Sino nagsulat neto? Wait. Kurt Ethan? Tapus yung name nung nag-iwan ng Braso de Mercedes eh si Kurt? Iisa lang kaya sila? Waaaaah. Kakakilabot naman siya. At ang kapal naman ng mukha niya para magsulat dito.
Pinabalot ko yung Braso de Mercedes at yung coffee latte ko at umuwi na. Kinabukasan, dahil ang tagal dumating nung Professor namin, napapaisip pa din ako sa mga nangyari kahapon.
"Ajean, may kilala ka bang Kurt Ethan Posadas Sy?"
Nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi mo siya kilala?"
"Hindi ee. Sinearch ko siya kagabi sa facebook pero laging “no search found”."
"Si Kurt Ethan Posadas Sy lang naman ang guitarist ng bandang CASE, nag-aaral siya sa Posadas Academy na pagmamay-ari ng kaniyang magulang. Only son siya kaya lahat ng gusto niya, nasusunod. Palaaway daw siya ang pagkakarinig ko. Laging siya ang laman ng principal’s office. Sobra siyang kinatatakutan kasi kung galit siya, wala siyang pakialam kahit mapatay ka niya. Sobrang patapon buhay niya pero huwag ka…" Pahintong sabi ni Ajean.
"Pero ano?" Naaatat kong tanong.
"Pero sobrang hot niya. As in define hooooot!" Kinikilig na sabi ni Ajean. Basta kapag lalaki ang pag-uusapan malakas ang enerhiya nitong si Ajean.
"Eehh?"
"Wait lang. Bakit mo ba tinatanong?"
"Aaa. Wala. Narinig ko lang kasi name niya." Okay I lied. Sana hindi humaba ilong ko! Ayokong malaman niya na connected ako sa ganong tao no!
Hindi pa din ako matahimik dahil sa nalaman ko. Kakatakot pala siya! Pero sa pagkakatanda ko sa itsura niya, hindi mo masasabi na ganun pala ang ugali niya.
Last period na namin bago maglunch break. Nagulat kami ng biglang nagbukas yung pinto.
"Dito ba home room ni Jhine Irish Basobas Corpuz?" Sabi nung isang lalaki.
Teka?? Namumukhaan ko siya?
"Anong ginagawa mo dito Mr. Sy?!” Sigaw nung Professor namin. Sabi na nga! Pamilyar yung mukha niya kasi siya yung lalaki kahapon sa coffee shop! Waaaah! Bakit niya ako hinahanap?!
Hindi niya pinansin yung sinabi ng Professor at linga ng linga siya sa loob ng room. Samantalang ako ay pilit na nagtatago sa likod ni Ajean.
"Gotcha." Unti-unti siyang lumapit sakin.
"K-kelangan mo?" Nanginginig kong sabi.
"I need to talk to you. Just the two of us. Hintayin kita sa labas ng room mo."
“Teka lang! Nagkaklase pa kami oh!”
Tumingin siya sa akin at lumapit kay Professor. “Mind if she can go out Sir.”
“S-sure!” Sabi nung professor namin. Siguro nasa state of shock din siya katulad ko---naming magkakaklase. He leave the room with a total silence and all of them are looking at me. I grabbed my things and I stood up immediately. Sa tingin ko sasabog na yug puso ko sa sobrang kaba.
“Let’s go!” Sabi niya pagkalabas ko ng room.
“Wait! Saan mo ba ako dadalhin? Akala ko ba may pag-uusapan lang tayo?”
“I just want to be with you. Tara lunch na tayo.”
“Inexcuse mo ako sa klase ko para lang makipaglunch sayo? Kung wala kang importanteng sasabihin, papasok nalang ako dahil sinasayang mo lang ang oras ko.”
“Para saan pa eh excuse ka na diba? Sasama ka sakin sa ayaw o gusto mo.” Hinila nalang niya ako na para bang isang maleta. Rinig na rinig ko naman mga bulung-bulungan ng mga estudyante. Kaloka! Para silang mga bubuyog.
Lumubas kami ng school at pumunta sa parking lot.
"Sakay!" Sabi niya sabay bato niya sa akin nung helmet.
“Saan mo ba ako dadalhin ah?” Napacross-arms ako.
“Kakain nga tayo! Wala ka bang tiwala sa ganitong kagwapo?”
"Ewan sayo!” Pero totoo. Gwapo naman din siya. Pero hindi naman yun ang kinakatakot ko. Yung pagdedescribe ni Ajean sa kanya. Baka hindi na ako makauwi ng buhay kung hindi ako sumunod sa kanya.
“Sakay na! Kung ayaw mong magwala ako dito.”
“Dito?" Pointing the big bike on my front.
"Oo." Sasakay na sana ako ng bigla niyang kinuha yung paper bag na nakasabit sa motor niya.
"Sandali! Isuot mo muna yan." Tinignan ko yung laman.
"Jogging pants?"
"Oo. Baka nakakalimutan mo na nakapalda ka? Dali isuot muna."
"Oo na! Sandali lang!" Wow. Gentleman naman pala kahit papano. I’m about to leave na ng bigla niya akong hinila.
"Where are you going?" Tanong ni Ethan sakin.
"Isusuot eto." Referring to the jogging pants.
"Dito mo isuot."
"Huh? Saan? Paano?" Nagtaka kong tanong.
"May ka-engot ka din pala noh?" Kinuha niya yung paper bag at nilabas yung jogging pants. Sinuot niya sa akin, sige ako na ang tanga. Yung jogging pants na dala nia pala ay de butones sa gilid. Epal na jogging pants.
"Ayan tapos na." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Upakan kaya kita!" Sabi ko.
"Wala. Sabi ko, tara na at gutom na ako." Then pagkasakay na pagkasakay ko ay pinaharurot na niya yung motor niya. Napahawak tuloy ako sa katawan niya. Omaygad! ABS! XD