“Who the hell is Jairus?” Clinick ko yung name nung Jairus and found out that its Jairus, Ethan’s bestfriend. I check if online si Ajean pero hindi.
Inadd ko si Jairus then after ilang minutes, inaccept na niya agad. I immediately look for his name on my chat box then hooray, found it and he’s online.
Jhine: HOOOOOYYYY!!!!
Jairus: Jhine?
Jhine: OO.
Jairus: Yung gf ni Kurt?
Jhine: May iba ka pa bang Jhine na kilala?
Jairus: Hahahahaha. Oh, bakit?
Jhine: Bakit in a relationship kayo ni Ajean?
Jairus: Kilala mo siya?
Jhine: Hell yes, she is my bestfriend.
Jairus: O_O
Jhine: Sagoot!
Jairus: Hindi ba ako nababanggit ni Ajean sayo?
Jhine: Hell no! Umayos ka! Mahal mo ba bestfriend ko?
Jairus: OO NAMAN! Liligawan ko ba yun kung hindi? Bakit mukha ba kong manloloko?
Jhine: OO. Mukha kang babaero.
Jairus: Ouch! :(
Jhine: Pag ikaw sinaktan mo bestfriend ko, lagot ka sa akin.
Jairus: Hindi ko yun sasaktan. Hindi mo lang ba itatanong kung paano naging kami? Kung kelan?
Jhine: Kay Ajean ko na itatanong hindi ako naniniwala sayo.
Jairus: Grabee ka. Ganyan ka pala kasama magsalita.
Jhine: HAHAHAHAHAHA. Nahawa lang ata ako kay Ethan. :D
Jairus: Speaking of Ethan, I heard may nagpost daw ng pic niyang natutulog aa.
Jhine: Kanino mo naman nalaman yan?
Jairus: Tinawagan ako ng mga barkada namin. Hinahanap ko nga ngayon sa facebook eh.
Jhine: Sa Instagram yun.
Jairus: Paano mo nalaman? Nakita mo na?
Jhine: Nakita ko na, ako kumuha nun ee. HAHAHAHAHAHA
Jairus: O_O Magkasama kayo ni Kurt?
Jhine: OO. Bakit?
Jairus: Naks. Sige pala, nakakaistorbo na ata ako. Dumadamoves na si Kurt ah! Gragraduate na siya sa Torpe Academy. YEHEY!
Then he sign out. Torpe Academy? Anoooo daw? At dahil nalilito ako sa lahat ng nangyayare I dial Ajean’s number.
“Hello?” Sagot niya.
“Hoy babae. Bakit kayo in a relationship ni Jairus?” Tanong ko.
“Ahh. Yun ba-aa?”
“Ohh my! So it’s true. Bakit hindi ka man lang nagsasabi sakin 4M?”
“Babes! Bakit hindi mo ako ginising? Kain na tayo. Anong oras na oh.” Sigaw ni Ethan sabay bukas nung pinto ng kwarto ko.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba uso sa inyo ang pinto at kumatok.” Pagsusungit ko sa kanya. Kakaloka itong lalaking to, hindi marunong kumatok.
“Sino kausap mo? Lalake? Niloloko mo ako?” Tuloy tuloy na tanong ni Ethan sakin.
“HAHAHAHAHAHA. LUL mo Ethan.” Then I laugh so hard. Baliw na lalaki to aa.
“Loving Me Last? Ang sweet mo naman babes. I’ll wait you downstairs.” Sabi ni Ethan then umalis na siya.
“Ano daw? Loving him Last? LUL kaya sinabi ko? Ano ba gets niya sa LUL?” Sabi ko.
“Baka naman kasi ang nagets niya ee Loving U Last. HAHAHA!” Natatawang sabi ni Ajean sa otherline.
“Tatawa tawa ka diyan. Marami kang hindi kinuwento sakin ha?” Galit na sabi ko kay Ajean.
“HAHAHAHAHA. Ako lang ba hindi nagkwekwento 4M? Bakit kayo magkasama ni Kurt ngayon? Bakit ka nagpost ng picture ni Kurt sa Instagram mo?” Sunod sunod na tanong ni Ajean. Maygawd!! She cornered me. -_-
“HAHAHAHAHA. Talk you later 4M, kakaen na kami. Bye!” Then I hang up the phone na at nagmadaling bumaba. Hindi ko alam sasabihin ko kay Ajean kaya binaba ko na.
Pagkababa ko, nandoon na sa dinning table ang gwapong gwapong si Ethan. Kalerki naman itong lalaking to. Kumain kaming dalawa na tawa ng tawa. Biro mo ba naman ang dami niyang kwento like nung minsan daw hinatid nila Jairus si Ajean nahulog daw si Jairus sa kanal. Kainis! Magkakakilala na pala silang tatlo. Hindi na nga siya nagtaka nung binalita kung “in a relationship” silang dalawa. Mas magtaka daw siya kung hindi naging sila. Kwento pa nga ni Ethan na ngayon lang daw niya nakita si Jairus na ganyan ka pursige sa isang babae. Never daw kasi ginawa ni Jairus maghatid sundo sa isang babae. Ang nakakaflattered nga at sobrang natawa ako ay ayaw daw papuntahin ni Ajean si Jairus sa school. Siguro inisip ni Ajean na pag-uusapan sila ng mga student kapag nakita sila. Haaay. Ibig sabihin nun, hindi talaga importante sa bestfriend ko ang fame. Buti pa si 4m may lovelife na.
Natulog ako na ang gaan ng pakiramdam. Hindi kami tabi ni Ethan ha. Dun siya sa guest room.