AN: So... I'm editing this. I'll be deleting all emoticons and stuff, and then, I think I just made this story better than it was before. :)
Para sayo, Mr. Procrastinator. Wag daw akong tumigil magsulat. (He's very inspirational.)
Btw, those with stars are already fixed. :)
---------
A Written Love Story
"Fate doesn't always decide who you'll end up with."
Originally Written By: Riezee de la Cruz (So my true name goes here.)
Original Composition Written On/For: 30 December 2010, High School Publication
On Wattpad: 2011
All rights reserved.
---------
P R O L O G U E
"Just in time, he opened the door, and he saw her there… The end. Aww. Ganda talaga ng story!"
Hi! Laurren Andrea Martinez nga pala. Mahilig akong magbasa ng mga libro. Nagsimula ‘to nung high school ako. Meron akong nakahiligang libro na parang tinawag yung pansin ko sa isang bookstore isang hapon noon. Sa totoo lang, naiintriga ako sa pangalan ng author. Lyx Saccharine daw. Bagong pangalan. For the Hundredth Time naman ang pamagat.
Binasa ko yung tagline. “Fate doesn’t decide who you’ll end up with.” Woah! Ang deep. De, joke lang. Medyo napa-‘di nga?’ ako, kasi naniniwala ako sa destiny. Nung tinignan ko yung back cover, yun parin yung nakalagay. Tapos may kaunting deskripsyon na parang pinupunto nito na yung kwento ay tungkol sa isang manunulat at isang dakilang mambabasa. Hindi naman big deal, pero, alam mo yun? Medyo uso na kasi nun yung mga ganung kwento. Ibinalik ko uli yung tingin ko sa harapan. Ang ganda talaga ng cover. Nakaka-excite din yung tagline. Binalik ko sa likod. Presyo: P315. Foreign writer. At dahil sobra-sobra ang nararamdaman kong pagkamangha sa libro na ‘to, binili ko.
Makailang beses ko nang nabasa ‘tong libro na ‘to pero hindi ako nagsasawa. Hindi ko alam kung bakit, pero parang attached na attached ako dito. Feeling ko nga ang lapit-lapit lang sakin ni Saccharine. Pero, imposible kasi nga foreign. Ano bang iniisip ko? Laurren, umayos ka nga.
Nahilig ako sa mga kwento ni Saccharine. As in lahat ng naisulat niya, kinokolekta ko. Fina-follow ko siya sa lahat ng social networking sites na meron siya para updated ako sa mga libro niya. Siguro nga, obsessed na ko. Pero magaganda naman kasi ang mga kwento niya. Mukha siyang cliché, pero may kakaibang mga twist. Pero, hanggang ngayon, isa sa mga dahilan ng pagbili ko ng libro niya ay ang pagka-intriga ko sa pangalan ng author na yun. Ang dami-dami ko nang libro niya, pero ni isa dun, wala siyang Author’s Profile. Kahit yung dahilan lang kung bakit yun yung pen name niya, please.
Pero malalaman ko din yun. Alam kong malalaman ko din kung ano ang ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
A Written Love Story -- For the Hundredth Time
Roman pour Adolescents[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011