Four

323 14 0
                                    

Hanggang pag-uwi ko space out pa din ako. Halos hindi naman ako nakatulog kakaisip kung totoo ba itong mga nangyayari. Tinalokbong ko yung kumot sa mukha ko, pinilit kong matulog. Pag-alis ko ng kumot sa mukha ko ay sumisikat na yung araw.

Yung totoo, nakatulog ba ako? Parang hindi ata.

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen. Naabutan kong nagluluto si Mommy samantalang si Daddy nagbabasa ng newspaper.

“Good morning ganda!!” Bati sa akin ni Mommy. “Ang aga mo namang nagising. Akala ko hindi mo na kami maaabutan.” Sabi niya.

"Bakit po? Saan kayo pupunta?"

"May reunion kasi kami ng mga barkada namin ni Mommy mo, eh sa Batangas yun. Two days and one night.” Sagot ni Daddy.

"Pwede bang sumama?"

"Anak, mabobored ka lang dun. Atsaka ang pagkakaalam ko, bawal magsama dun." Pagpapaliwanag ni Mommy. 

"Okay."

"Madami akong biniling pagkain at luto na yung iba. Ganda, bahala ka na magpainit ng gusto mong pagkain. Nandiyan lahat sa ref." Sabi ni Mommy.

"Opo." At ayun nga inayos na nila lahat ng dadalhin nila. Hindi man lang ba sila nag-aalala sa akin? Hello, kababae kong tao tapos nag-iisa nila akong anak!

Andito ako sa labas ng bahay, tinitignan ang sasakyan namin na unti unting lumiliit. 

"Haay." Napabuntong hininga nalang ako pagpasok ko sa loob. 8:30 palang naman eh.

Humiga ako sa sofa at natulog nalang ulit. Naalimpungatan nalang ako ng narinig kung may nagdodorbell.

"Ano ba yan. Ang ingay naman nun." Napatayo ako at pumunta sa pinto.

"Ano pong kailangan niyo?" Medyo inaantok kung sabi.

"Thank God your safe." Then niyakap niya ako

"E-ethan? Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.

Grabe ka matulog talaga noh? Mantikang mantika! Ilang oras na ako ngdodoorbell! TotoongasabingMommymo." Inalis niya na pagkakayakap niya sakin.

"Ha? Ano sabi mo? Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya. Paano ba naman kasi parang kinakain niya yung huling sinabi niya.

"12 o’clock na kaya." Sabay pasok niya sa bahay namin at lapag nung bag na dala niya at umupo siya sa sofa.

"Bakit ka pumasok? Sino nagsabing..."  Tanong ko kay Ethan nang biglang nagring yung telephone namin.

Ring....Ring....

"Hello?" Pagkasagot ko ng telepono.

"Anak, kumusta ka na diyan? Kumain ka na ba?" Oh, si Mommy pala. Linoud speaker ko yung telephone para marinig ni Ethan na Mommy ko yung kausap ko at tumahimik.

"I’m..." Hindi ko pa natapos yung sasabihin ko ng biglang may nahulog.

BOOOOGSHHH. Tinignan ko kung saan galing yung tunog. Sa kitchen ako napunta. Nakita ko naman si Ethan na pinupulot yung basag na plato. 

"Irish. Anong nangyari? Ano yung ingay na yun?" Nag-aalalang tanong niya.

"A-ah wala po Mommy." Nagsasign language ako para tumahimik si Ethan, samantalang siya natatawa pa sa akin. Timang neto. 

TENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon