CHAPTER 7

517 20 0
                                    


RONNIE's POV

Hindi ko alam kung ano tong nararamdam ko. Parang masaya akong kasama si Eliz kahit minsan nakakainis sya. Wait? Wala ata sya ngayon. Di ko sya nakita buong araw. Himala!

Jon: Oyyy.. May namimiss..
Ronnie: Nang aasar ka ba? Wala noh.
Nikko: Namimiss mo yung babaeng yon? Oo nga naman nakakamiss talaga syang kasama... aray!
(Hinampas ko sya nang unan. Kung anu-ano kasi sinasabi)
Paulo: Wag mong sabihin may gusto kana don Ronnie?
Jon: Eh one week palang natin yung kasama, agad agad?
Nikko: Hindi nyo rin masisisi si Ronnie, sa ganda at bait non. Naks!
Ronnie: Tumahimik nga kayo.
Paulo: Kilala ka namin bro, ganyan na ganyan ka din kay Sabrina non eh.
Ronnie: HINDI.
McCoy: Galit? Kayo kasi eh.

Tumayo na ako at iniwan sila. Di ko na sila pinakinggan. Pumunta ako sa bakuran para magpa hangin. Pinaalala na naman nila sa akin si Sabrina. Masaya na yon kasama si Ryle.

"Aaah! Bwesit. Puta! Naalala ko na naman sila!"

Napasigaw at napamura nalang ako. Sa tuwing naalala ko sila , nabwebwesit yung araw ko.

Eliz: Sinong sila?
Ronnie: Puta! Ano ba sumusulpot ka nalang bigla.
Eliz: Mukhang malungkot ka ata?
Ronnie: Wala ka nang paki alam don.
Eliz: Sige ka, mumoltuhin ka nyan!
Ronnie: Tumahimik ka nga . Kairita!
Eliz: Nakakairita din yung mukha mo. Mas nakakagaan sa loob kapag may napagsasabihan ka ng nasa dyan.. (tinuro nya yung dibdib ko)

Nakapabuntong-hining­a nalang ako. Tama naman siya. Lage ko nalang tinatago yong nararamdaman ko. Lagi ko nalang kinikimkim yung sama ng loob.

Ronnie: Si Sabrina at Ryle.
Eliz: Anong meron ?
Ronnie: Ex-girlfriend ko si Sabrina.
Eliz: Tapos?
Ronnie: Atat lang?.. Siya lang yong taong nakakaintindi sa akin at nagpapasensya sa akin. Akala ko magiging masaya na kami, akala ko non siya na yung babae para sa akin. Maganda, mabait, yung di makabasag pinggan ang ugali, pero kahit gaano mo pa kadalas kasama yung tao, di mo parin pala siya lubusang kilala noh.,after a year bigla siyang nag iba, yung pakikitungo niya sa akin, iba na. Nakipag break up siya sa akin na malabo ang dahilan nya, iniwan niya ako na walang kwentang rason, nasaktan talaga ako non kasi mahal na mahal ko sya..... *sob!sob! *( umiiyak na ako, ang bakla mo Ronnie)... lumipas ang 2 araw nakita ko siyang lumalabas kasama si Ryle, lagi ko silang nakikitang magkasama. Nalaman ko nalang na umalis na din pala sila ng bansa..
Eliz: Sino si Ryle?
Ronnie: Ryle? My step brother. Di ba sakit non?
Eliz: Yun lang?
Ronnie: Ang sakit sakit kaya non. Para nga gusto ko nalang mamatay.
Eliz: Buti na lang di mo tinuloy.
Ronnie: Huh?
Eliz: Nasaktan ka na sa ganun lang? Magpapakamatay ka dahil lang don? Marami nga diyan gustong mabuhay, tapos ikaw sasayangin mo lang buhay mo sa walang ka kwenta kwentang bagay? Di mo nga alam yung pinagdada anan ng ibang tao. Buti nga, yan lang nangyari sayo. May pagkakataon ka pa na makatagpo ng iba.
Ronnie: Akala ko pa naman maiintindihan mo ko.
Eliz: Naiintindihan naman kita. I admire you for being that strong, for fighting the pain. Buti ka pa nga nakayanan mo.

Di ko talaga siya ma gets. Siya ang di ko maintindihan. Lagi nalang sya may pinaghuhugutan. Pag tinanong mo naman ayaw naman sumagot.

Eliz: Tama na yan! Baka bumaha pa dito.. (Linapitan nya ako and she wipes my tears)

Pagkatapos non umalis na siya. Pumasok narin ako. Nakahiga ako habang nakatingin sa kisame. Hindi matanggal sa isip ko si Eliz. Yung mga salita niya. Bumabagabag talaga siya. Ano ba talaga ang meron sayo.

"Ryle Calling...."

Ano naman ang kailangan nito? Nabwebwesit talaga ako sa kanya. Tanggap ko naman siya bilang kapatid noon, pero hindi ko maintindihan kung bakit nya nagawa sa akin yon.

"Ryle Calling...."

Ronnie: ANO?
(Ryle: I'm just calling you bro..)
Ronnie: Don't call me bro
(Ryle: Ok... just to inform you that we decided to be at the Philippines...)

Hindi ko na siya pinagpatuloy sa sasabihin nya. Alam ko naman yon. Ayokong marinig siya At ayoko kong makita siya. -_-

Umaga na naman. Nasaan kaya sila? Kasi walang tao sa paligid. Hinanap ko sila pero di ko makita. Pumunta ako sa dining room para kumain, may sulat na nakapatong sa lamesa.

" Ronnie, may pinuntahan lang kami babalik kami agad"

Walangya! Di man lang ako sinama. Ano naman gagawin ko dito? Tsk!

Nakita ko na may nakasabit na gitara sa pader , ang gandang gitara naman nito, although may old piano naman pero mas gusto ko mag gitara. Naupo ako sa bakuran habang nag play play ng gitara... di rin mapigilan kumanta.

"Close your eyes, dry your tears............. you'll be...safe here" (you'll be safe here..)

Natigil naman ako ng may sumabay sa kanta. Eliz?

Ronnie: Eliz? Kanina ka pa dyan?
Eliz: Marunong ka pala mag gitara. I like your voice too.
Ronnie: Di naman gaano.
Eliz: Sige na ituloy mo yung kanta.
Ronnie: Wag na nahiya na ako.
Eliz: Sus. Nahiya ka pa!

Itinuloy ko naman yung kanta at sumabay din siya sa pag awit. Ang ganda ng boses nya yung parang magleleather jacket ka sa sobrang lamig.

Ronnie: Maganda din pala boses mo.
Eliz: Salamat.

---------- to be continue....

OH MY SOUL MATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon