NAILANG NANG husto si Livie sa mga matang nakatingin sa kanya eksaktong pumasok na sila ni TJ sa loob ng function hall kung saan kasalukuyang ginaganap ang acquaintance ball. Gaya ng inaasahan ay marami nang tao ang naroon. Nagdesisyon siyang maupo na lang kasama ang staffs ng Encounters. Si TJ naman ay nagtungo sa mga kasamahan nito sa basketball team.
Hindi na siya nagtaka nang magsilapit ang mga kasamahan niyang babae sa puwesto. Iisa lang naman ang sinabi ng mga ito sa kanya. Lahat sila ay naiinggit dahil si TJ ang escort niya nang gabing iyon. Kiming ngiti lang ang naging tugon niya sa sinasabi ng mga ito.
Ilang sandali pa ay nag-umpisan na ang opening program. Subalit habang nanonood siya sa mga nagpe-perform sa stage at pinakikinggan ang mga nagsasalita roon ay hindi niya maiwasang tingnan si TJ sa kinauupuan nito. At labis na ikinatuwa ng puso niya ang katotohanang hindi rin niito maiwasang tingnan ang direksiyon niya. Ilang beses na rin niya itong nahuling tumitingin sa kanya na nagpakilig hindi lang sa kanya kundi maging sa mga kasamahan niyang nakakapansin din ng simpleng titigan nila ni TJ. Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mga pisngi niya dahil tinutukso tuloy siya ng mga kasamahan niya.
Mayamaya pa ay nagsalita ang emcee.
"Alright, guys! Before we officially start having fun and enjoy this night, we're going to have our last intermission number for this opening program. Ang magpe-perform po ngayon ay isa sa mga basketball players ng ating school."
Nagsimulang maghiyawan ang mga estudyanteng naroon habang siya naman ay napakunot-noo. Sino naman kaya sa mga basketbolistang iyon ang naglakas-loob magpakita ng talento nito sa harap ng mga estudyante? Hindi na siya nagtaka nang magtilian ang mga babaeng estudyante pagkarinig sa sinabi ng emcee na isa sa mga basketball players ang magpe-perform.
"I know all of you will be surprised kapag nalaman n'yo na kung sino ito dahil ngayon ko lang nalaman na talented pala ang varsity player na ito."
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga naroon. Siya naman ay tila nagkakaideya na kung sino ang tinutukoy ng emcee. Subalit nanahimik na lang siya.
"I know that you're all excited to meet this guy. Kaya hindi ko na patatagalin pa. I would like to call on Mr. Terence Jay Ramos for his intermission number." Iyon lang at agad na nagpalakpakan ang mga tao doon as soon as TJ stood in front of everyone on the stage.
Siya naman ay nagulat sa narinig. I thought he's still the shy type person. But even though she was a little confused, she couldn't help but to smile. TJ spoke as the applause faded.
"Alam ko, nakakagulat na makita ninyo akong lahat na nakatayo sa stage na ito for a different reason other than basketball. Pero gusto ko lang gawin ito for the reason that I'm going to dedicate this song I'm singing tonight to someone special. To be specific, to the girl I love," he announced with such emotions.
Unti-unting natahimik ang paligid matapos ang ilang sandaling pagre-react ng mga audience dahil sa narinig. Hindi man tiyak ngunit tila nagkakaideya na ang mga ito kung ano ba ang mangyayari sa pagsasalitang iyon ni TJ. Habang siya naman ay nakatitig lang sa binatang kasalukuyang nag-i-speech sa harap. She wouldn't deny the fact that she was stunned to know the fact that TJ loved someone. Though she was hoping na siya sana ang babaeng tinutukoy nito, hindi pa rin niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano. Patindi nang patindi ang kabang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Muling nagsalita si TJ. "And I want to let her know that... there's always someone beside you that had loved you. But I guess you'll never know that I've loved you since the day I finally realized that true love is possible if it's you I'm going to love. I've always been here beside you, loving you secretly. I hope this song will open your eyes to make you realize that I'll never love anyone else but you—" he paused, closed his eyes, heaved a sigh, and then opened them again. "—Olivia Marie Garcia."
BINABASA MO ANG
✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight Song
Teen Fiction『COMPLETE』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katot...