"I don't believe you pare.. naniniwala ka talaga sa hula?" sabi ni Mielle na bestfriend ko..
"Alam mo pare wala namang mawawala e. Atleast handa ka sa kung anong pwedeng mangyare. Malay mo mamamatay ka na hindi mo pa alam"
"Gago ka talaga! Diyos lang nakakaalam niyan nu.." ang kulit talaga nito e..
"Isipin mo nalang na humihingi lang ako ng sign"
"Para saan? kung kailan ka mamamata—aray ko naman! diba yan ang sabe mo?" bestfriend ko ba talaga to?
"Mas gago ka pala e.. sign para kung sino ang babaeng para sakin. Mahirap na sa panahon ngayon aminin mo man o hinde mas marami ng manlolokong babae"
"Ano naman connect nun sa pagpapahula mo?" slow talaga.
"Ganito lang yun.. kung alam mo yung sign ng babaeng para sayo atleast maiiwasan mo yung mga babaeng di magpapakita ng ganung klase ng sign.. maiiwasan mo ang maloko.. hindi ka masasaktan dude.. ganun lang yun."
"Ewan ko sayo.. hindi kita magets. Humanap ka ng kausap mo"
"Hephep! not now. sasamahan mo pa ko kay manang Juana.."
"You're kidding, are you? kay manang Juana??! yung manghuhula?"
"Yep! Let's go"
Ako nga pala si Yvo. 18 years old nako at kasalukuyang nagaaral ng kolehiyo. I'm taking up Information Technology dahil umaasa ako na makakapagprogram ako ng isang site kung saan pedeng mong malaman ang future mo.. my pinaghuhugutan ba ko? well oo, namatay kasi sa isang stroke ang mommy ko, with the fact na wala naman siyang kahit na anong sakit. At kahit na akong sign na pedeng mangyare sa kanya nun.. at simula nun naniwala na ko sa hula, kasabihan ng matatanda, feng shui at kung ano man sabihin ng horroscope ko. Segurista na ko ngayon.. atleast kung ano man ang pedeng mangyare pinaghahandaan ko na.
Kung tatanong nyo kung ano bang basehan ko? siguro marami rami nadin.. tulad ng sabi sa horroscope ko na swerte daw ang color aqua blue sakin nung time na may exam kami at hindi ako nagaral kaya ginawa ko nagsuot ako ng aqua blue na polo shirt.. at tumpak! pasado ako sa exam.
Marami na kong experience na nakapagpatibay ng paniniwala ko sa hula..
"Know what pare? you're crazy.. that' so gay"
"Wala akong pakielam.. andito na ko, wala ng atrasan.."
Unang beses ko magpunta dito kela manang Juana. Fortune teller for love, money, business, family, life etc.. pero master siya sa love.
"Gusto mo ba malaman ang kapalaran mo Yvo?" bungad samin ni manang Juana
Nagulat kami ni Mielle kasi alam niya pangalan ko.. see? yan ang manghuhula.
"Opo manang.. ano po ba magiging buhay pagibig ko?"
"Pfft.. that's so gay." bulong sakin ni Mielle.
"The hell I care! shut up!"
"Bumunot ka ng tatlong baraha." utos ni manang sakin.
Ginawa ko naman ang utos ni Manang sakin at bumunot ako ng baraha.. tapos nakita ko medyo dumilim ang mukha niya..
"Yvo, iho.. hindi magiging maganda ang una niyong pagtatagpo.. at nakikita ko sa baraha na kung sino ang magbibigay sayo ng isang tahong ay iyon ang iyong iibigin.. at kung sino man siya, mamahalin ka niya ng lubos at hindi ka sasaktan"
Napatango nalang ako sa sinabi niya.. tahong? hindi kaya mangingisda yung babaeng yun? saka hindi magandang pagtatagpo? hindi ko magets..
Pagkagaling namin sa bahay ni manang Juana, tumambay muna ko kela Mielle..
BINABASA MO ANG
Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)
Short StoryFinally! Here are the entries in Wattpad Addicts One Shot Contest! Good luck contestants! Enjoy readers! Please refrain from giving destructive criticisms. Don't hate okay? They did their best to pass their one shots that meet our requirements. Just...