"I love you! Will you marry me?",sabi ng bidang lalaki sa TV.
Napatigil ako sa panunuod dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko'y lumabas sa screen ang pangalan ng pinakamakulit na tao sa buhay ko.
"Sorry I'm busy. Huwag mo na akong kulit--..",naputol kaagad ang mga sinabi ko.
"Naaksidente si Ren! Ella, kailangan ka ni Ren!",bungad ng taong kausap ko. Alam kong kaibigan yun ni Ren. Bakas sa kanyang boses ang matinding pag aalala.
"So anong gusto mong gawin ko?", kunwari hindi nag-aalalang tanong ko.
"Ella, ano ka ba?! Napakamanhid mo talaga! Hindi mo ba alam na dahil sa'yo kaya naaksidente si Ren? Kailan ka ba matututong magpahalaga ha?!Tandaan mo Ella, nasa huli ang pagsisisi. ", dismayadong sigaw sa akin ng nasa kabilang linya.
"Ang OA mo naman! Sinabi ko bang hindi ako nag-aalala. Saang ospital ba?", inis na sabi ko sa kanya. Narinig ko ang isang pigil na tawa sa kabila.
"Room 195! Bilisan mo!", sabi nya at kaagad na pinatay ang cellphone. Aba't ako pa ang binabaan.
Agad akong tumayo at tumungo na sa ospital. Nadatnan ko ang mga kaibigan nya sa labas ng kwarto.
"Hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon..", bungad ni Josh. Isa sa mga kaibigan ni Ren. Pinagbuksan nila ako ng pinto.
"Lapitan mo na sya.."sabi naman nung isa at tsaka marahan akong itinulak palapit sa kinahihigaan ng walang malay na si Ren.
"Ano namang gagawin ko 'pag nilapitan ko sya?",tanong ko.
"Ella naman, hindi ka man lang ba magluluksa? Napaka--..", pinutol ko na agad ang pagsesermon nya sa akin.
"Pwede ko ba syang solohin muna?", nagulat sila at napanganga sa tanong ko. Kahit ako nabaduyan sa sinabi ko. Ngumisi naman sila at sabay na umalis. Alam kong yun lang naman ang magpapatigil sa kanila sa pagsesermon sa'kin.
Lumapit ako kay Ren at tsaka hinawakan ang kanyang kamay.
"R-ren, P-pano nangyari sa'yo 'to?", unti unting nagiging garalgal ang boses ko. Hanggang sa tuluyan na akong humagulgol.
"Ren, I'm sorry. Gumising ka na. Marami pa akong gustong sabihin sayo.",hirap na sabi ko at tsaka isinubsob ang ulo sa kama.
"Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba?",dagdag ko pa at naramdaman kong gumalaw yung kama.
"Huli ka!", ginulat ko si Ren at napalitan ng nanlalaking mga mata ang kaninang nakangising labi nito. Alam kong nagdradrama lang sya.
"P-pano mo nalaman..?"nahihiyang tanong nya at napakamot sa ulo.
"Ang korni mo. Kailangan mo pang magpanggap para makita mo ko. Ano 'to Boys Over Flowers lang ang peg?",sabi ko sa kanya at tsaka sya binatukan.
"Mga Bro. palpak tayo. Pasok na kayo", sabi ni Ren at nagsipasukan naman ang mga loko lokong kaibigan nito.
"Naaksidente si Ren! Ella, kailangan ka ni Ren! Ayos ang linya nyo ah. Pwede na kayong mag-audition.",pang-aasar ko sa kaibigan ni Ren. Napayuko naman ito at tumawa ng mahina.
Nakitang kong ngumiti ng malapad si Josh.
"Hindi daw nag-aalala. Mga Bro. tignan nyo nga suot nyang slippers oh..", inasar din naman nila ako at tinawanan pa.
"Assuming talaga eh no..", sabi ko sabay labas ng isang pares ng rubber shoes sa dala kong bag. Akala siguro nila maiisahan nila ako. Pahiya na naman sila sa'kin.
"Eh bakit ka pa pumunta dito kung alam mo namang drama lang ni Ren 'to?",tanong ni Josh.
Ngumiti ako at sinabing,"Para mambasag ng trip nyo. Effective ginawa ko 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)
Short StoryFinally! Here are the entries in Wattpad Addicts One Shot Contest! Good luck contestants! Enjoy readers! Please refrain from giving destructive criticisms. Don't hate okay? They did their best to pass their one shots that meet our requirements. Just...