Sa Kwento mo, May kwentong nabubuo.
Isang pasasalamat sa Isang Manunulat
Pangalan nya'y Ariesa Domingo
Lumikha ng maraming kwento
Hindi lang sa mga karakter
Maging sa mga nagbabasa nitoSa bawat kwentong iyong sisimulan
Ay siya naman nagsisilbing daan
Upang bawat isa sa amin ay makahanap ng tunay na kaibiganIsang katunayan ang aking mga kaibigan
Nagmula sa Fairview, Cebu, Bukidnon, Pampanga, Iligan at Bataan
Sa dalawang taon kami ay di nagkikita
Bagamat malalayo, distansya ay di alintaSa bawat istorya
Hatid sa amin ay kilig at saya
Ngunit di maitatatwa
Na sa huling kabanata, aagos aming mga luhaPagkamay ni Parker Yapchengco ay isang halimbawa
Lahat ay nalungkot, lahat ay nagluksa
Bagamat grupo ni Shiloah, nagdiwang at natuwa
Sa liham ni Yapchengco
sabay ng ngiti ay pagluha moSa tuwing magkakaroon ng pagkikita-kita
Hatid sa amin ay lungkot at tuwa
Lungkot sa iba na di makakasama
Saya sa ibang pinayagan ng magulang nilaSa bawat librong iyong ilalabas
Di maitatanging kami ay may natutunan
Natutong magtipid, mag-ipon at magdiet
Upang librong inaasam ay aming makamitDahil sayo at yong mga kwento
Pagkakaibigan ng marami ay nabuo
Maaring kami ay di magkakadugo
Turingan naman namin ay magkakapatid sa pusoSa huling istansa ng aking tula
Nais ko lamang ulit na magpasalamat
Dahil di lang nakapagbasa ng mga kwento
Higit doon nagkaroon ng kaibigang totoo
Hiling sana ay ipagpatuloy mo
Ang pagsusulat ng mga kwento
Salamat--- Iamnoone
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito