Final Chapter

24 1 0
                                    

HINDI pa nagsisimula ang game nang makarating si Livie sa gym ng Greenfield College. Ilang oras din niyang pinag-isipan ang ginawa niyang pagpunta roon. Kahit na sa totoo lang ay nawala sa isipan niya ang tungkol sa laro ni TJ nang araw na iyon.

Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila ni Lolo Herbert ay agad siyang nagtungo sa silid niya upang tuluyang tapusin ang feature article niya. Unexpectedly, she managed to do it without the heaviness she was feeling in her heart a while back. At natapos niya iyon sa loob lang ng dalawampung minuto.

Natagalan lang naman siya sa pagdedesisyon tungkol sa pagpunta niya sa gym dahil patuloy pa rin niyang naiisip ang mga nalaman niya mula kay Lolo Herbert. Pinakiusapan pala ito ni Aries na sabihin sa kanya ang totoo, lalo pa't alam daw ng matanda ang kuwento tungkol sa resthouse na reward dapat ni TJ kapag nagawa niya nang tama ang dare ng mga ito. Tama nga si Erika. May mas malaki pa nga kuwento na nakapaloob sa challenge-slash-dare na inihain ni Aries kay TJ. Kasabay niyon ay nalaman din niya ang tungkol sa high school graduation resolution ng apat na mga lalaking iyon. At iyon ay ang makita ng bawat isa sa kanila ang babaeng handa nang makasama ng mga ito sa habang panahon.

In short, the perfect bride for them.

At ayon kay Lolo Herbert, sa kaso ni TJ, siya raw ang napili ng binata. Kulang ang sabihing nagulat siya sa nalaman na kung hindi nakaupo ay baka nahulog na siya sa sahig. Ilang sandali rin siyang hindi nakaimik agad dahil doon. Pero kinumpirma sa kanya ng matanda na totoo ang mga pahayag na iyon. Iyon rin daw ang rason kung bakit walang nagtatangkang manligaw sa kanya dahil agad nang itinataboy ni TJ ang mga iyon.

As for the resthouse in question, nalaman niya na dati palang pag-aari iyon ng pamilya Ramos na ipinagbili ng ama ni TJ. Napilitan si Tito Jacob na ibenta iyon upang maisalba nito ang papaluging negosyo ng pamilya Ramos matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng ina't kapatid ng binata. Laking pasalamat nito noon na ang nakabili niyon ay ang ama ni Aries. Ito rin ang tumulong sa pamilya na maisalba ang negosyo. Hindi naman daw pinagbabawalan si TJ ni William Sanchez—ang ama ni Aries—na pasyal-pasyalan ang resthouse na iniregalo na ng una sa anak nito. Alam daw nito na hindi ganoon kadali para kay TJ na pakawalan ang isang lugar na nagpapaalala sa binata ng ina't kapatid nito.

But the resthouse had one more important purpose—one that Lolo Herbert said was something that only TJ could tell her since it was a personal purpose.

Nang mapadako ang tingin niya sa kalendaryong nakasabit sa pinto ay nakita niya roon ang nabilugang numero. February 12. GC Warriors vs. SU Knights basketball game. Matapos niyang maisip ang kuwento ni Lolo Herbert ay hindi na siya nag-alinlangan kung pupunta ba siya o hindi. Tutal naman, napagdesisyunan na niyang kausapin at patawarin si TJ. Not to mention, naintriga rin siya sa "other important purpose" na tinutukoy ng matanda tungkol sa resthouse.

Nakita niya agad si TJ na nakaupo sa bench nang makapasok na siya sa gym. Kasalukuyan itong naghahalungkat sa sports bag nito. At kahit nakatagilid ito, kitang-kitang niya sa mukha nito ang lungkot na pilit pa rin nitong itinatago sa madla. It pained her to know na siya ang may kagagawan ng lungkot na iyon sa guwapong mukha nito. Lalong umigting ang pagmamahal niya rito.

Patuloy pa rin siyang nakatingin sa kinauupuan nito. Hindi na siya natinag nang makita niyang biglang tumingin sa direksiyon niya si TJ. Without pain and pretenses, she smiled at him and she saw him stunned. Halatang hindi nito inaasahan ang ginawa niyang iyon. Nakita niyang kinausap ito saglit ni Aries at napangiti ito. Then TJ stood up and went toward her.

"Hi," bati niya rito.

"H-hi..." nag-aalangan pang ganting-bati nito nang makalapit na ito. "I-I thought... you'll never come."

Nagkibit-balikat siya. "I was planning not to come..."

Nakita niyang bumalatay sa mukha nito ang disappointment. "Oh..."

✔ | SKY OF LOVE AND PROMISE BOOK 1: My Starlight SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon