“What the hell?” Tanong ko sa kanya.
“Ang cuuute mo kasi…” Tapos ngiti niya ulit.
“Kasi naman. Bakit hindi mo sinabing vinivideo mo pala ako? And Ethan, nakaPJ’s lang ako kanina. Nakakahiya!!” Sigaw ko kay Ethan.
“Ang dami nga may gusto oh, naka500+ likes agad. HAHAHAHAHA.” Tapos tawa na naman niya.
“Eee. Kainis ka talaga. Tapos ang description mo pa ganun?”
“Ano ba masama sa description na nilagay ko?”
“What the? Anong masama? Buti sana kung simpleng “Jhine Irish serenading me” tanggap ko pa ee yung description na “She got the looks, she got the voice and especially she got me. My babes looks so pretty even in her PJs! So gross!” Inis kong sabi sa kanya. Yeah right, you read it loud. Yan na yan description niya nung video ko habang kinakantahan siya. Waaaaaah. Ayoko na! Mamaya sabihin pa nila, naglilive-in na kami ni Ethan.
“Alam mo ba kung bakit ko ginawa yun?” Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.
“Ba-bakit?” Natataranta kong tanong sa kanya. Imagine naman kasi, siguro two inch nalang layo ng mukha niya sa mukha ko. Napahawak tuloy ako sa railings ng hagdan naming which is nasa likod ko.
“You really wanna know?” Lumapit pa siya sa akin.
“Ye-yes!” Linayo ko na naman yung mukha ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Waaaah. Ambango.
“So that everybody knows that you’re mine.” Then he wink. He left me standing like I’m about to fell on a cliff. “Ligo lang ako ha.” Diretso niya dun sa guest room namin. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Ano itong nararamdaman ko?” Umakyat ako sa room ko at tinignan ang video na inupload niya sa facebook. Nabasa ko mga comment sa video. Unlike sa Instagram ko, puro sila puri sa akin. Bakit ganun?
Afterwards I receive a text message from my mom, gagabihin daw sila ng uwi kaya pakainin ko na daw si Ethan dito sa bahay. Hindi ko na talaga maintindihan Mommy ko. Parang benebenta na ako kay Ethan? Nakakainis.
After reading that text message naring naman phone ko.
“4M, Nandito kami ni Jairus sa labas ng house mo. Open your door, NOW!” At binabaan na niya ako. Ang sarap batukan netong bestfriend ko ee. Makautos lang?
Bumaba ako at binuksan nga ang pintuan. Nandun nga si Jairus at Ajean.
“Ano ba yan 4M, kanina pa kami doorbell ng doorbell! Hindi mo ba naririnig?” Inis na sabi ni Ajean sabay hila kay Jairus at umupo sila sa sofa namin.
“Sana man lang kasi…” Hindi ko natapus yung sasabihin ko ng lumabas si Ethan galing sa guest room ng nakatopless. Omaaygaaaad!
“Babes, may kanina pa doorbell ng doorbell.” Labas niya sa guest room habang nagpupunas ng basang buhok.
O___O <<<< Ako
O___O <<<< Ajean
^____^ <<<< Jairus
“Tol.” Bati ni Jairus kay Ethan.
“Oh, anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Ethan kay Jairus. I can feel it na si Ajean ay stock up like me. Ang hooooot niya kasi tignan. Kairita! Busog na naman mata ni Ajean neto! Pero subukan niya lang agawin si Ethan! Teka, ano o ba siya?