TAPOS na ang practice. Wala nang ibang tao sa gym maliban kay TJ. Naroon pa rin siya, walang tigil sa pagdi-dribble at pagsu-shoot ng bola. Pero dahil laging sumasablay ang mga tira niya, naibato niya ang bola dahil sa inis.
"Damn it!"
Nang wala nang maisip gawin ay pasalampak na nahiga siya sa sahig at ipinatong ang braso sa kanyang mga mata. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at tumatagaktak ang pawis sa katawan niya pero wala siyang pakialam. Wala ang mga iyon kumpara sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Livie...
Hindi pa rin niya magawang tanggapin na sa ganoon lang humantong ang lahat. Devastated pa rin siya sa pagtanggi ni Livie na pakinggan siya, na paniwalaan kahit man lang ang katotohanang ibinandila niya sa lahat noong acquaintance ball. The pain he felt the day she walked out of his life was doubled as each day passed na hindi niya nakikita't nakakausap ang dalagang minamahal. Kaya kahit masakit ay umiiwas na siya rito dahil alam niyang ganoon din ang ginagawa nito sa kanya.
Ngunit may mga pagkakataon na sinusundan niya ito at tinatanaw na lang sa malayo. Hindi niya alam kung tama ang napapansin niya. Nakikita kasi niyang tila malungkot ito at palaging wala sa sarili. Hindi iilang beses na nakita niya itong tulala kapag walang klase. Gustuhin man niyang lapitan ito at aluin, wala siyang magawa dahil baka lalo lang siyang masaktan. Tiyak niyang iiwasan din lang naman siya nito sa oras na lapitan niya ito at tangkaing kausapin.
How could you hurt me this way, Livie? Pero ano ba naman ang karapatan niyang sabihin ang mga katagang iyon sa dalaga? Hindi ba't siya ang may kasalanan kung bakit lumayo ito sa kanya? Siguro nga, nararapat lang na masaktan siya ngayon.
Inalis niya sa kanyang mga mata ang pagkakapatong ng braso niya at tumingin sa kisame. Gritting his teeth together, he sat down and forced himself to stay calm. Huminga siya nang malalim. Saka naman niya napansin ang paglapit ni Aries sa kanya.
"May karapatan pa ba akong harapin ka, Pare?" bungad na tanong nito at naupo na rin sa sahig paharap sa kanya nang wala siyang sinabi. "I'm sorry. Ni hindi man lang kita natulungan para ayusin ito gayong kasalanan ko naman ang lahat."
Umiling siya. "I had a hand with this, Aries. Walang rason para sisihin mo lang ang sarili mo. Pareho tayong may kasalanan sa nangyari." He then let out a bitter sigh. "Noong una pa lang sana, inisip ko na ang consequences ng pagpayag ko sa deal. I knew Livie wasn't someone who would appreciate things like this. Pero siguro nga, desperado na ako. Desperate to possess two of the most important treasures in my life..."
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang magkaibigan. He could've cried after saying those words. But doing so wouldn't lead him anywhere. Lalo lang siyang pahihirapan niyon.
"Gagawa ako ng paraan, TJ. I'll help you fix this," pinal na wika ni Aries at walang lingon-likod na iniwan siya roon.
= = = = = =
LUNES na at maagang nagising si Livie kahit na alas-tres na ng madaling araw siya nakatulog. Busy kasi siya sa pag-e-encode ng mga na-edit na niang news articles sa kanyang laptop. Idagdag pa na ipinapa-revise si Faye—pati na rin ni Ma'am Cedo—sa kanya ang feature article niya na ilang araw din niyang hindi hinarap. Nakalimutan niyang isama sa feature article na iyon ang impormasyon tungkol sa love life ni TJ. At kung maaari raw ay isama na niya ang tungkol sa sa relationship niya rito.
Gusto man niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Alam niyang parusa iyon sa kanya lalo pa ngayong in jeopardy ang relationship nila ni TJ. Pero dahil sa kanya nakatoka ang article na iyon, she might as well do her job. No choice.
Ngunit bago niya naisipang simulan ang pagre-revise niyon, nag-shower muna siya. Pagkatapos ay nagpalit na siya ng damit. Paglabas niya sa kanyang silid ay naabutan niyang may kausap ang kanyang ama sa sala. Laking-gulat niya nang lubusan na niyang makita kung sino ang kausap nito.
"Lolo Herbert!"
Agad na napokus sa kanya ang atensiyon ng dalawang lalaki. Tumayo ang kanyang ama at nilapitan siya.
"Mag-usap kayong dalawa, Livie. I think you need to know the full story," seryosong sabi ni Mang Connie at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Listen to him, okay? Nang sa sayon ay wala nang dahilan para mahirapan pa kayo ni Terence."
Full story? Ano namang full story ang dapat niyang malaman? But then if talking to Lolo Herbert would clear things for her, she might as well obliged. Sana nga lang ay may maitulong nga ang magiging takbo ng usapan nila.
Matapos silang iwan ni Mang Connie ay naupo siya sa single seater sofa na inupuan nito kanina lang.
"Ang layo pa po ng ibiniyahe n'yo para lang magpunta rito, Lolo," aniya nang makaupo na siya.
"Walang kaso sa akin iyon, Olivia. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang makatulong sa inyong dalawa ng apo ko."
Nangunot ang noo niya pero pinili na lamang niya ang manahimik.
Tumikhim si Lolo Herbert at saka siya hinarap. "Olivia, hindi na lingid sa akin ang tungkol sa dare kung bakit nagkaroon ng biglaang lakas ng loob ang apo ko na ipahayag sa iyo ang nararamdaman niya. Subalit nang malaman ko ang totoong kuwento sa likod ng dare nilang iyon ng mga kaibigan niya, noon ko lamang lubusang naintindihan ang lahat."
Noon lang tuluyang nakuha ang atensiyon niya. Kasabay niyon ay naalala niya ang sinabi ni Erika sa kanya.
"Maybe there is an even bigger story lying in that challenge..." Posible nga kayang tama si Erika? At malalaman na niya ang "bigger story" na tinutukoy nito sa tulong ni Lolo Herbert?
"Lolo..." tanging nasabi niya.
"You have the right to learn the truth, hija. After that, I will let you decide whether you would forgive my grandson or not."
= = = = = =
HINDI iilang beses na bumuntong-hininga si TJ habang naroon siya sa locker room at nagbibihis. Ngayon ang long anticipated match ng GC Warriors laban sa Salcedo University. Marami ang excited na manood ng basketball game na iyon dahil ang nasabing laro ang magsisilbing decision-maker kung anong koponan ang maglalaro sa finals.
Subalit wala sa laro ang isip ni TJ. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang humihiling na magtungo roon si Livie at makipag-usap sa kanya. At kung talagang nais na nitong tapusin na nang tuluyan ang pagkakaibigan nila dahil sa kasalanan niya rito, gusto niyang tapusin iyon sa maayos na paraan.
Bumuntong-hininga na naman siya.
Bahala na. Sa ngayon ay kailangan niyang i-concentrate ang isipan niya sa laro. Malaki ang expectations sa kanya ng halos lahat. At hindi niya gustong biguin ang mga ito.
Sana lang ay ma-meet niya ang expectations ng mga ito—even if he couldn't meet his.
BINABASA MO ANG
✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight Song
Teen Fiction『COMPLETE』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katot...