NIYAYA ni TJ si Livie na mamasyal at mag-picnic na rin sa farm ng lolo nito sa bayan ng Altiera. Hindi na siya tumanggi kahit limang oras pa ang biyahe papunta sa bayan. Naisipan na rin niyang interview-hin muli ang binata upang matapos na niya ang kanyang article. Deadline na iyon sa susunod na linggo bago ang acquaintance ball ng Greenfield College.
Hindi niya napigilan ang mamangha sa laki at ganda ng farm nang marating na nila iyon. Pinya at mangga ang pangunahing produkto ng farm na iyon. Mayroon din itong flower farm na bagaman hindi kasinglawak ng flower farm ng kanyang ina—na kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang ama—ay maganda pa rin. Halata sa mga halamang naroon ang maiging pag-aalaga ng mga trabahante at tagapangasiwa niyon. Magiliw siyang sinalubong ni Lolo Herbert—ang lolo ni TJ sa mother's side—at natutuwa siya rito. Kahit na mayaman ito at bakas ang katandaan at awtoridad sa itsura nito ay hindi ito mapagmataas.
"Alam mo ba, hija, walang araw na hindi tumatawag sa akin ang apo ko at nagkukuwento ng tungkol sa iyo?" Iyon ang mga sinabi ng matanda na hindi niya inaasahang marinig mula rito. At hindi rin niya inasahang masilayan ang pagba-blush ni TJ habang pinipigilan nito si Lolo Herbert sa pagkukuwento pa ng anumang may kinalaman sa sinabi ng huli.
Natawa na lang siya at hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya sa tuwing maaalala niya iyon hanggang sa makarating na sila sa pond. Doon naisipan ni TJ na mag-picnic sila nito sa suhestiyon na rin ni Lolo Herbert.
"Pagpasensiyahan mo na si Lolo, Livie. Ganoon lang talaga iyon," pagdidisimula ng binata nang maiayos na nila ang picnic mat sa damuhan.
Napangiti na lang siya. "Hindi ko akalaing nagiging madaldal ka pala kapag ang lolo mo na ang kausap mo."
"Isa lang ang lolo ko sa mga taong napagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko. Kaya huwag ka nang magtaka." At saka ito kumagat ng egg sandwich na hawak nito.
"Pero totoo bang walang araw na hindi ka nagkukuwento sa lolo mo tungkol sa akin?" nanghuhuling tanong niya. She smiled triumphantly nang makita niyang tila nasamid ito. Agad na nag-iwas ito ng tingin nang matawa na siya sa inakto nitong iyon.
She found him adorable nang mapansin niyang nagba-blush na naman ito. For almost four years, this was one of TJ's side that she rarely see—if not never. His boyish side that made her admire him even more.
Pero bago pa man makapagsalita si TJ, bigla namang bumuhos ang ulan kaya agad silang tumayo. Nagmamadaling tinungo niya ang isang malaki at matandang puno na malapit lang sa puwesto nila kanina. Kumunot ang noo niya nang mapansing nakatayo lang si TJ katabi ng picnic mat at nagpapabasa sa ulan. But what surprised her was the fact that she saw him smiling like an innocent little boy while being drenched in the rain. She smiled at the sight. Pakiramdam niya ay nakikita niya ang younger TJ sa harap niya nang mga sandaling iyon.
Humarap ito sa kanya, nakangiti pa rin at ngayon ay papalapit na sa kanya. "Halika, Livie. Maligo tayo sa ulan," yaya nito at agad siyang hinila paalis sa pagkakasilong niya sa malaking puno.
"Pero wala akong dalang extra clothes para pamalit ko, TJ. And besides, baka magkasakit lang tayong dalawa."
"At least, nag-enjoy tayong dalawa, 'di ba?"
Napailing na lang siya. Nang tingalain niya ang langit, naisip niyang tila nais pa yata nitong pagbigyan ang kagustuhang iyon ng binata dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Pero kung tutuusin, magiging masaya nga naman ang araw niya dahil makakasama niya sa pagligo sa ulan ang lalaking mahal niya. Isa iyon sa mga pinangarap niyang gawin kasama ang lalaking kanyang minamahal kahit alam niyang walang malisya—at least on his part—kaya wala naman sigurong magiging problema. Like what she kept on telling to herself, she would enjoy every moment she spent with him. At isa lang ito sa mga moment na iyon.
BINABASA MO ANG
✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight Song
Teen Fiction『COMPLETE』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katot...