Malaki ang pasasalamat ko dahil binigay ka sakin ng panginoon. Napakaraming bagay ang hindi natin napagkakasunduan. Ngunit sa kabila ng lahat ng yun, natutunan nating tanggapin ang pagkakaiiba ng bawa’t isa.
Nakatitig ako ngayon sa mukha ng pinakamamahal kong babae, si Hana. Ang korni ko kaya hindi ko magawang sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Yun ang madalas naming pagtalunan, ang hindi ko pagsasalita. Pero buti na lang, nagagawa nya akong intindihin. Hindi sya kakaiba, katamtaman ang height, morena, at bagsak ang itim nyang buhok. Ayokong magsalita ng tapos pero, alam ko sa sarili ko, na kahit anong mangyari, makukuntento ako dahil mahal ko ang babaeng ‘to.
“Nakatitig ka na naman sa’kin” hindi na sya nasanay. Pero ganon din naman ako sa tuwing lilingon sya sakin suot ang napakatamis nyang ngiti.
“4:30 ang dismissal mo bukas ‘di ba? Hanggang 5 pa ang training bukas. Kung gu-“
“Sa gate na lang ako maghihintay, kasama ko naman sila Jane”
“Osige, susubukan kong makaalis agad para hindi na rin maghintay ng matagal si mama mo”
“Ano ka ba, maaga pa naman yun para sa hapunan na ihahanda ni mama”
“Kahit na, second anniversary na natin yun. Nakakahiya kay mama kung sakto sa oras tayo dadating”
“Oo na po! Halika na! Tapos na yung sunset oh! Di mo naman napanood dahil sakin ka nakatingin”
Andito kami ngayon sa field ng school kung saan kita ang paglubog ng araw sa likod ng mga puno ng mangga. Inakap ko sya ng mahigpit at inamoy ang malambot nyang buhok kasabay naman ng pag amoy nya sa suot kong polo. Ito talagang babaeng ‘to, walang kahirap hirap sa pagpapangiti sakin.
Inihatid ko sya sa kanila, gusto ko pa sanang magtagal don pero pinagtutulakan nya na ako paalis. Gusto nyang magpahinga ako ng maaga para sa training bukas. Malapit lang ang bahay nila Hana sa school, samantalaang ako, kailangan pang sumakay ng jeep pauwi. Habang nakasakay sa jeep, iniisip ko kung ano ang ibibigay ko kay Hana. Buti na lang at may malapit na mall bago makarating ng bahay, bumili ako ng silver bracelet na may mga nakasabit na tila mga ulap. Hindi ko alam kung bakit yun ang napili ko, marahil ay nagandahan lang ako sa kasimplehan ng disenyo. Katulad ng pagbibigyan ko, simple pero napaka-espesyal sa paningin ko. Sana magustuhan nya. Naglalakad pa lang ako pauwi ay nagtext na sya,
~~Hoy mister! Nakauwi ka na po ba?
~~Opo, nagbihis lang saglit kaya hindi nakapagtext agad
~~Buti naman.. sige, kakain na kami
Hindi nako nagreply ulit at nagmadali na’kong makauwi. Nagsinungaling ako dahil ayokong malaman nya ang tungkol sa binili kong regalo para sa kanya.
¤¤¤¤¤¤¤¤
Gusto ko pa sana syang makatext pero kailangan ko nang tapusin ‘tong ginagawa kong scrapbook. Tiningnan ko ang relong bigay nya noong unang anniversary namin. Madalas kasi naming pag awayan ang oras noong unang taon namin. Gusto ko kasi, alam ko lahat ng nangyayari sa kanya, selosa kasi ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero, mabait kasi si Marcus kahit kanino. Madalas na namimisunderstood ng mga babae ang kabaitan nya sa pagbibigay ng motibo. Hindi nya yun alam, sasabihin nya lang, “wala yun! Alam naman nilang may girlfriend na ako”. Pero noong ibinigay nya ang relong ‘to, nabawasan na rin kahit papaano ang pagseselos ko dahil sa mga sinabi nyang “ayan ha! Ibig sabihin nito, kahit na hindi kita kasama, kahit anong oras hindi ka nawawala sa isip ko” habang isinusuot sa’kin ang relo. 6:56 na,limang oras na lang at dalawang taon na rin kami. Di ko mapigilan ang mapangiti kahit nasa harap ko sila mama. Kakain nga muna ako tsaka ko ‘to tatapusin.
BINABASA MO ANG
Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)
Short StoryFinally! Here are the entries in Wattpad Addicts One Shot Contest! Good luck contestants! Enjoy readers! Please refrain from giving destructive criticisms. Don't hate okay? They did their best to pass their one shots that meet our requirements. Just...