STARGAZING ang pinagkakaabalahan ni Terence Jay Ramos—o TJ sa karamihan—ng mga oras na iyon. Katatapos lang niyang maghapunan. Naroon siya sa malawak na terrace ng kanyang silid at nakahiga sa duyan na sadyang ipinalagay niya roon.
Ngunit sa kabila ng magandang kalangitang namamalas niya, may gumapang pa ring lungkot sa dibdib niya. Kanina, binisita niya ang puntod ng kanyang ina at nakatatandang kapatid dahil ang araw na iyon ang first death anniversary ng mga ito. Ngunit kahit isang taon na ang nakalipas mula nang mamatay ang mga ito, hindi pa rin niya maikondisyon ang sarili na tanggaping wala na ang mga ito sa buhay niya.
Paghinga ng malalim ang naging paraan niya upang paluwagin ang nagsisikip na dibdib. Nag-uumpisa na naman siyang maging emosyonal. Ganoon siya kapag nakakaalala ng mga mapapait na pangyayari sa buhay niya.
When he looked up to the starry night sky, he smiled. May naalala kasi siya nang makita ang mga bituing nakalatag sa madilim na kalangitan.
"Magagawa ko nga kaya iyon?" tanong niya sa sarili. Isang malalim na buntong-hininga ang kasunod niyon.
He remembered a certain day he made a promise. It was the night of their high school graduation ball just about two weeks ago. Kung tama pa ang pagkakaalala niya, may nakita pa siyang shooting star nang ipangako niya sa sarili ang isang bagay.
Probably too foolish to think, he made a promise that he should have found his chosen bride before he graduate in college. He should be sure about letting that woman become a part of his life. Bata pa siyang maituturing—he just turned sixteen two days ago—subalit desidido siyang tuparin iyon. Not just any bride; it has to be a bride he would choose to love for the rest of his life.
Hindi lang siya ang gumawa ng ganoong klase ng pangako. His three childhood friend also made a promise like that on the night of their graduation ball. They had to make sure na lahat sila ay makilala na ang babaeng mamahalin at nanaisin nilang pakasalan bago gr-um-aduate sa kolehiyo.
Hindi nga siguro mahirap iyon dahil popular na sila sa subdivision pa lang nila. Babae na ang lumalapit sa kanila. But that was exactly where the challenge lies. Para silang naghahanap ng karayom sa dayami sa pangakong iyon. They had to find the one that really stood out among all women who wanted to enter their lives.
Napaigtad siya nang makita ang pagdaan ng shooting star na pumutol sa pagmumuni-muni niya. He heaved a sigh and closed his eyes. Weird man siguro kung ituturing subalit isa siya sa mga naniniwala na natutupad ang mga "silently uttered wishes upon a shooting star" na ideya ng ilan. Alam niya na naroon ang Diyos upang tuparin ang mga iyon.
Sana magawa ko ang ipinangako ko sa sarili ko. Makita ko sana ang babaeng gugustuhin kong pakasalan sa panahong itinakda ko sa sarili ko. At sana... ang babaeng iyon na ang mamahalin ko sa habang panahon.
He sighed once more after making that wish. For a few minutes, he watched the star shimmer. Napangiti siya. Pagkatapos ay tumayo na siya sa kinahihigaan niya at pumasok na sa loob ng kanyang silid. Pagkahiga niya sa kama ay naalala niya ang mga katagang binitawan niya sa harap ng kanyang mga kaibigan.
"I'll bet my life and my future on this promise, guys. Sisiguruhin ko na makikita ko ang babaeng gusto kong pakasalan apat na taon mula ngayon. At sisiguruhin ko rin na ang babaeng iyon ang mamahalin ko at nanaisin kong makasama habang buhay..."
He would make sure he's fulfill it without regrets.
Four years from that moment, he would fulfill his promise beneath the starry night sky—a promise that he knew would change his life forever.
BINABASA MO ANG
✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight Song
Teen Fiction『COMPLETE』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katot...