Chapter 6

8 1 0
                                    

KUNG hindi ka nga naman talaga minamalas, o! inis na reklamo ni Livie sa isip nang maabutan siya ng ulan sa gitna ng paglalakad niya pauwi.

Kagagaling lang niya sa palengke dahil malapit na siyang maubusan ng stock ng pagkain sa bahay. Naisipan niyang maglakad na lamang pauwi nang mapansin niyang maganda naman ang panahon. Kaya nga laking inis niya nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nakalimutan pa mandin niyang magdala ng ulan.

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa umiral ang pagkaulyanin ko. Naku naman!

Nagmamadali siyang tumakbo upang makahanap ng masisilungan. Basang-basa na siya nang makakita siya ng masisilungan sa isang shed sa tindahan. Napagpasyahan niya na doon muna maglagi hanggang tumila ang ulan. Pinilit niyang tiisin ang lamig sa kabila ng patuloy na pagtulo ng tubig mula sa buhok at damit niya. Nanginginig na rin siya.

Ngunit sa malas ay tila ayaw tumigil ng ulan kaya nanatili lang siyang nakatayo roon habang hinihintay na tumigil ang ulan. Wala naman kasi siyang mauupuan. At kahit nangangalay na ang mga paa niya sa pagtayo ay hindi niya alintana iyon.

Nang tuluyang mapagod ay naisipan niyang isandal ang kanyang likod sa pader at saka ipinikit ang mga mata. Ngunit wala pang limang minuto ang nakalilipas ay nakarinig siya ng pagbusina ng isang sasakyan. At laking gulat niya dahil pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niyang papalapit si TJ.

TJ? You're really here? Ang akala niya ay nagdedeliryo lang siya dahil sa nararamdamang lamig. Pero nagkamali siya nang maramdaman niyang ibinalabal nito sa kanya ang denim jacket na suot nito at niyakap siya habang patungo sila sa kotse nito.

"You're really here..." usal niya.

"Of course I'm here. Hindi kita puwedeng pabayaan na lang dito, Livie."

Bumabagsak na ang mga mata niya nang makaupo na siya s front seat at sa totoo lang ay hindi na maganda ang pakiramdam niya. Hinayaan na lang niyang pumikit ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man siya dalhin ng kanyang isipan sa kung saan ay narinig pa niyang nagsalita si TJ. At kung hindi siya nagkakamali, naramdaman pa niya ang concern at pag-aalala nito sa kanya sa tinig nito kasabay ng paghaplos nito sa kanyang pisngi.

"Magpahinga ka na muna, okay? I'll take you home as soon as possible," narinig pa niyang masuyong sabi nito bago tuluyang tangayin ang kanyang isipan sa kung saan.

= = = = = = =

NAPAILING na lang si TJ nang makitang nahihimbing na si Livie sa kinauupuan nito. Halatang nagpatong-tanong na ang pagod, stress at lamig mula sa pagkabasa ng ulan na nararamdaman nito kaya ngayon ay dinapuan na ito ng lagnat.

Hindi niya maiwasang mag-alala para rito lalo pa't nalaman niya mula kay Tito Connie na wala itong dalang payong nang pumunta ito sa palengke. Agad siyang nagtungo sa palengke at hinanap ito roon. Nang hindi niya ito makita roon ay agad niyang nilandas ang daang maaaring tahakin ni Livie pabalik sa subdivision.

Kinain siya ng matinding pag-aalala para kay Livie nang mag-umpisa nang bumuhos ang malakas na ulan at hindi pa rin niya ito nakikita. Naging dahilan iyon upang pabilisin niya ang pagpapatakbo sa kotse niya kahit na may kadulasan ang daan. Wala siyang pakialam ng mga sandaling iyon kundi ang makita niya kaagad si Livie.

At lalo siyang nag-alala nang makita niya ito sa isang tindahan at tila nanginginig sanhi ng lamig ng panahon. Agad siyang bumusina upang kunin ang atensyon nito. Pero kahit na nagtagumpay siyang gawin iyon, alam niyang wala nang lakas si Livie na maglakad pang mag-isa.

Sinugod niya ang malakas na buhos ng ulan mapuntahan lang ang dalaga. Nang salatin niya ang noo nito, nagulat siya nang maramdamang mataas ang temperatura nito. Dinapuan na ito ng lagnat. This can't be good!

✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon