After ng five minutes na parang biyaheng impyerno dahil sa bilis niya magpatakbo nakarating na din kami sa school nila. He removed my helmet and that jogging pants then kinaladkad ako sa loob.
"Waiit!" Napatigil siya sa pagkalakad sa akin. Tinanggal ko yung kamay ko, na kanina pa niya hawak-hawak. Chansing ka dong! -_- Masasapak ko talaga to pag may chance ako. "Sabihin mo nga muna sakin kung bakit tayo nandito."
"Mamaya na." Patuloy siya sa paglakad.
"Kung dahil dun sa Braso de Mercedes, babayaran ko nalang." Sigaw ko sa kanya.
"Ayoko ng pera." Sabay harap niya sa akin.
"A-ano gusto mo?"
"Ikaw." Hindi pa din siya umaalis sa kinatatayuan niya.
"Baliw ka na ba? Ayoko nga!" Grabee kinikilabutan na ako sa lalaking ito.
Natahimik siya saglit.
"Okay. Sinabi mo yan ah?" Tumalikod na siya at naglakad papalayo.
I’m about to say something pa pero biglang may humila sa akin.
"Hi Miss! Nawawala ka ata?" Sabi nung lalaking humila sakin. Sino na naman to? At anong karapatan niyang galawin ako?
Nagpumiglas ako para makawala sa pagkakakapit niya. "Ku-kuya hindi ako nawawala and may kasama ako. Baka magalit yun sa akin kapag bigla akong nawala." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Wala ka kayang kasama. Sige na sabay na tayong…" Napatigil yung lalaki sa pagsasalita dahil lumapit sa amin si Ethan.
"Anong ginagawa mo?" Seryosong tanong ni Ethan sa lalaking humila sa akin.
"Ku-Kurt? May nawawala kasing babae dito. Kilala mo ba siya?" Tanong nung lalaki kay Ethan.
Say yes. Ikaw kaya nagdala sa akin dito.
"Hindi." Akmang aalis na siya.
"Hoy Ethan! Dinala-dala mo ako dito tapos iiwan mo lang din ako?!"
"Hindi kaya." Sabay takip ng kamay sa bunganga ni Ethan. For sure, pinipigilan niya yung tawa niya.
Nagkatinginan naman kami nung lalakeng panget. Ngumiti siya. O___O EWW! PANGET NIYA TALAGA!
"Diego, tanungin mo nga yung babaeng yan kung kaanu-ano ko siya?" Sabay cross-arms niya.
"Kaanu-ano ka daw ni Kurt?" Tanong nung lalakeng panget sa akin.
Napaisip ako. Hindi ko alam kung ano kami ni Ethan. Hindi naman kami magkaklase, hindi din magkababata, ni hindi nga din kami magkakilala eh!
"A friend?" sagot ko.
"Hindi tayo magkaibigan. Oh, Diego wala kaming connection sa isa’t-isa kaya bahala ka na sa kanya…" Sabi ni Ethan. Dumaan siya sa akin at may binulong. "Kung hindi ka na kasi umayaw kanina. Good luck nalang sa inyo." Then he left me voiceless.
Ano ba naman Ethan! Ambabaw mo naman! Ayaw ko sa kanya pero mas ayaw ko naman sa lalaking to! Kahit papaano mas safe naman ako kay Ethan.
"Tara na Miss. Kain na tayo!" Hihilain niya na sana ako ng bigla akong napasigaw.