CHAPTER 6

556 20 0
                                    

RONNIE's POV

Fast Forward...

Isang linggo na pala kami dito. Ganun pa din. Madalas na nandito si Eliz. Wala naman syang ibang ginagawa kundi mag libot libot lang tapos manggugulat. Di narin namin pinakikialaman, di naman nakikinig. Tsk!

Eh eto na naman siya ngayon, ang aga aga nangbubulabog. Humiga sya sa higaan ko na parang feel na feel naman nya. Ako? Well nagkakamali kayo sa mga iniisip nyo.. nasa mini sofa ako naka upo habang pinagmamasdan sya. Parang pinaghalong saya at lungkot yung expression ng mukha nya.

Ronnie: Bumangon ka nga jan!
Eliz: Pano kung ayaw ko?
Ronnie: Pasaway ka talaga. Pasyal nalang tayo sa labas.
Eliz: Ayoko!

Ganun talaga siya lagi namin siya inaayang lumabas ayaw naman nya, kaya minsan yung mga barkada ko nalang ang lumalabas. Ako? Eto laging naiiwan kasi andito ang asungot na babaeng to.

Ronnie: Ba't ayaw mong lumabas?
Eliz: I don't feel it.
Ronnie: Eh kung ayaw mo, umuwi ka nalang. Kasi ako gusto ko nang lumabas.
Eliz: Then Go out!
Ronnie: Paano? Eh andito ka?
Eliz: Bakit ? Dala dala ko ba sapatos mo?
Ronnie: Apo ka pala ni Confucius noh.
Eliz: ^_^

Sinasamahan ko lang siya buong araw sa bahay. Hindi ko naman pwede siya iwan sa bahay ko noh! Tapos, ito boring. Wala naman siyang ibang ginagawa. Ano ba talaga trip niya? Kakapagod siya ha. Ikot ikot lang?

Ronnie: Ang boring mong kasama. Magkwento ka nalang sa buhay mo.
Eliz: Not interesting at all. Why don't you make it instead?
Ronnie: Hmmmp.
Eliz: Sige na! ^0^

Wag ka ngang nagpapout, nanggigil ako sayo eh.Mapilit tong babaeng to. Di ko naman matiis kasi maamo yung mukha nya nakahikayat talaga sa tao. May gayuma ata tong babaeng to. Para din may mapagkaabalahan ako.

Ronnie: Well, I live my life typically. Bata pa lang ako, ng iniwan kami ni Papa, may iba na siyang pamilya. Well, true family nya talaga. Kami nalang ni Mama ang magkasama, pero para mabuhay kami kailangan mag trabaho ni Mama. Kaya she was so busy. Hindi ko na nga halos sya nakikita o nakakausap. She left early and go home late. Kaya lumaki ako na yung barkada ko lang kasama ko. Ginagawa nya lahat para yumaman kami. Di ko inaasahan ma magpapakasal sya sa ibang lalaki, business partner nya, nagsama sila nang stepdad at step brother ko sa ibang bansa, oo may step brother ako, halos ka edad ko lang, ayaw kong sumama so I decided to stay. Gustong bumawi ni Mama sa akin kaya lahat ng gusto ko, meron ako, nukukuha ko whatever I want. Yun lang daw ang paraan na naisip nya para makabawi sa pagkukulang nya sa akin. Honestly, di naman yun ang gusto.. all I want is her presence. Oo nagtatampo ako kay Mama...

Ito na nga ba sinasabu ko, mapapa MMK ako nito eh. Nakita ko may tumulong luha sa mata nya. :'(

Ronnie: Oh ba't ka umiiyak?
Eliz: Wala. Mabuti ka nga alam mong makakasama mo pa sila.
Ronnie: Oo nga alam ko naman yun.
Eliz: Maswerte ka parin. Alam mo wag mong sayangin yung mga oras habang buhay ka pa. Make the most out of it. Walang nakakaalam kung hanggang saan at hanggang kailan lang tayo mananatili sa mundo.

Nagtataka ako sa mga sinasabi nya. Yun na ata yung pinakamahaba nyang salita so far mula noong nakilala ko sya. Hindi ko alam pero yinakap ko siya bigla. Malamig talaga siya. Bahala na. Nagiging comfortable ako pag kasama sya. Gumagaan yung loob ko pag andyan siya.

(A/N: Short update! Thank you po sa mga readers! Keep on reading lang po.)

OH MY SOUL MATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon