CHAPTER 10

477 13 3
                                    

PAULO's POV

Halos dalawang linggo na kami dito. Hindi ko akalain na magtatagal kami kasi nga alam mo na. Naawa din kasi kami kay Ronnie eh, ayaw pa niyang umuwi dahil nga andun yung step brother niya. At pagnagkataon? Naku po world war na naman. Ayaw namin makita yung dating Ronnie, tapos mukhang masaya naman siya ngayon kay Eliz.

Ang aga pa kasi at wala ako sa mood para maglakwatsa ngayun. Kaya napagpasyahan kong maglinis nalang ng mga kwarto. Eh sa mabait ako.Natapos ko na linisin yung ibang kwarto, kay Nikko naman ang pinakamakalat . Sa room nalang ni Ronnie, habang naglilinis ako sa kwarto niya may napansin akong papel na nakaipit sa pinakailalim na drawer niya kaya tiningnan ko. Ano ba naman to puro alikabok. 

Ma. Elizabeth Perpetua Villadaez February 14, 1994

Kaninong birth certificate naman kaya ito? Baka naiwan lang to ng may ari ng bahay. Hindi ko nalang pinakialaman. Nilagay ko nalang sa drawer ulit.

MCCOY's POV

Nandito ako ngayun sa may living room, tumatambay sa may bintana, nakatingin nalang sa isang magandang babae  Sana lagi nalang siyang nandyan. Nahihiya kasi akong lapitan siya. Hindi ka nakakasawang tingnan.. hayyy 

Eliz: Sino tinitingnan mo?
McCoy: AYY KABAYONG MAY PAKPAK!  Ano ba naman Eliz , magparamdam ka naman.
Eliz: Lagi nga, diba?  Sino ba nandyan?
McCoy: Wala.  Si ano lang.. si ano.. si... hehe si Maris..
Eliz: >_<
McCoy: Ba't ganyan mukha mo?
Eliz: Crush mo?
McCoy: Hindi.
Eliz: Hindi ?
McCoy. Mahal ko!
Eliz: Ewan ko sayo. Labo mo naman! Ba't di mo lapitan?
McCoy: Nahihiya ako. 
Eliz: Nahihiya ka pa sa kalagayan nayan? Alam mo McCoy, payong kaibigan lang ha, pag gusto mo yung isang bagay, gumawa ka ng paraan, wag kang mag antay na ang paraan pa yung kumalabit sayo.
McCoy: Hindi ko alam gagawin ko.
Eliz: Unless hindi ka tunay na lalaki, haha .. pero may tao lang talaga na walang isang salita and can not keep his promises.
McCoy: Hindi ako ganun Eliz. I know how to keep my promises.
Eliz: I hope so.  
McCoy: Sige Eliz maiwan na muna kita ha.
Eliz: You know what, ang babae takot yan masaktan , lalo na pag iniwan.
McCoy: Lalo na pag nalaman mong ipanagpalit ka niya? May pinaghuhugutan ba?
Eliz: Hehe sabi ko lang!  By the way, San nga ba sila? Wala kasi si Ronnie sa kwarto niya.
McCoy: Si Ronnie, may pupuntahan daw muna siya. Si Paulo, ayun lilinisin daw buong bahay. Si Nikko at Jon, may ibang lakad ata sila.
Eliz: Ah Ganun ba. Sige bye. 

NIKKO's POV

Maaga kami umalis ni Jon nang makita naming paalis din si Ronnie kaya nakisabay nalang kami.

Jon: Saan lakad mo bro?
Ronnie: Sa bayan lang, mag wiwithdraw. Kayo?
Nikko: Ito kasing si Jon may bibilhin daw siya.
Ronnie: Nang ganito ka aga?
Jon: Haha 
Nikko: Kasi tatamadin yan mamaya.

Pagkatapos ni Ronnie mag withdraw eh pumunta na kami sa bibilhan ni Jon.

Ronnie: Saan ba yan Jon. Kanina pa tayo paikot ikot.
Jon: Pasensya na bro, kasi sabi ni Anika andito lang daw yun. 
Nikko: Anu ba naman ya Jon, tanghali na. Nagugutom na ako. 
Jon: Pwede ba bro pigilan mo muna yung takaw mo.
Ronnie: 1 pm na Jon. Gagabihin na tayo paauwi. 

Bandang 2 pm na namin nahanap yung pinabili ni Anika kay Jon. Akala namin wala ng problema pero hindi na namin alam kung saan kami dumaan kanina. Nawala na kami. 

Nikko: Bro Nasan na ba tayo? 
Ronnie: Ako pa tinanong mo? Di ko din kabisado yung lugar dito.
Nikko: Kasalanan mo 'to Jon.
Jon: Pasensya na. Magtanong tanong nalang kaya tayo.

Pumara muna kami at nagtanong sa may tindahan.

Ronnie: Manang pwede magtanong?
Manang: Anu yun pogi?
Ronnie: Saan ba papuntang Villa Perpetua? Nawala po kasi kami.
Manang: (Naiba naman mukha ni manang ) Anung gagawin nyo don ? Alam nyo bang dilikado don?
Nikko: Manang nagtatanong po kung saan dadaan?
Manang: Straight ka tapos may skinta dyan kumaliwa ka.
Jon: Salamat po.

Sinununod din namin ang sinabi ni Manang. Nung malayo na kami, wala na masyadong bahay bigla kaming huminto.

*tggsssh! tggssssh!*

Nikko: May problema bro?
Ronnie: Ayaw mag start eh. Bigla nalang siya namatay.
Jon: Kailan mo ba to huling pinatingnan.
Ronnie: Nung bagi tayo umalis.
Jon: Halika ka tingnan nalang natin.

Gumagabi na din kasi.  Ano ba naman yan Ronnie, ang yaman mo bili ka nalang ng bago. Bumaba kami sa kotse para tingnan kung ano nangyari. What the ?? O.O

Nikko: Sa dinami dami ng lugar sa simenteryo pa talaga tayo nasiraan.
Jon: Wag mong sabihin natatakot ka?
Nikko: Ako? Baka ikaw?
Jon: Bro anong nangyari?
Ronnie: Hindi ko alam , mukha namang walang nasira.
Nikko: Bro waahh  ayaw kong matulog sa simenteryo.
Jon: Sus diba may hacienda nga kayo sa simenteryo.
Nikko: Sira. 

Kinakabahan talaga ako dito. Ang tahimik ng lugar, mukhang walang katao tao.

Ronnie: Lobat ako. Hingi nalang tayo ng tulong dito.
Nikko: Wala din akong load. Wala namang katao tao rito Ronnie, san tayo hihingi ng tulong? Sa mga patay?

Lumingon lingon kami habang naglalakad pero di pa masyadong nakalayo. May agaw-pansin na lumang structure na libingan, may pagka vintage din na pang mayaman ang dating. Parang yung bahay lang. Kaya tiningnan namin kung kanino.

 M// ////////// /////////// ///////////Born on //////////, 1994 † Died on October 26, ///// 

Kami: -.- ???

Kaluka naman to. Hindi na mabasa yung iba sa kapal ng alikabok ay dumi. Naggulat kami ng may nagsalita sa likuran namin.

"Anong ginagawa nyo dyan?"

Kami:o.O'

Matandang lalaki na uugo ugod na hahaha. 

----

OH MY SOUL MATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon