Napadaan ako dun sa coffe shop kung saan kami unang nagkita ni Ethan. Bumili ako ng isang buong Braso de Mercedes, remember favorite namin yun.
“Hi ate Jhine.” Bati nung counter girl.
“Hello. Isang buo nga. 2nd anniversary naming ngayon eh.” Sabi ko.
“Talaga po? Pakikumusta po ako kay kuya Kurt ha?” Sabi nung counter girl.
“I will.”
Pagkatapos kong kunin yung binili ko, bumalik na ako sa pagdradrive. Nadaanan ko yung mall na pinuntahan namin nila Ajean. Nakakatuwang balikan lahat ng mga magagandang memories namin ni babes. Graabeeee, two years na pala simula nung nakilala ko siya. Ilang minutes lang nakarating na ako sa meeting place namin.
“Ang hangin naman ngayon babes, naililipad yung palda ko.” Sabay hawak ko sa palda ko. “Naiwan ko pala sa kotse yung jogging pants na binigay mo sa akin. Sorry.” Lumapit pa ako husto sa kanya. “Pero useless lang kung dadalhin ko. Hindi mo naman na ako maisasakay sa motorbike mo. Hehehe! I miss you so much babes! Happy 2nd anniversary babes!” Abot hanggang tenga ang ngiti na ipinakita ko sa kanya.
“Alam mo babes, nagkakamalabuan na si Ajean at Jairus! Pagsabihan mo nga sila!” Sabi ko sa kanya.
“Muntik ko ng nakalimutan, I brought our favorite.” Nilapag ko yung dala kung Braso de Mercedes. “I bring you some flowers also.” Nilapag ko sa tabi nung Braso de Mercedes yung flowers. Sumalampak ako sa damuhan at pinunasan yung lapida ng puntod ni Ethan.
“I miss you so much babes.” May mga luhang pumatak galing sa mata ko. “Nakakainis naman babes eh, umiiyak pa rin ako tuwing naaalala ko yung gabing yun.” Pinunasan ko mga luha ko at ngumiti.
“Pero babes, salamat sa lahat. Alam kong kaya mo pinapakuha yung jewelry box upang lumipat ako sa likod kasi alam mong sira na yung break ng kotse mo. Salamat kasi hanggang sa huli ako pa rin inaalala mo, kahit na nawala yung paningin ko dahil sa aksidente, binigayan mo pa rin ako ng panibagong mga mata. Babes, nahatulan na ng lifetime na pagkakakulong yung mga nagsira nung break, yung matabang panget na lalaki tapos yung mga kasamahan niya. Salamat sa mga warnings na sinabe mo, yung sinabe mong gusto mung ipafinger print buong sasakyan mo that time. Salamat kasi hanggang sa huli, hindi mo hinayaang walang managot sa nangyari sayo. Kung wala sigurong nanagot sa mga nangyare sayo, baka halos nababaliw pa ako ngayon. Unang kita ko palang sa baboy na itim na yun alam kung wala na siyang magandang gagawin eh. Iliston ko kaya siya babes? Pwede? Hihi. Babes, kung andito ka ngayon please magparamdam ka naman oh.”
After kong sabihin yun, biglang humangin ng sobrang lakas. Yung hangin na hindi malamig tulad ng hangin pagdating ko dito, hangin na mainit. Para bang my yumayakap sa akin. “Babes, don’t worry iingatan ko sila Mommy at Daddy mo. Pahinga ka lang ha? Hintayin mo ako diyan. Malapit na tayong magsasama ulit. Yung sintas mo babes…”