CHAPTER 4

666 21 0
                                    


RONNIE's POV

Medyo masakit pa yong ulo ko. Nakita ko si Nikko galing sa labas. Nakangiti.

Ronnie: Ang saya natin bro ha!
Nikko: Wala. Haha!
Ronnie: Magbihis ka na. Aalis daw tayo. Nagyaya kasi sila.
Nikko: Sige bro. Sandali lang.

Pumasok naman agad siya. Pero 30 minutos na ang lumipas hindi pa sya lumalabas.

Jon: Ang tagal naman Nikko. Mag tatanghali na.
Paulo: Baka nakatulog yon.
McCoy: Parang babae kung mag ayos!

Ilang sandali pa ay narinig namin ang sigaw ni Nikko.

"WAAAAH!" 😨

Jon: Oh ano yun?
Ronnie: Si Nikko yun ah . Tara check natin.
McCoy: (knocking the door) Nikko? Anong nangyare sayo dyan?
Nikko: (Binuksan yung pinto) Bro? May ipis sa kabinet ko.
Jon: IPIS? Taengna! Ipis lang?
Paulo: Nahawa kana ata kay McCoy. HAHA!
Ronnie: Tara na nga.

Naglibot libot lang kami sa mga bayan bayan. Sa iba't ibang lugar pasyalan at tourist spot nila dito Nagsaya lang kami buong araw. Pag uwi namin ay nagsiunahan sa pagpasok sa loob ng bahay. Napagod ata sa Roadtrip namin ngayun. Kailangan ko pa ipark yung sasakyan. Di naman masyadong madilim kasi full moon .

Pagkatapos ay papasok na sana ako nang makita ko yong babae sa labas ng gate. Kaya linapitan ko. Siya yong babae kagabi, pero iba na yung sout nya.

Ronnie: Excuse me Miss, may kailangan ka?

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin.

Ronnie: Miss? Ang sabi ko may kailangan ka ba ? Gabi na kasi ?

Para lang akong tanga, hindi pa rin siya sumasagot. May topak ba tong babaeng to? Ang ganda pa naman nya. Matangkad. Maputi. Sexy. Mahaba ang buhok. Pero mukhang may sayad sa utak.

Ronnie: Miss? Matutunaw na ako sa kakatitig mo nyan. Takas ka ba sa mental? O sadyang maluwag lang ang turnilyo nang utak mo?

Hindi parin sya kumikibo. Pero di na sya nakatitig sakin. Nakatingin na siya sa bahay.

Ronnie: Ewan ko sayo miss. Baliw!

Tinalikuran ko nalang siya, at hahakbang na ko papasok nang bahay ng bigla siyang nagsalita.

Babae: Mas baliw ka!

Napatingin ako sa kanya. Unti unti syang naglakad palapit sa akin. I don't know how to explain the feeling. Parang may kakaiba akong nararamdaman. Nanlalamig ako. Hindi ko namalayan na nakalagpas na pala siya sa kin. Nasa harap na sya ng pintuan.

OH MY SOUL MATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon