Chapter 2

11 1 0
                                    

"HANGGANG DITO ba naman, pagbabasa pa rin ng inaatupag mo? Party ito, hindi group study sa library."

"Parang hindi ka na nasanay kay TJ. Ganyan na talaga iyan noon pa. Ngayon ka pa nag-react. Hayaan mo nang panindigan niya ang pagiging genius niya."

Umiiling-iling na nag-angat ng tingin si TJ. Nakita niyang nakatayo sa harap niya ang mga kaibigan at teammates niya na sina Mark at Aljon. Naroon ang buong koponan ng GC Warriors sa malaking bahay ng coach nila at kaklase ng dalawang kaibigan niya na si Carlo kung saan ginaganap ang victory party. Mukhang inasahan na ni Carlo ang pagkapanalo ng team.

Pagdating nila sa bahay nito, nakahain na sa malaking mesa ang samu't saring pagkain. Pero imbes na dumulog siya sa hapag-kainan gaya ng ibang teammates niya, ang project nila ni Livie ang unang-unang inasikaso niya nang makahanap siya ng mapupuwestuhang may kalayuan sa mga kasamahan niya.

Sa labing-dalawag miyembro ng GC Warriors, mas malapit siya kina Mark, Aljon, at Aries. Childhood friends niya ang mga ito. Naging kaibigan niya ang mga ito mula pa elementary. Matibay pa rin ang samahan nilang apat kahit na siya lang ang naiiba ang kinuhang kurso. Kunsabagay, nagkikita pa naman sila kapag may practice.

Nasa huling taon na siya ng BS Information Technology. Wala siyang problema kung makaka-graduate ba siya on time dahil seryoso siya sa pag-aaral niya sa kabila ng pagiging abala sa basketball team. In fact, pagka-graduate niya ay siya ang mamamahala sa IT Department ng electronic company na pag-aari ng pamilya nila.

Ang ama niyang si Jacob Ramos ang kasalukuyang CEO at presidente niyon. Sinalo nito ang pamamahala sa kompanya nang mamatay sa isang plane crash ang mama at kuya niya. Galing ang mga ito sa isang conference sa Beijing nang mag-crash landing ang sakay na eroplano ng mga ito.

Nasasaktan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang pangyayaring iyon. If fate hadn't done anything for him to meet Livie at Greenfield College, then he would probably still grieving until now. Like him, his best friend also lost a mother and a brother. Ang isa't isa ang naging sandigan nila matapos ang ilang tanong nabalot sa lungkot ang mga puso nila. It was a good thing that their fathers were best friends. Nagsilbing daan iyon upang maging mas malapit pa sila ni Livie.

"At sino naman ang may sabi sa inyo na pinaninindigan ko ang pagiging genius kahit hindi naman?" Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa binabasa at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Nandito tayo sa bahay ni Carlo para ipagdiwang ang pagkapanalo natin. Pero ikaw, libro ang nilalamay mo rito. Para saan ba 'yan?" tanong ni Mark.

He sighed. "Para sa project namin ni Livie. Pasahan na kasi next week ng written report kahit sabihin pang second draft na ito. Kailangang maging maayos ito para kaunti na lang ang poproblemahin namin for the final draft."

"Ah, kaya naman pala sineseryoso ang binabasa niya. Si Livie pala ang kasama niya riyan," tatango-tangong sabi ni Aries na eksaktong kararating lang sa puwesto nila. "Sige na. hayaan n'yo na siya d'yan at nang hindi natin maistorbo . Kawawa naman si TJ kapag napahiya siya sa chosen bride niya kapag pumalpak siya."

Kunot-noong hinarap niya ang mga ito. "Sinong 'chosen bride' ang sinasabi mo riyan?"

"Si Livie. Bakit, hindi pa ba siya ang chosen bride mo?" takang tanong ni Mark. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang tungkol sa graduation resolution natin?"

"Of course not!" bulalas niya. How could he forget that resolution—that promise? Walang araw na hindi iya naisip ang tungkol doon. "There's no way I would forget that. Iyon ang 'kalokohan' na seryosong tutuparin ko. I would find my bride just before I graduate." At seryoso siya sa pahayag niyang iyon.

✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon