KURT ETHAN’S POV
“Ethan Babes! Sorry late ako, ang hirap kumuha ng taxi eh.” Sigaw niya pagkabukas ng pintuan ng coffee shop. Mabuti wala pang masyadong tao dito kasi kung hindi kahihiyan yung ginawa niya.
“Sabi kasi sayo sunduin na kita. Ang tigas ng ulo mo.” Sabi ko. NIyakap ko siya at inalalayan siya na umupo. Umupo naman ako na kaharap ko siya.
“Kasi babes, makikita mo gift ko sayo.” Paliwanag niya.
“Sandali nga, ayan na naman kayo eh. Magbabangayan tapos isang I love you lang, okay na. Mga ewan.” Biglang lumapit sa amin si Ajean kasama si Jairus. Umupo si Ajean sa tabi ni Jhine at si Jairus naman sa tabi ko. De bale, naghaharapan kami.
“You, para kang sira. Ganun din naman tayo eh.” Sabi ni Jairos kay Ajean.
“HAHAHA. Oo nga pala you…”
“PDA!!!” sigaw ni Jhine, paano ba naman akmang magkikiss sila. Halla! Hindi na sila mahiya.
“Parang hindi din naman kayo ganun ni Kurt! Nga pala, Jhine bakit Ethan tawag mo kay Kurt?” Tanong ni Jairus kay Ajean. Oo nga, ang tagal tagal na namin ni Jhine pero ni minsan hindi niya ako tinawag sa pangalan kong Kurt.
Bago pa magsalita si Jhine ay inunahan na siya ni Ajean. “Kasi, Kurt yung pangalan ng ex-boyfriend ni Jhine kaya ayaw niyang tawaging Kurt si Ethan.” Napatingin kaming lahat sa kanya. Yung feeling na gusto ng itahi ni Jhine yung bibig ni Ajean dahil sa kadaldalan.
“So that’s it?” Tingin ko kay babes.
“Ye-yes babes.” Sabi ni Jhine sa akin.
“Oooops. Order lang kami ni Jairus ha?” Then kinaladkad ni Ajean si Jairus at umalis sila sa table namin.
“Galit ka ba?” Tanong ni Jhine.
“Nope.” Sabi ko.
“Yung totoo?”
“Medyo piss off lang.”
“Sorry na if hindi ko nasabi. Nung una nga tayong nagkita tapos nag-iwan ka ng Braso de Mercedes sa table, akala ko si Kurt yung nagbigay kaso naisip ko na hindi yun gusto Kurt. And ang ala…” Hindi niya natapos yung sasabihin niya.
“Oh bakit ka tumigil?” Tanung ko sa kanya. Pero alam ko naman kung bakit siya tumigil eh. Tinignan ko lang naman siya ng masama. Hahaha. Mukha kasing nag-eenjoy na siyang ikwento yung ex niya.
“Sa comfort room lang ako.” Sabi ni Jhine. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makapasok siya sa comfort room. Sumunod ako sa comfort room at tumayo lang sa labas.
“Nakakainis! Bakit kasi hindi ko siya matawag na Kurt?” Sigaw ni Jhine. Alam ko siya yun kasi isa lang naman po kayang iacomodate nitong comfort room ng café na ito.
“Simpleng Kurt lang Jhine! Para kang tanga!” Sigaw niya uli.
“Ku-ku-ku-kutsilyo. Ku-ku-mot.” Kala ko masasabi na niya pero hindi pa din pala. Natatawa ako kasi parang tanga siya sa loob siguro.