Si Lyn Alfante ay napakasimpleng teenager na babae. Isang high skul student na may mataas na kuha sa kanyang marka, mabait na bata, masipag, hindi masyadong kasikatan, hindi gaano kayaman at may pangarap din kagaya ng ibang mga teenager. Makikita mong napakaperpektong bata si Lyn dahil hindi lamang siya gumagalang sa mga matatanda, tinutulungan din niya ang kanyang mga magulang sa mga household chores sa oras na wala siyang klase at inaalagaan niya ang kanyang nakatatandang kapatid na may sakit na hypokalemia sa mababa lang na edad. Kung titignan mo, napakaperpekto ng buhay niya (maliban lang sa biglang pagkamatay ng kanyang ama). Pero gaya nating mga tao, may lihim din na tinatago si Lyn at may mga bagay rin na hindi natin nalalaman ukol sa kanya.
Isang araw, umuwi siya sa kanyang bahay. Nagkasulobung sila sa kanyang ina. Nagmano siya na nagpapakitang respeto at galang sa kanyang ina.
“Ma, san ka po pupunta? ” Tanong ni Lyn.
“Maglalabada ako, anak. May mga damit pa si Aling Elena na hindi pa nalalabhan.” Sagot ni Marites, ang kanyang ina.
“Tutulungan ko na po kayo. ” Sagot niya sa kanyang ina.
“Ay, huwag na. Ipagtuonan mo na lang ng pansin ang pag-aaral mo at tsaka ang kapatid mo. Di ba gusto mong makatapos ng pag-aaral para maging doctor at mapagamot si Benjie? ”
“ Opo.”
“Yun naman pala, eh. Sige na, para maaga akong makauwi. Huwag mong kalimutang magdasal sa Diyos ha bago kayo kakain?” sigaw ni Aling Marites habang patuloy sa paglalakad.
Tumango lang ito.
Nang nakapasok na siya sa kanilang bahay. Una niyang inalagaan ang kanyang kapatid. Pinakain pa niya ito ng saging para kahit papaano eh mapatulong ito na mapataas ang kanyang potassium sa kanyang katawan. Tumingin ang kanyang kapatid sa kanya. Napaluha si Lyn dahil alam niyang hindi na natatablan sa saging ang kanyang kapatid. Binigyan niya lang ito ng matamis na ngiti.
Matapos niyang inalagaan ang kanyang kapatid, nagluto siya para sa kanilang hapunan. Habang naghintay si Lyn na maluto ang kanin, siya ay nag-aaral para sa kanilang exam bukas. Tinitignan niya rin ang kanyang kapatid na halos hindi na gumagalaw. Nakahiga lamang ito at tila hindi na gumagalaw. Except for his chest that was throbbing up and down. Naawa siya sa kanyang kapatid. It’s because she knows na hindi na matagal na makunan siya ng buhay dahil araw-araw, lumalala ang sakit ni Benjie. Hindi na lang niya ito inisip pa at baka umiyak siya ulit. Gusto niyang ipakita sa nakatatanda niyang kapatid na malakas siya.
Nang luto na ang pagkain, umuna na silang kumain dahil alam nilang matagal pa bago umuwi ang nanay nila. Nang matapos silang kumain ay pinaupo muna niya ang kanyang kapatid sa kanyang higaan. Nang kalaunan ay pinahiga na niya ito.
Pumunta siya sa silid niya. Nang pumasok siya ay unang-una niyang nakita ay ang statue ng Dakilang Ama. Lumapit siya at lumuhod. Huminga siya ng malalim.
“Lord? Andyan ka ba? Hindi siguro po ninyo ako kilala dahil ilang taon na po akong hindi nakikipag usap sa Iyo.” Napatulo ang kanyang luha.
“Ako po pala si Lyn Alfante. Anak ng namatay na si Geral Alfante. Kilala po ninyo siya siguro kasi palagi siyang nagdadasal sa Iyo.”
“Ilang taon na rin po noong huli kong pumunta sa simbahan. Ang naalala ko, huli akong nagsimba ay noong namatay ang tatay ko.” Tumingin siya sa itaas.
“Bakit? Bakit siya pa ang namatay sa rally noong araw na yun?! Hindi ba pwedeng ipaglaban ang nararapat sa amin?! Kung may mamatay man dapat yung mga mga taong mapangahas na angkinin ang aming sakahan! Bakit ang kuya ko pa ang nagkaroon ng ganitong sakit?! Hindi ko kayo naiintindihan! Bakit kami pa ang napili na magkaroon ng ganitong buhay?! Hindi ba pwede na magkaroon ng isang normal na pamilya? Bakit?! BAKIT?! Sagutin ninyo ako! Hindi ko na kaya ang binigay ninyong paghihirap sa pamilya ko!” Sigaw niya habang umiiyak.
“Alam ninyo bang noong una ko kayong nakilala ay gumaan ang kalooban ko? Dahil alam ko na may kausap ako sa tuwing may problema ako. Na kahit papano ay may makikinig sa aking kalooban.” She wept her tears. “Pero nawala iyon noong kinuha ninyo ang papa ko! Ang papa ko na ang tanging ginawa lang niya ay ang ipaglaban ang nararapat sa amin. Pero walang bisa ang pagkamatay niya dahil nakuha pa rin ng mga pangahas na iyon ang lupa namin! At wala na kaming magagawa dahil doon!”
Huminahon siya.
“Kaya sana, nagmamakaawa ako sa inyo. Tulungan ninyo po kami. Ngayon ko lang ginawa ulit ito sa buong buhay ko. Bigyan ninyo po kami ng isa pang pagkakataon na bumalik sa dati ang aming pamilya. Maawa po kayo. Gusto ko pong maniwala na may bukas pa.” Bulong niya.
Matapos dun ay humiga na siya sa kanyang higaan at natulog. For the first time in long, long years, her slept was comfortable. No more nightmares, no more bad dreams. Just peace and innocence within her mind.
Nang kaumagahan ay parang naging mas masigla si Lyn kaysa sa nagdaang mga taon. For the first time in her entire life, she felt free. All of the chains that were around her were unlocked. She felt like it was the first time for her to be outside the cave. All she could see are light. No darkness are found. All of her burdens were swept away.
Hindi na siya nawalan ng pag-asa.Nang dahil diyan ay lalong siyang naging mas masigla. Nanibago ang lahat ng tao sa kanya. She was blooming. Kahit mismo nanay niya ay naninibago sa kanya. Pero di nila alam na for the first time in a very long time, she started to believe in Him.
Lage na siyang nagdadasal sa Kanya, lagi na siyang nagsisimba. Hinding-hindi na niya nakalimutang magdasal bago at matapos niyang matulog.
Nang lumaon ay nakatapos siya sa kanyang pag-aaral bilang nag-iisang scholar sa school niya. Noong araw ng kanyang graduation, nandoon ang kanyang ina. Kitang-kita ang tamis na ngiti na meron ni Aling Marites. Kasama niya ang kanyang anak… ang kapatid ni Lyn… Si Benjie. Laking ngiti niya noong nakita ang kanyang kapatid. Matagal na itong magaling. May isang concern citizen na biglang kumatok sa kanilang bahay at nagsabi na isa sa kanilang mga kapitbahay ay nagbigay ng sulat tungkol sa sakit ng kanyang kapatid. At sila na daw ang babayad sa gamot na igagasta sa kanyang kapatid. Laking tuwa nila Lyn at ng nanay niya noong nalaman nila ‘yun.
Ngayon ay isa ng doctor si Lyn. Nag-asawa na ito at may dalawang anak. Isa na ring ganap na chef ang kanyang kapatid. At dyan niya nalaman na kahit anong mangyari ay huwag mawalan ng pag-asa sa sarili at huwag mawalan ng pag-asa sa Kanya. Dahil wala siyang binibigay na mga problema na hindi natin nalalagpasan. Actions are great. But doing great actions and believing in Him would make things even better. Dahil hindi nawawalan ng bukas ang buhay.
.THE END.
BINABASA MO ANG
Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)
Cerita PendekFinally! Here are the entries in Wattpad Addicts One Shot Contest! Good luck contestants! Enjoy readers! Please refrain from giving destructive criticisms. Don't hate okay? They did their best to pass their one shots that meet our requirements. Just...