After that night, hindi na nagparamdam sa akin si Ethan. Ni text o tawag wala. Kapag si Jairus naman tinatanong ko hindi niya din daw alam. Hindi naman daw kasi pumapasok si Ethan. Exactly three days na kaming walang communication. At dahil ang desperada kong girlfriend, nagpatulong ako kila Mommy at Daddy na icontact parents ni Ethan. Alam niyo yung hiyang hiya? AKO YUN. Imagine I’ve never been this desperate in my entire life. Natatawa nga sila Mommy at Daddy kasi ngayon lang daw nila ako nakitang ganito nag-aalala. So base sa pag-uusap ng parents ko at parents niya, nandun daw lang si Ethan sa bahay nila. Nagpahatid ako sa parents ko.
“Jhine anak, sorry kung hindi ka namin sinabihan ha? Tinakot kasi kami ni Ethan na kapag sinabi naming sayo lalayas siya eeh.” Sabi ng Mommy ni Ethan.
“Ano po bang nangyari?” Nag-aalala kong tanong.
“Kayo nalang mag-usap. Paturo mo nalang sa mga maids kong nasaan room ni Ethan. Magdinner lang kami ng parents mo. Okay? Bye, Jhine anak. See you later.” Then umalis na silang apat.
Pagkaakyat sa hagdan, liko sa kanan at yung pangatlong kwarto ang kwarto ni Ethan. Yan ang sabi nung maid nila. So sinunod ko naman.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang isang iika-ikang Ethan. May bandage ang ulo niya, nakasemento ang kanang kamay niya at ang dami niyang pasa.
“Ba-babes, anong ginagawa mo dito?” Nagtataka niyang tanong.
“Ang lakas ng loob mong tawagin akong babes! Ganyan ba ang relationship sayo, nagtatago ng mga bagay-bagay?” Maluha-luha kong sabi. Hindi na ako nagtataka kung anong nangyari sa kanya. Alam ko namang palaaway talaga siya eh. Tanggap ko na yun. Pero umaasa akong mabago sana yun.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “Sorry na. Alam ko kasing mag-aalala ka eeh kaya hindi ko sinabe. Hu-huwag ka na mag-alala. Okay?” Sabi ni Ethan.
“Nakakainis ka! Nakakainis ka!” Mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niyang yun.
“Yakapsul at kisspirin lang gamot dito babes.” Bigla niyang tinanggal yung pagkakayakap niya sakin at akmang hahalikan ako.
“At sinong…” Pinipingot ko siya.
“A-aray.”
“Sinong may sabi sayong bibigyan kita niyan?”
“Babes, ma-masakit. Tama na.” Sabi niya.
Tignan niyo na nga nangyari sakanya, kamanyakan pa din alam niya? Arghh. Inalalayan ko siya umupo sa kama niya at ginamot yung iba niyang sugat.
“Ano ba nangyare?” Tanong ko.
“Wala.” Pagkasabi na pagkasabi ni Ethan niyan tinignan ko siya ng death glare. As in death glare talaga. “Napaaway kasi ako dahil sayo.” Then he look away.
“Da-dahil sa akin? At bakit dahil sa akin?” Hello? Bakit naman siya mapapaaway ng dahil sa akin?
“Wala.” Sa inis ko sa sagot niya diniinan ko yung nilalagay kong ointment sa mga pasa niya. “Aray. Babes naman.”
“Sasabihin mo ba o hindi?”
“Ka-kasi ano.” Sabi niya.
“Ano?”
“Kasi niloloko ako nung mga yun na may nangyarenadawsaten…”
“Ha? Ano sabi mo? Hindi ko masyadong narinig eeeh. Ulitin mo.”