Alas kwatro pa lamang ng hapon ngunit ... tila alas syete na ng gabi. Umuulan na naman kasi't wala pang kuryente.
Mula sa pagkakahiga ko sa duyan namin dito sa balkonahe sa ibaba - kitang-kita ko ang mga malalaki at maliliit na patak ng ulan. Karamihan ay direktang tumatama sa lupa habang ang iba'y sa bubong tapos dadaan sa alulod at tsaka palamang makakarating sa ibaba, mayroon din na sa mga puno't halaman na dumidiretso.
Napatingala ako ng kaunti, sakop na sakop ng napakalaking ulap ang kalangitan. Takip na rin ng mga hamog ang tuktok na bahagi ng mga bundok.
Noon, ayaw na ayaw ko sa ulan.
Halimbawa, nakaskedyul ka ngayong maglaba tapos uulan naman pala, o kaya nama'y nakatapos ka nga ng labahin kaso nung magsasampay ka na ... at tsaka dadali ng buhos itong si Ulan.
Eto pa, sa paglalakad. May mga tao na hindi marunong maglakad kapag umuulan - at isa na ako dun. Maya't maya ang pahid ko sa binti at sakong dahil sa mga tilamsik.
Kapag rin inabutan ka ng ulan sa labas ng bahay nyo at hindi ka prepared sa pagdadala ng payong (na gawain ko), wala kang choice kundi ang magpaulan at magmukhang basang sisiw makauwi lang. Maliban siguro kung may dumaang kakilala mo na bukod sa may dalang payong ay may ginintuang puso rin para pasukubin ka.
Napaayos ako ng higa sa duyan dahil may hangin na biglang umihip kaya bahagya akong nilamig.
Saan na nga ako?
Ah! Oo. Ang sabi ko'y ayaw na ayaw ko sa ulan - noon.
Palaging sumasagi sa isipan ko ang pangyayari na nagpabago ng pananaw ko tungkol sa ulan.
Hayskul. Isang salita na napakaraming kwentong nakaugnay, napakaraming karanasan ang pwedeng isalaysay. At syempre, hindi magpapahuli dyan ang usapang pag-ibig, nangunguna pa nga diba? Maski ako sa sarili ko, sabik ako sa pagtungtong sa sekondarya. Hayskul daw ang isa sa hindi malilimutang yugto sa buhay mo. Dyan mo mararanasan halos lahat - ang tumawa, mapuyat, masabon ng mga guro, minsan pa nga'y ang mapaaway, magmahal, masaktan at umiyak.
1st year pa lang ako noon at ang dami ko ng naririnig tungkol salitang 'crush'. Kaliwa't kanan ang kwentuhan nila, maya't maya ang tili na tinalo pa ang sigaw ng ipis kapag papalapat na ang tsinelas sa likod nito. Dumating pa nga sa punto na nangulit ang mga kaibigan ko tungkol sa crush na yan. Ilang beses kong isinagot sa kanila na wala, as in WALA - zero balance ... dahil wala naman talaga.
3nd year high school na kami, wala naman masyadong nag-iba maliban siguro sa mas lalong napalapit ang loob naming magkakaklase. At tsaka oo nga pala ... pangatlong taon na ng pangungulit ng mga kaibigan ko sa kras-kras nay an. Akala ko nagsawa na sila pero hindi pa rin pala talaga, lalo na yung lima.
Isang Lunes, uwian na namin at kanya-kanya na kaming ayos ng mga gamit. May mga nauna ng lumabas na karaniwan ay mga lalaki at may iba naman ay napasarap na yata ang pagkakaupo kaya parang ayaw ng umuwi. Ako? Isa ako sa mga nakatoka sa paglilinis ngayon kaya naman may hawak na akong walis tambo. Sisimula ko na sana ang paglilinis nang palibutan ako nung lima. Sinong lima? Makikilala nyo rin sila.
'Kasi naman! Bakit ayaw mong magshare.' Sabi ni Mica na kunwari ay tampo pa.
'Parang magsasabi lang ng isang pangalan dyan ey.' Pagmamaktol rin ni Maemae at may kasama pang nguso. Sina Lois, Rylen at Anjo at nakapameywang lang sa harap ko.
'Anong sasabihin kong pangalan kung wala naman talaga? At tsaka, maglinis na rin po kaya kayo ng natatapos na agad tayo.'
Magwawalis na sana ulit ako nang si Anjo naman ang magsalita: 'Hindi kami aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung sino ang crush mo.' Umayos ako ng tayo at tiningnan sila isa-isa. Isang minuto, dalawang minuto ... limang minuto - ABA! At talagang pinanindigan nga nila.
BINABASA MO ANG
Wattpad Addicts One Shot Contest (Entries)
Cerita PendekFinally! Here are the entries in Wattpad Addicts One Shot Contest! Good luck contestants! Enjoy readers! Please refrain from giving destructive criticisms. Don't hate okay? They did their best to pass their one shots that meet our requirements. Just...