Five

279 16 0
                                    

"Nuod tayo ulit?" Tanong sa akin ni Ethan. 

"Sigeee." Then i smile at him.

"Ako na mamimili mamaya horror na naman piliin mo." Tumayo siya at lumapit sa tv. Habang namimili siya, tumayo rin ako at kumuha ng tsitserya sa kusina para may makain kami habang nanunuod. Dalawang malaking tsitseryang CLOVER!! Ang paborito kong tsitserya!

Pagkabalik ko, nakapili na siya ng papanuorin namin. Millionaire’s First Love ang pinili niya. Tawa nga ako ng tawa eh, imagine si Kurt Ethan Posadas Sy ganoong movie ang pinili?

Umupo ako ulit sa tabi niya at inakbayan niya ako.

“Ooh!” Binato ko sa kanya yung isang tsitserya. Binusan ko na yung tsitserya ko at dumukot ng ilang piraso at kinain ito.

“Papakainin mo ako neto? Paano kung may lason ito?!” Sabi niya.

Nilunok ko yung pagkain ko. “OA neto! Amina nga yan kung ayaw mo!!” Inagaw ko yung tsitserya sa kanya. Ang arte-arte neto! Anak mayaman kasi! 

 “Amina nga yan! Kakainin ko na yan para sayo!” Binawi niya yung pagkain.

Binuksan niya na yung tsitserya. Mukhang hindi siya mahilig kumain ng tsiserya kasi halatang hindi na niya alam yung gagawin niya. Natatawa tuloy ako habang pinapanuod siya. Dumukot siya ng ilang piraso at nginuya niya. And for sure, nasarapan siya.

“Anong lasa? Masarap ba?”

“Pwede na din!”

Habang nasa kalagitnaan na ng palabas, bigla siyang nagsalita. 

“Oi Jhine.” 

“Whahket(Bakit)?” Sabi ko habang ngumunguya ng pagkain. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tinitignan-tignan niya yung pangalan ng tsitserya at bigla siyang ngumiti. Huh? Anong problema neto.

“Sana ikaw nalang ang “C” at ako ang “R” sa CLOVER.”

“Bakit naman?” Tanong ko at binalik ko yung tingin ko sa tv.

“So there’s a LOVE between us.”

Napatingin ako sa kanya. “Ang corny mo! Manuod ka nalang.” Grabe ito makabanat ahh! Pero infairness, kinilig ako!

At bumalik yung atensyon naming sa pinapanuod namin. Natapos na yung movie. Ilang beses ko narinig si Ethan na nagsniff. Yung totoo naiiyak siya? I admit nakakaiyak yung movie lalo na yung part na willing siyang igive up yung inheritance niya para lang gumaling yung babae, siguro nagulat lang ako na nakita ko ang ganitong side ni Ethan. Nakakatuwa.

Napatingin ako sa wall clock. 6pm na pala.

"Prepare lang ako dinner naten." Tumayo ako at pumunta sa kusina.

Actually I’m not good at cooking kaya pinainit ko lang yung mga pagkaen sa ref.

Sinet ko na yung table at pumunta kay Ethan.

"Ethan. Kakain na." Tawag ko sa kanya pero hindi siya tumayo. Lumapit ako sa kanya. Nakakita ako ng anghel.

Ethan is sleeping. He is so cute. Ang pula ng lips, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha, ang haba ng pilikmata tapus yung bagsak niyang buhok na abot hanggang noo niya, grabee ang pogi nia.

Nakita ko na medyo may mga luha sa gilid ng mata niya.

“Ang iyakin mo naman Ethan.” Pinunasan ko yung mga luha niya. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya. Pinost ko yun agad sa instagram.

Ang description ko ay "the ocean looks calm :) Kurt Ethan posadas sy <3” Tinitigan ko yung picture na inupload ko, napangiti ako.

Wait, ano bang nangyayari sa akin? Napahawak ako sa dibdib ko dun sa tapat ng puso ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Then may something sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Ano ba ito?

Tumayo ako at pumunta sa room ko. Napatingin ako sa side table ko and I saw Ajean’s autograph. I turn the pages on the part which I already sign a few days ago, I saw Ethan's name on the part “Who is your crush”

"Crush ko ba talaga siya?" Napailing ako.

"Okay. Fine! Crush ko lang siya pero hindi pa naman siguro sa point na mahal ko na siya."

Napatingin ako sa susunod na part.

First 10 things about your crush:

"First 10 things about him? Meron bang 10 things akong alam about sa kanya?”

First 10 things about your crush:

1.     He loves Braso de Mercedes.

2.     He’s a little too forward.

3.     He’s a gentleman.

4.     He’s a certified blackmailer.

5.     He’s afraid of Horror Movies.

6.     He immediately fall sleep after he cries.

Sa ngayon yun lang muna. Hope na mapuno ko na ito para maibigay ko na kay Ajean. Lumapit ako sa lappy ko at nagfacebook nalang ako.

Ajean is in a relationship with Jairus

TENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon