Sabi kasi nila masyadong "hot and daring" daw ang pagkakaroon ng wetlook kaya pinapanindigan ko na ang kakapalan ng mukha na ito. Kung kukunin man akong talent sa isang TV Commercial na ipinapaagos ang tubig mula ulo hanggang katawan na madalas makita sa mga patalastas ng softdrinks at mineral water, Aba! Quotang quota na sila sa akin. Partida pati paa ko may tubig na din. Bukod roon, ayokong gamitin ang mga softfrinks at tubig. Sayang naman diba? Magkano din kaya 'yon kapag binili diba?

Higit sa lahat, wala naman sigurong shunga na ganoon ang ipapaligo para masabing refreshing ang feeling. Dadaigin ng taong 'yon ang lagkit ng suman at biko. Hindi ako bitter sa softdrinks at hindi ko na kailangang sabihin na nag-break kami ng boyfriend ko noon dahil lang sa hindi ko siya nabigyan ng softdrinks. Ay sorry, nadulas lang ako!

Ang dami kong satsat! Nauwi na sa walang kabuluhang kwento. Paano ba naman, natatanaw ko na ang paraiso matapos ang buwis-buhay na paglalakad ko sa disyerto. Nabawasan tuloy ng 0.1% ang kagandahan ko. Unti-unti na akong napangiti (Hindi lawit-dila, wag OA) sa imahinasyong kumikindat sa akin ang isang letra na sasagip sa mga nagngangalit na sikmura.

M. Hindi yan Magic. Hindi rin si Mermaid Man o isang klase ng superhero na weird kung magdamit. M stands for McDonalds. Ang dakilang tagahawak ng pag-asang "McSavers Meal" kung nagsasawa ka na sa paulit-ulit na kinakain mo sa karinderya. Dito matatagpuan ang unlimited gravy na ipinangsasabaw mo pa dahil makapal ang mukha mo sa kaka-refill. Ikaw ang magpapalugi sa kanila balang-araw.

Secret lang ito ah, sa McDo ako kakain at patawarin nawa ako dahil sa pagiging gahaman ko sa gravy.

"Waaaaaaw!" Hugot mula sa namamawis na paa ang hanging ibinuga ko ng maramdaman ko ang aircon na lumulukob sa wetlook kong itsura ang amoy ng mga pagkain na dumidikit na sa damit ko na pwede ko ng nguyain kapag wala na akong makain. Pero syempre, joke lang 'yon at hindi mo kailangang tumawa, walang sosyal nangumangatngat ng damit at hindi ka sosyal kung hindi ka tatawa.

"On this way Mam." May lumapit sa akin na isang crew ng Mcdo para sa bakanteng mesa pero hindi ako sumunod. Natural! Sinong oorder ng pagkain ko diba? Yung upuan? Yung lamesa? (Oo, nagjojoke ako ulit) *winks*

"Thank you. Pipila na lang muna ako." Todo-ngiti ako doon sa crew. Makawasak bunganga na ngiti. With poise.

Matapos ang pag-order ko ng chicken fillet at coke float (Sabi ko sa inyo hindi ako bitter sa softdrinks eh!), deretso na ako sa magic pwesto nung lagayan ng gravy. Do the moves! Nang masiyahan ako sa paglutang ng pagkain ko, pumunta na ako doon sa bakanteng mesa. Pagkaupong-pagkaupo ko, narinig ko na kaagad ang hagikhikan ng tatlong estudyante sa tapat ko na table. Naghahampasan sila habang tumitingin sa isang grupo ng mga lalaki na hindi kalayuan sa amin.

Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon