"4M! Sign my autograph na, please!" Lumuhod si Ajean at pilit na ibinibigay sa akin yung notebook.
~ 4M stands for Malanding Magkaibigang Mahirap Makamove-on. ~
"Ayoko nga sabi! Malay ko ba kung para saan yan!" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Ang arte neto. Nagsign na lahat ng classmate natin, ikaw nalang hindi!"
"Ayoko nga! Ang kuleet neto." Pagmamatigas ko.
"Okay!! Sige. Sino ba naman ako para pilitin ka, bestfriend mo lang naman ako. Bestfriend mong sumagip ng buhay mo nung…"
Ayan na naman, ipapamukha na naman niya sakin na utang ko ang buhay ko sa kanya.
"4M, Alam mo namang gustong-gusto kong magsign diyan. Ikaw pa!”
Sa sobrang excited ko kasing maligo sa pool nung nag-outing kaming mgkakaibigan 3 months ago, bigla akong lumusong sa pool kahit hindi ko pa natansya yung lalim nito. Thanks to Ajean at sinagip niya ako.
"Talaga 4M? Waaaah! I love you." Then she hug me.
"Akin na yung autograph na yan." I gave her a smile---a fake smile.
"Ikaw nalang kasi hindi nagsisign so kahit bukas, next week or next month mo na ibigay sakin basta ibalik mo ha?"
Then she gave me that autograph and she left me. Tama ba namang iwan ako?
At dahil wala akong kaclose sa mga kasama kong cleaners, wala tuloy akong kasamang maglalakad mamaya pauwi sa bahay.
"Kainis naman, ang boring mag-isa! Nakakagutom tuloy."
At dahil nga nagutom ako, I decided to go to true brew first before umuwi.
"One coffee latte venti and one Braso de Mercedes" Sabi ko sa babae sa counter.
"Sorry miss pero ubos na po yung Braso de Mercedes, inorder na po lahat ng isa naming costumer.”
“Imposible namang maubusan sila! And kung naubos talaga, sino namang yung baboy na yun na binili lahat ng Braso de Mercedes?” Sabi ko sa sarili ko.
"Aaah. Okay. Coffe latte nalang. Pakilagay nalang yung name ko, Jhine Irish Corpus."
Then I look everywhere. Pambihira ngayon pa napuno itong coffee shop na ito. Dapat pala hindi na mag-offer ng “buy one, take one” itong coffee shop. Napaghahalata yung mga taong sabik sa mga offer na ganyan! Hahaha!
Ayun may upuan din pero may nakaupo na, pero mag-isa niya lang naman.
Lumapit ako.
"Excuse me, may nakaupo na ba dito?" I asked him. Tumingin yung lalaki sa akin.
"A-ah. Wala." Nauutal niyang sabi.
Pangdalawang tao kasi yung table niya eh mag-isa niya lang, Wala namang masama makishare diba??? Ika nga nila “share a sit and gain friends”.
"Okay lang ba makishare?" Nakangiti kong sabi.
"O-okay." Then umupo na ako. Kinuha ko yung autograph ni Ajean at nilapag sa mesa.
Name: Jhine Irish Basobas Corpuz
Birthday: February 10, 1996
Age: 16
Year: Fourth Year High school
At ang dami pang kaek-ekan like address, motto, favorite saying, favorite author, book. Huhh?!? Dame alam eh!
Napatigil ako sa part ng “Who is your crush?”
"Wala naman ako crush eh." Bulong ko sa sarili ko. Then biglang nagring yung phone ko.
"Hello?"
"Ooy 4M, sorry if hindi kita naantay kanina." Sabi niya.
"Okay lang." I said in a sarcastic way.
"Para makabawi ako, punta ako sa bahay niyo mamaya, bilhan kita ng Braso de Mercedes, my treat."
"Huwaag na. Wala nang Braso de Mercedes. Ubos na. Kainis nga eh! Alam mo namang dito lang sa coffee shop na ito ang nagbebenta ng Braso de Mercedes na may matinong lasa. Sino kaya bumili ng napakadaming Braso de Mercedes. Sarap sapakin! By the way, ang hirap naman sagutan nung autograph mo. Wala naman kasi akong crush."
"Miss Jhine, Nandito na po yung coffee latte na inorder niyo po." Sigaw nung babae sa counter.
"Sige Ajean, mamaya nalang. Ready na order ko." Then I hang up the phone na.
Tumayo ako at pumunta sa counter. Kinuha ko yung order ko at bumalik sa upuan, pero pagbalik ko, wala na yung lalaki sa harap ko.
"Nasaan kaya yun?" Sabi ko sa sarili ko.
Luminga ako sa paligid, pero hindi ko nakita yung lalaki. Ambilis naman nun?! Umupo ako. Napatingin ako doon sa bagay na nasa harap ko na nakalapag sa mesa. NAGNININGNING NA BRASO DE MERCEDES!!! Waaaaaaah. Napatingin ako sa isang note na nakasulat sa tissue.
*~*~*~*~*~*~*~*~*
Sorry if binili ko lahat ng Braso de Mercedes, I love Braso de Mercedes kasi pero don’t worry pinagtira kita ng isang slice. :)
-Kurt
*~*~*~*~*~*~*~*~*
"Eeehh?" Pinagtira niya ako ng Braso de Mercedes? Ano ako? Tira tirang pagkain? At safe bayan? Baka naman may gayuma ito? O kaya may lason? Sino namang kakain ng isang pagkaing iniwan ng taong ngayon mo lang nakita? Depende nalang kung yung pagkain na yun ay paborito mo… Oww, -___- Pinapatamaan ko ba sarili ko?
Tumingin ako sa paligid pero hindi ko nakita yung lalaking yun. Sino kaya ito? Binasa ko ulit yung sinulat niya then napansin ko kung ano yung sinulat niya sa baba. KURT?! Yun na ba si Kurt?! Imposible naman! Ang panget ni Kurt tapos yun may mukha naman! And he don’t like Braso de Mercedes. Nasusuka nga daw siya kapag kumakain siya nun!
"Bahala na.” Sabay kuha ko dun sa tinidor at nagslice ng konti. "
Waaaaah. Ang sarap talaga."
Wala namang iba sa lasa. Baka napaparanoid lang ako. Atsaka hello? Libre na ito tatanggi ka pa ba? Wahahaha.
"Thank you kung sino ka man, Kurt." Bulong ko sa sarili ko.
Back to Ajean’s autograph, "Saan nga ba ako tumigil."
Hinanap ko kung saan ako huling nagsagot. Oh, may sagot na pala ako dun sa Who is your crush, next na yung First 10 things about your crush.
Waaaait. Ano daw? Teka? Hindi magprocess sa utak ko? Meron na akong sagot doon sa Who is your crush?
Binasa ko kung kaninong pangalan yung nakasulat.
Who is your crush: Kurt Ethan Posadas Sy
O__O
WHAT THE HELL?